Epilogue

3K 84 20
                                    

Nakaupo silang magkayakap at ninanamnamn ang sandaling magkasama sila. Nakatingin lang sila sa malayo at walang nagtatangka na basagin ang katahimikan. Napansin ni Sarah ang pilat sa may braso ni Gerald at hindi nya namalayan ay hinihimas na pala nya ito. Napabuntong hininga naman si Gerald ng naramdaman nya ito. Alam nya kailangan nyang magpaliwanag ng di oras.

Kumawala sa pagkayayakap at tumayo si Gerald. Tumayo naman si Sarah at sinundan si Gerald. Napansin ni Sarah na hinawakan na rin ni Gerald ang pilat kaya napabuntong hininga si Sarah at nilapitan ang kasintahan. 

"Babe.." bulong ni Sarah.

Tumingin si Gerald kay Sarah at ngumiti ng bahagya.

"Sorry.." bulong ni Sarah. "I am not pushing you into talking. Di ko lang mapigilan na hawakan." 

"I understand." sagot ni Gerald.

Niyakap mula sa likuran ni Sarah si Gerald at inakbakan naman sya nito. Nakatingin sila sa malayo ng biglang nagsalita si Gerald..

"I was on my way home after buying some dinner on a convenience store when it happened..."

Flashback:

Naglalakad si Gerald sa isang maliit na eskinita sa New York nang may dalawang lalaki ang humarang sa kanya. May dala-dala silang balisong at tinutok ito sa kaniya. Tinaas nya ang kanyang kamay at nahulog nya ang paper bag na naglalaman ng mga pinamili nya. Dahil may lamang bote at mga delata ang kanyang pinamili, di nya sinadyang nabagsakan ang isa sa mga paa ng mga lalaki. 

Sinamantala ni Gerald ang pagkakataon na tumakbo papalayo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang may isang rumaragasang van ang dumaan at hindi sinasadyang mahagiran sya. Tumilapon papalayo si Gerald sa lakas ng pagkakabangga at tumama ang katawan sa may sign board, kung saan ang braso nya ay natusok ng isang metal na bagay. Napahinto ang van ng maramdaman na may nabangga ito at doon nakita si Gerald na nakahandusay sa daanan. Agad agad na tumawag ng 911 ang driver ng lumisan. 

Buhay pa ngunit maraming nawalang dugo kay Gerald nang madatnan ng ambulansya. Agad agad naman syang sinugod sa pinakamalapit na ospital. Maayos naman ang kalagayan nya ngunit may mga buto syang nabali. Wala pang bente kwatro oras ay nagkamalay rin sya, ngunit halos di sya makagalaw dahil sa mga benda sa katawan nya. 

"Mo-mmy.." bulong ni Gerald ng magising sya.

"Son, how are you feeling? Do you need anything?" nag-aalalang tanong ng nanay nya.

"Sa-rah?" tanong ni Gerald.

"You want me to call her? I haven't' told her what happened yet.." 

"No.. Don't." 

"Why? She needs to know." tanong ng kanyang ina.

"Don't want... her to see... me like this.." bulong ni Gerald at biglang tumulo ang kanyang luha.

Tumango naman ang ina nito at hindi na kumontra pa. Ngunit habang tumatagal ay kinukulit rin sya ng mga taong nakapaligid sa kanya na sabihin nya ang totoo. Ngunit nagmamatigas sya at ayaw pa rin nyang magpasabi dahil sa pride nya. Ayaw nyang kaawaan sya ng pinakamamahal nya.

End of Flashback.

"It took me six months of therapy before I could walk again. I still need a cane to help me, but in time I would be better." Nakangiting sinabi ni Gerald at binaling ang tingin kay Sarah. 

Ngunit imbis na makita ang nakangiting Sarah ay nakita ni Gerald ang Sarah na nasindak. 

"Babe.." bulong ni Gerald nang-aamo.

Kung Ako Na Lang Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon