Nagising si Sarah na kumportable sa kinahihigaan nya. Hindi nya alam kung bakit, ngunit pakiramdam nya sya ay ligtas at panatag sa mga bisig ni Gerald. Unti unti nyang minulat ang mga mata at nagulat sya nang makita ang nakangiting Gerald na mulat na rin ang mga mata..
"Good morning Babe!" bati nito.
"Good morning rin Babe. Ang ganda ng gising mo ah." Bati ni Sarah.
“Oo naman, katabi ko kasi ang pinakamagandang babae sa mundo.” Sobrang ngiti na sinabi ni Gerald.
Nahampas naman ni Sarah si Gerald, “ECHOS!”
“Naku, umiiral na naman ang insecurities mo, Babe. Ang ganda ganda ganda ganda mo kaya!” hirit ni Gerald.
“Shut up! Shut up!” Natatawang sinabi ni Sarah habang hinahampas si Gerald.
Tawa naman ng tawa si Gerald, at natigilan sya ng mapatitig sya kay Sarah. Sobrang nagagandahan talaga sya sa dalaga kahit bagong gising. Di nya maintindihan kung bakit nito lang nya napansin ang kagandahan nito. Sana noon pa, sana noon pa kita minahal. Sabi ni Gerald sa sarili.
Napansin naman ni Sarah ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Gerald. Hinawakan nya ang mga pisngi nito. “Oh, bakit nagging seryoso ka?”
Hinawakan naman ni Gerald ang mga kamay ni Sarah na nasa muka nya habang nakatitig sila sa muka ng isa’t isa. Tumingin si Gerald sa mga labi ni Sarah bago tumingin muli sa mga mata nya. Napakalapit ng mga mukha nila sa isa’t isa at nararamdaman nila ang mainit nilang hininga. Napalunok si Sarah. “You are the most beautiful person in the world to me, Sarah. Always Remember that.” Bulong ni Gerald.
“Yieeeeee ang chee—“ sigaw ni Enchong ngunit tinakpan ni Julia ang mga bibig nito. Pinitik naman ni Julia ang mga tenga ni Enchong at pinaghahampas habang si Enchong naman ay humihingi ng tulong.
Napaupo naman si Sarah at Gerald at biglang nagtawanan ng napakalakas. Nagtungo naman sila kusina upang magluto ng agahan -- champorado. Malamig kasi sapagkat maulan. Kaya naisipan nilang magluto nito. Sinamahan ni Gerald si Sarah magluto habang ang dalawa naman ay naghahabulan pa rin sa may sala at naghaharutan.
“Ang cute nila noh?” komento ni Sarah.
Nagulat naman si Sarah ng hatakin sya ni Gerald at niyakap mula sa likod. Ipinatong nya ang kanyang baba sa mga balikat ni Sarah. “Inggit ka?” bulong ni Gerald.
Napalunok na naman si Sarah. Di nya maintindihan kung bakit ganito na lang ang binata sa kanya bigla. Kinakabahan sya na parang ewan. “Mr. Anderson, tigilan mo nga ako sa mga kakaganyan mo?” Lalo akong nahuhulog pa sayo.
Ngunit imbis na bitiwan ni Gerald ay binuhat nya si Sarah. Napahiyaw naman si Sarah sa bigla.
“Geraaaaaaaaaaald! Ibaba mo koooooooo! Yung champoradooooooo masusunoooooog!” Sigaw ni Sarah.
Natatawa naman si Gerald at ibinaba si Sarah sa may kitchen counter. “Dyan ka lang babe. Ako na bahala sa pagluluto. For once, let me be the one to serve you. You’ve been there for me since then, ako naman muna ngayon ok?”
Napatango na lang si Sarah. Pinagmasdan niya ang kaibigan. Hindi nya maiwasan magtaka bakit biglaan ang pagpalit ng mood nito. Kahapon lang ay halos di na nya ito makausap ng maayos sa sobrang paghihinagpis, ngayon naman ay parang napakasaya nito. Hindi kaya natuluyan na ang kaibigan nya at nabaliw na? Hindi naman siguro.. Hindi kaya defense mechanism nya lang ito dahil ayaw nya magpakita ng kahinaan? Pwede. Kung ano man yun, alam ni Sarah na hindi nya pababayaan ang kaibigan kahit anong mangyari.
“Ngayon ko lang ule nakita si Kuya na sobrang saya.” Sambit ni Julia na tumabi sa kanya kasunod naman nito si Enchong na hinihimas ang mga braso na nabugbog ni Julia sa hampas. “Ngayon nga lang ata yan nagluto.” Natatawang sinabi ni Julia.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana...
Romance"Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling mag-iisa ... Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling luluha pa.. Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba .. Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo .. Kung ako na lan...