Chapter 18 : Ang Pagwawakas

3.6K 57 20
                                    

Ang isang araw ay naging isang linggo... ang isang linggo ay naging isang buwan. Hindi maisip ni Sarah ang rason, ngunit mahigit isang buwan nang hindi nagpaparamdam si Gerald sa kanya. Masaya naman sila nung huling nag-usap sila, kaya hindi nya maintindihan kung bakit bigla na lang nagkaganoon ang binata. 

Sinusubukan ni Sarah na tanungin ang mga nakapaligid sa kanila ni Gerald, ngunit kahit sila wala masagot. Kahit si Julia ay di rin nya makausap ng matino tungkol sa binata. Kung may sinasabi sya tungkol sa binata, ay matipid lang rin. 

Kung minsan, naiisip ni Sarah kung totoo nga ba ang lahat nang nangyari sa airport. Panaginip nga lang ba ito? O ito na ang nagmistulang pamamaraan ni Gerald upang magpaalam ng tuluyan sa buhay nya?

Mahirap man ay ipinagpatuloy ni Sarah ang buhay. Ngunit kahit anong pilit nyang limutin ang mga nangyari ay hindi sya matahimik lalo na't hindi man nya alam ang katotohanan sa likod ng biglang pagkawala ni Gerald.

"Sana hindi mo na lang ako hinalikan.. sana hindi mo na lang sinabing mahal mo rin ako..." bulong ni Sarah sa sarili habang tinitigan ang litrato nilang dalawa.

Simula nang mawalan ng komunikasyon sila ni Gerald ay ganito siya. Laging nagmumuni-muni sa opisina, tinitigan ang litrato nilang dalawa at nagiisip ng maaring dahilan kung bakit nagkaganito sila ni Gerald. Ngunit kahit baliktarin nya ang utak nya ay hindi nya maisip ang dahilan. Naputol ang pagmuni-muni nya ng makarinig ng katok sa pinto.

Huminga ng malalim, naghahanda baka sya na ang nasa likod ng pinto. "Pasok." utos ni Sarah.

Pinanghinaan ng loob si Sarah ng makitang si Toni lang pala ang tao. Ngumiti ng bahagya si Toni at nginitiaan rin sya ni Sarah. "I'm sorry Sa, but Mr. Milby is waiting at Sir Gerald's office." 

Tumango si Sarah at nagpasalamat. Ngunit parang tinusok ang puso nya nang marinig ang pangalan ni Gerald. Napansin naman ito ni Toni kaya hinawakan nya ang mga kamay ni Sarah at pinisil. 

"Babalik rin sya." Nakangiting sinabi ni Toni. 

"Sana nga." bulong ni Sarah bago tuluyang tumayo. Dumaan muna sya sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Naghilamos sya upang mabura ang bakas ng mga luha sa kanyang mga mukha. Nang nakuntento sya ay saka dumiretso sa opisina ni Gerald

Pagpasok nya ng opisina ay binati sya ng nakangiting Sam Milby. Ginantihan rin nya ito ng matamis na ngiti ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Naupo sila sa sofa at nagsimula sa usapan tungkol sa business na naiwan ni Gerald sa Pilipinas. Simula kasi nang hindi na nagparamdam si Gerald, ay nagsilbi si Sam na mentor ni Sarah sa pagtatakbo ng business ni Gerald. Laking pasasalamat ni Sarah at may Sam syang maasahan kung hindi, hindi nya alam kung saan pupulutin ang negosyo ni Gerald. 

Alam ni Sarah na may nalalaman si Sam tungkol kay Gerald. Nakikita nya ito sa mga mata nya na parang may gustong sabihin sa kanya. Ngunit nang minsang tanungin nya ito ay walang nasagot si Sam kaya kahit gusto man nyang kulitin ang binata ay hinayaan na lamang nya ito.

Anong nangyari sa'yo Gerald at parang binabalewala mo na ako? Isip isip ni Sarah.

Napansin ni Sam na wala na naman sa sarili si Sarah. Alam nyang iniisip na naman nito si Gerald. Napabuntong hininga na lang sya at pinagmasdan ang dalaga. Namimiss nya ang mga magandang ngiti nito. Kahit na nangingiti pa ito ngayon ay alam nyang hindi tunay na ngiti ang mga ito. Nakita na nya ang tunay na kasiyahan ng dalaga. Masakit man sa dibdib nya, ay naalala nya ang mga panahong sobrang saya ni Sarah.

Flashback:

Handang-handa na umamin si Sam sa nararamdaman nya para kay Sarah. Gusto na nya itong ligawan para mapakita ang importansya nya sa kanya kaya niyaya niya ito kumain sa labas. Habang kumakain ay napansin nya ang kasiyahan ng dalaga. Hindi nya maituro kung anong pagbabago ngunit napansin nyang light ang aura ni Sarah at blooming ito.

Kung Ako Na Lang Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon