Makalipas ang ilang araw ay naging abala si Gerald sa trabaho. Habang si Sarah ay namomoblema kay Japoy na tinanggap ang opportunidad na makapagtraining ng Taekwondo sa China. Dahil dito ay naisipan ni Sarah na magyaya na kumain sa labas kasama ang barkada nya.
Biyernes ng gabi, nagkita-kita sila Maja, Nikki at Sarah sa isang malapit na restaurant at doon sila kumain. Hindi nakadalo si Enchong sa dinner dahil nasa Paris ito upang bisitahin ang ina. Habang naghihintay sila sa pagkain ay nagtanong si Maja kung bakit biglaan nag-aya lumabas si Sarah.
"Sars, may problema ba? Biglaan ata ang pag-yaya mo?" tanong ni Maja.
Huminga ng malalim si Sarah. "May balita ba kayo ni Japoy?" tanong ni Sarah.
"Wala nga eh. Biglaan yung pag-alis nya. Akala ko di na sya tutuloy sa China pero biglang nagbago ata ang isip." sagot ni Maja.
Tumango na lang si Sarah ngunit parang naiiyak na.
"Sars, may problema ba kayo ni Japoy?" tanong ni Maja.
Tumango uli si Sarah at sinimulan ang pagkwento ni Sarah tungkol sa nangyari noong isang araw. Nang matapos ni Sarah ang pagkwekwento ay namataan nya si Nikki na walang kibo at parang naiiyak na.
"Nikki, okay ka lang?" Tanong ni Sarah.
Napatingin naman si Maja sa katabi at binigyan pansin ang kaibigan. "Onga Niks, para kang naiiyak. May problema ka rin?"
Hindi napigilan ni Nikki ang sarili at biglang tumulo ang mga luha nito. Pumunta si Sarah sa tabi ni Nikki at niyakap ito. Yumakap rin si Maja. Nang tumahan si Nikki ay nagsimula na rin itong magkwento.
"Nagbreak na kami ni Billy dahil ang tanga-tanga ko." iyak ni Nikki. "And now, he left for London."
Umiyak muli si Nikki at pilit na pinatahan ni Sarah at Maja ito.
"Bakit hindi mo itry icontact si Billy sa London, try to settle things with him. I'm sure magiging okay rin ang lahat pag nakapagusap na kayo." suhestyon ni Sarah.
Tiningnan siya ni Nikki at napangiti. "Ang galing mo talaga sis! I should go to London! I should call my boss and file an indefinite leave! You're so great!"
"I was thinking..." hirit ni Sarah ngunit umiling na lang dahil kinuha ni Nikki ang telepono at nagdirediretso palabas upang tawagan ang boss.
"Baliw-baliwan lang?" sabi ni Maja. Biglang nalihis naman ang tingin nya sa dalawang lalaki na bagong pasok sa naturing na restaurant. "Uy! Papabols! Akin na yung mukang Italyano, sayo yung mukang Kano" bulong ni Maja kay Sarah.
Napatingin naman si Sarah sa tinutukoy ni Maja. Napatingin rin naman ang mga lalaki kay Sarah at ngumiti ang mga ito sa kanya. Kumaway ang isa sa kanya.
"Uy Sars, kilala mo? Introduce me naman oh." Malanding sabi ni Maja.
Natawa naman si Sarah sa kinikilos ng kaibigan. Lumapit ang dalawang lalaki sa lamesa nila. Habang papalapit ay panay pagpapacute ni Maja sa isa sa mga lalaki.
"Hi Sarah, remember us? Gerald's friend?" sabi ni Sam.
"Yes, of course, Sam and Matteo right?"
Parehong tumango ang dalawa. Siniko naman ni Maja si Sarah upang mapansin.
"Ah, yeah, Sam, Matteo, this is my friend Maja. Maja, Sam and Matteo."
Kinamayan naman ni Maja si Sam at Matteo. Ngunit nung magkamayan si Maja at Matteo ay parang ayaw na nila magbitaw ng kamay. Umiling-iling naman si Sarah at si Sam. Nagkaroon ng parang sariling mundo ang dalawa kaya naisipan na lang ni Sarah na kausapin si Sam.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana...
Romance"Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling mag-iisa ... Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling luluha pa.. Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba .. Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo .. Kung ako na lan...