5:08 am.
Madaling araw palang gising na ako. Maaga kasi akong pupunta sa isang kompanya na binabalak kong pag-applyan. Tumawag sakin yun kahapon, may interview daw ako. Wala sana sa bokabularyo kong magtrabaho sa isang call center company, pero wala na kong choice. Halos dalawang lingo na din mula nang ako’y nagtapos ng pag-aaral.
Isa akong MassComm graduate sa isang State University. Oo, graduate ako, at tulad ng iba kong kaklase, ninanais ko din na sana makapagtrabaho sa isang network. Pero dahil naging praktikal ako, mag-aapply na muna ako sa iba, at tsaka ipagpapatuloy ang nais ko. Sayang din naman kasi ang pinag-aralan ko, graduate na ko, may honor pa.
Naligo ako at nag-almusal. Isang blouse na puti, na okay naman. Sinuot ko pa iyon sa isa sa mga defense namin sa thesis nung nag-aaral pa ako. Isang itim na slacks, black shoes. Okay na. Handang handa na. Pagkatapos ay binuksan ko ang computer at tsaka dinouble check ang aking resume at pinrint. Okay na, handa na ko. First time ko magpainterview para sa isang trabaho. Nakakakaba.
Alas 8 ng umaga ng mapagpasyahan ko nang umalis. Isang karaniwang araw, mainit. At syempre, nagjeep lang ako. Sobrang init talaga sa byahe. Nasa kalagitnaan ng byahe ng maisipan kong i-check ang aking cellphone. Naka-off pa ito dahil chinarge ko muna ito habang ako’y naghahanda kanina. Hindi ko na natingnan bago ako umalis.
2 messages received.
Binasa ko.. “Good morning Gab!”, galing kay Jason.
Binuksan ko ulit ang isa pang message, sa kanya din galing. “Gab, galingan mo sa interview mo ha? Alam kong kayang kaya mo yan! Sisiw lang yan sayo.. Text ka agad pagkatapos.. Mahal na mahal kita! Muah!”
Gab. Yan ang kadalasang itawag sakin ng mga kaibigan ko, lalo na si Jason, ang boyfriend ko. Maria Gabrielle Santos ang buo kong pangalan. Pero, si Jason ang unang tumawag sakin nang ganyan, ginaya na lang ng mga kaibigan ko.
Dalawang taon na din ang relasyon namin ni Jason, simula second year college, naging kami na. Wala na kong mahihiling pa sa taong iyon. Napakabait at buong buhay nya iaalay nya ata sakin. Madami na din kaming napagdaanan, masasaya at masasakit. Maraming pagsubok, pero mas pinili pa din namin na manatili sa piling ng isa’t isa.
Malapit na pala akong bumaba.. Natatanaw ko na kasi ang babaan ng jeep. Mag-tricycle pa ko tas maglalakad, bago ko marating ang building ng pag-aapplyan ko sa Eastwood. Nakakapagod. Umpisa palang, pagod na ko. Hindi naman kasi ko sanay ng ganitong suot, lalo na ang black shoes. Hindi naglaon, narating ko na din ang 1880 Bldg. Ang layo pala nito kung lalakarin mula sa babaan ng tricycle.
Umakyat na ko sa 8th floor, dun kasi yung kompanyang pag-aapplyan ko. Kaunti pa lang ang mga tao. Pinasa ko na agad ang resume ko. Pagkalipas ng limang oras, natapos din ang process. Pasado ako. At sa lunes na ang start ko.
Ang bilis naman pala talaga sa call center! May trabaho na ako agad! Dali-dali kong naisip si Jason. Siya kasi ang lagi kong sinasabihan sa mga magagandang bagay na nangyayari sakin.
Jasoooon! Guess what?? Ang laman ng message ko sa kanya at mabilisan ko itong sinend sa kanya.
Maya-maya, tumunog na ang cellphone ko.
Jason calling…
Sinagot ko agad.
“WAAAAA!!! Pasado ko!!! Para satin to!!!” Sabi ko kasi sa kanya, para sa amin kaya ako magtatrabaho, para sa future namin.
“Yessss! Ang galing naman ng mahal ko! Sabi sayo, kayang kaya mo yan e!” Napaka-supportive talaga niya. At napag-isipan nyang magkita kami.
Araw-araw kami magkasama. Siguro sa 24 hours, 18 hours kaming nagsasama sa isang araw, uuwi lang, matutulog, tas magkikita ulit. Nasanay kami nang ganyan. Pero ngayong magtatrabaho na ko, alam kong mababawasan na ang mga oras na magkasama kami. Nahanda na namin ang sarili namin dun, matagal na kaming nag-usap tungkol dun, kasi nga para naman samin ‘to. Hindi pa kasi siya tapos sa kanyang pag-aaral. Mas matanda siya sakin ng dalawang taon, pero dahil sa tumigil siya, nauna akong nakatapos sa kanya.
Nang makarating ako sa Mcdo Marikina, hinanap ko agad siya.
Ayun pala.. Naroon siya sa madalas naming upuan. Tambay kasi kami sa Mcdo, malapit kasi ito sa eskwelahan niya.
“Oh? Kanina ka pa?” Bati ko sa kanya sabay halik sa labi. Pagtingin ko kasi sa table, may pagkain na. Umorder na pala siya.
“Hindi naman..Halos kararating ko lang din, umorder na ko para kwentuhan na agad pagdating mo..Kamusta na ang working girl?”, sabi niya sabay tawa.
“Eto, nakakapagod. Sa lunes na pala start ko..”, sabi ko, habang kumakain na ko ng fries na inorder niya. Hindi ako nakatingin sa kanya pero wala siyang sinabi. Pagtingin ko, malungkot ang mukha niya habang humihigop sa kanyang softdrinks. “Oh? Eh bakit sambakol yang mukha mo?? Wag ka mag-alala, magkakasama pa tayo! Ito talaga o..”, sabi ko sabay lamukos ng mukha nya. Para talaga siyang bata kapag parang nagpapalambing.
Sanay na ko sakanya. Sa dalawang taon ba naman namin e hindi pa ba ko masasanay? May pagka-childish kasi si Jason, gusto niya lagi siyang nilalambing, sinusuyo. Nung bago palang kami, madalas naming mapagtalunan yung ganon niyang ugali, pero nasanay na ko.
“Iniisip ko lang naman na baka mawalan ka ng time sakin..Plus ang dami mo pang makikilalang boys dun..madaming madami..mga gwapo pa, tsaka malamang mayaman..baka kasi…..”, ang paghihimutok niya. Pero bago pa siya magsalita, niyakap ko na siya.
“Wag ka mag-alala. Hinding hindi mangyayari na tumingin ako sa ibang lalaki, okay? Tayo na hanggang huli diba?”, sabi ko sa kanya na may halong paglalambing. Nakita ko sa kanyang mukha na naginhawahan siya sa sinabi ko. Takot lang siguro talaga siyang may dumiskarte pa saking iba.
BINABASA MO ANG
Broken. Lost. Put it back.
RomanceIsang simpleng babae na may simpleng hangarin sa buhay. Umibig ng tapat. Nangarap nang lubusan, para sa kanyang iniibig. Bandang huli'y mababalewala lamang ang lahat. Masasaktan, at dahil sa sagad sa buto ang sakit, maglalaro. Mahanap niya pa kaya a...