New life?

30 0 0
                                    

November 18, 2010. 3:00 pm.

Tumunog ang cellphone ko.

G calling..

Dali-dali ko itong sinagot.

“Oy, bakit?”, sabi ko sa kaniya, pagkasagot ko ng telepono.

“Tangina, tulog ka pa?? Pumunta ka dito sa bahay! Pupunta sila MJ!”

“Anong meron? Hindi ko naman alam yan e..”, sagot ko sa kaniya. Para kasing nangingibabaw ang antok ko at para bang gusto ko nang matapos ang usapan namin.

“Pucha! Syempre, ga-guide ka namin..Maligo ka na! Ha? Sige, hintayin ko tawag mo.. Bye!”, paalam niya, sabay baba.

Si G at si MJ ang madalas ko makasama sa inuman. Bakit ba naman ako tatanggi ngayon e nagyayaya sila. Agad-agad akong tumayo at naghanda.

May mga nakilala akong bagong kaibigan na barkada niya sa kanilang lugar. Dahil sa bangag na ko sa alak, nagiging makulit na ko.

“Oo, ako ay isang biguan. Pagkatapos lustayin ang pera ko, iniwan na lang ako..”, sigaw ko sabay tawa. Nakakatawa na lang kasing isipin na niloko ako. “Niloko ako? E mas loko-loko ko sa kaniya!”, sabi ko at sabay tawa. Nagtawanan din naman sila.

Ang laki na ng pinagbago ko. Pero okay lang, lahat naman siguro ng tao dumadaan sa ganon.

Parang umuulan ng alak ng gabing iyon. Post-celebration din kasi ng isa sa mga barkada ni G, si Daniel. Si Ray naman, isa din sa mga kaibigan ni G, lasing na. Nakatulog na sa kinauupuan niya. Kami naman ni Mj at G, gising na gising pa. Sa araw-araw ba naman naming umiinom e hindi pa ba masasanay ang sikmura naming dun?

Naawa ako kay Ray. Nilapitan ko at sinabi kong matulog na muna sa kwarto. Tutal, mukhang nasaraduhan na daw siya sa kanila. Inalalayan naming siya ni MJ.

Madaling araw na nang matapos ang inuman. Nagsiuwian na ang iba. Si MJ ay natutulog na sa sala.

“Huy girl..Dun ka na sa kwarto..Palabasin mo na lang si Ray..Okay? Matulog na ko, tabihan ko si MJ.. Alam ko naming di ka sanay sa sahig..”, sabi ni G na may kasamang pagtawa, sabay higa sa tabi ni MJ.

Wala kong nagawa kundi pumasok sa kwarto. Wala na ding space sa sala, kaya no choice ako.

“Uy Ray, okay lang bang sa labas ka na muna?”, pabulong kong sinabi kay Ray na himbing na himbing pa sa pagkakatulog.

Nako..mukhang di na magigising to a..

“Dito ka na lang..tabihan mo ako..”, sabi ni Ray, sabay hila sa braso ko. Palabas na sana ako ng kwarto ng hinila niya ang aking braso. Nagulat ako. Hiniga niya ako sa kama.

“Uy, ano ka ba? Okay lang ako sa labas..”, pilit ko pa ding bumangon pero pinigilan niya ako.

Tumayo siya, akala ko’y lalabas siya, pero ni-lock pa niya yung pinto.

Aba! Aba! Nilock pa yung pinto… Hilo na din ako. Pero nakakatakot to. Tinitigan ko siya, hindi naman siya kapangitan. May itsura naman at malaki din ang katawan.

“Dito na lang tayo, masikip na sa labas..”, sabi niya sabay higa sa tabi ko. Magkalayo kami. Isa lang unan, nakuha na ng mga tao sa labas ang ibang unan, kaya hinayaan ko siyang mag-unan at ako’y umunan na lamang sa braso ko at pumikit.

Naalimpungatan ako, pagtingin ko’y ako na ang may unan.

“Uy, Ray, ikaw na mag-unan..”, sabay lapit niya sakin at umunan siya. Magkalapit na magkalapit kami.

Broken. Lost. Put it back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon