November 27, 2010. 5am.
Halos tatlong oras lang pala ang tulog ko. Naghanda na kami nila G at MJ para sa team building ng araw na iyon. Nagpaalam na din ako kay Ray.
“Uy girl, ano meron sa inyo ni Ray?”, pag-iintriga ni G. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang naging kami na kagabi, pero sabi ko nga kay Ray, siya ang magbabalita sa lahat.
“Hindi, wala lang yun. Hindi ka pa nasanay sakin..”, ang pagtanggi ko sa kaniya.
Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin. Isa pa, kasama namin si Clyde sa team building. Si Clyde ang isa sa mga masugid kong manliligaw sa opisina. Pero dahil medyo may pagkatorpe din ito, hindi ko malaman kung hanggang kalian ito. Sayang siya, gwapo pa naman at talagang mabait. Okay kami sa opisina, as in parang matatawag na nagkakaintindihan na kami. Gusto niya ko, gusto ko din siya. Pero hindi masasabing pagmamahal na iyon. Kaya siguro hindi niya muloy tuloy kung anumang meron kami. Tamang landian lang. Haha.
Nanibago ko sa sitwasyon nung araw na iyon. Naging “cold” ako kay Clyde, na hindi naman karaniwan. Close kami sa opisina, pero nung araw na iyon, umiiwas ako.
“Uy, Gab? Musta?”, tanong niya.
“Ah, okay lang.”, matipid kong sagot sabay punta sa iba kong mga kasama.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiwas, dahil na din siguro kay Ray. Lalo na’t naroon si G, baka magkwento ito na nakikipag-usap pa ko sa ibang lalaki, lalo na kay Clyde. Sa sasakyan, nagulat ako na sa akin tumabi si Clyde.
Ano ba naman to? Umiiwas na nga ako, siya pa ang lapit nang lapit.
Hinayaan ko na lamang na ma-enjoy namin ang araw na iyon, okay naman sa byahe. Masaya. Walang kasingsaya. Hinayaan ko na din si Clyde. Kami ang madalas magkasama ng araw na iyon hanggang sa dumating sa Batangas, sa resort na pag-stay-an namin. Hindi ko na muna inisip si Ray. Dahil bago mangyari yung kay Ray, nangako ako sa sarili ko na i-enjoy ko ang araw na ito.
Hindi ko alam, pero masaya talaga ako kasama si Clyde. Kinausap niya ako ng masinsinan nung araw na iyon.
“Ano na? Bakit parang nagiging cold ka sakin ngayon?”, tanong niya sa akin.
“Ha? E wala lang. Okay na to.. At least, walang masasaktan..”,
Napag-usapan kasi namin dati na mas okay walang commitment kaysa may masaktan pa sa amin. Okay naman sa akin yung ganong set up. Pero nung araw na iyon, parang may gusto na siyang mangyari. Gusto na niyang linawin kung anong meron kami. Hinayaan ko na lang siya.
Naalala ko si Ray. Chineck ko ang aking cellphone.
Baby.. Text mo ko kapag di ka busy dyan.. Tatawag ako saglit.. Ha? I love you..
Text ni Ray. Tinext ko siya na okay naman na tumawag.
“Hello baby!”, bati niya sa akin. Nakakagulat na para talagang pinaninindigan niya lahat.
“Ah hello. Oh bakit?”, tanong ko na parang nagtataka, at natawa pa ako.
“Nasabi ko na sa tropa..”, sabi niya. Nagulat ako, parang naguluhan ako bigla. Narinig ko nga na nagsisigawan ang tropa ng “baby”. Nag-iinuman din siguro sila. Hindi ko alam sasabihin ko.
“O? Hindi ka na nagsalita.. Hello?”, sabi niya na parang natauhan ako.
“Ah, edi okay..”, yun lang nasabi ko sabay ngisi.
Hindi ko na alam gagawin ko lalo na kapag bumalik na ko ng Manila. Hindi ko alam, tatapusin ko na lang iyon agad-agad. Inenjoy ko na lang ang mga araw namin sa Batangas.
Linggo na ng gabi nang makarating kami sa lugar ni G. May dala pa kaming mga alak na natira sa team building, sayang naman kasi. Kaya inuwi namin at alam namin na hindi masasayang ito sa tropa. Nag-umpisa ang inuman, pero wala si Ray. Pakiramdam ko, okay lang. Hindi ko din kasi alam gagawin kapag dumating siya.
“Gab, kilala kita, kung sasaktan mo lang si Ray, tropa namin, wag na lang. Wag mo na patagalin.. nasaktan na din yun dati, kaya wag mo na lang sana paasahin pa.. wag mo na lokohin.. kung hindi mo naman talaga mahal, tama na.. umaasa siya e.. at oo, ngayon na lang namin ulit nakitang masaya siya..”, sabi ni Kris, boyfriend ni G. Si kris ay nagtatrabaho din sa kompanya namin, pero sa ibang department.
Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko alam, dahil ang alam ko lang, tama ang sinabi niya. Hindi ko talaga mahal si Ray. Yun lang ang alam ko.
“Paano na si Clyde? Alam ko madami pang nagkakagusto sayo sa office, walang wala si Ray kumpara sa mga yun.. kaya sana Gab, wag siya.. kung maglalaro ka, wag si Ray.. ha?”, dagdag pa ni Kris.
“Ah, oo, sige.. tatapusin ko na lang agad..”, yun lang ang nasabi ko.
Hindi ko alam gagawin. Lumipas ang tatlong araw, at sinubukan kong tapusin ang sa amin ni Ray. Pero sa tuwing tatangkain kong tapusin, may gagawin siya na magpapapigil sakin na ituloy ang balak ko. Madalas mag-effort si Ray. Kahit wala akong gawin, may gagawin at gagawin siya para sa akin. Nararamdaman ko na seryso nga ang taong ito.
Napagtanto ko na ipagpatuloy na lamang ang sa amin ni Ray. Sinabi ko na sa lahat ng mga kaibigan ko ang tungkol sa amin, at sinimulan ko na din siyang ipakilala sa mga kamag-anak ko. Paninindigan ko na lamang ito. Siguro naman ay matutunan ko din siyang mahalin, gaya nang kay Jason. Patutunayan ko na lang na hindi siya masasaktan.
BINABASA MO ANG
Broken. Lost. Put it back.
RomanceIsang simpleng babae na may simpleng hangarin sa buhay. Umibig ng tapat. Nangarap nang lubusan, para sa kanyang iniibig. Bandang huli'y mababalewala lamang ang lahat. Masasaktan, at dahil sa sagad sa buto ang sakit, maglalaro. Mahanap niya pa kaya a...