Ang pagtatapos

20 0 0
                                    

June 5, 2011.

Ordinaryong araw para sa akin. Inuman na naman mamayang gabi kasama sila Anna. Parang may kakaiba sa araw na ito.

Sa bahay nila Anna, kumpleto na naman ang tropa.

“Nasan si Ray, Gab?”, tanong sa akin ni Owell. Isa sa mga tropa at madalas naming makasama sa inuman.

“Ay, hindi ko alam e..hindi kami magkatext..”, matipid kong sagot sa kanya.

Hindi naman na talaga kami madalas magtext ni Ray. Hinahayaan ko na siya, kaya hindi na niya alam kung nasaan ako at saan ang mga lakad ko. Ganon din ako, hindi ko na din alam kung saan-saan siya pumupunta. Okay na sakin yung ganon. Formality na nga lang ng hiwalayan ang kailangan namin e.

Nasa banyo ako nang marinig ko sila Anna. “Uy Ray! Nabuhay ka!” Kinabahan ako, hindi naman niya alam na nandito ako. Pero ano naman? Kaibigan ko na din naman sila e.

Pagkalabas ko ng banyo, nagulat siya na nakita niya ko.

“Oh? Kanina ka pa?”, tanong niya na nagtataka.

“Ah, oo..”, matipid kong sagot.

Bumaling ako kanila Anna, at hindi ko siya nilapitan. Ayoko siyang makasama, sa totoo lang. Tumabi siya sakin na parang casual lang lahat. Alam kong may mali na sa relasyon namin. Pero hindi ko masabi sa kaniya. Para saan pa? Magagalitlang siya kapag kinausap ko siya tungkol sa relasyon namin.

Natapos ang inuman. Ang balak ko’y kanila Anna na ko magpapalipas ng gabi.

“Tara na..”, casual na sabi ni Ray sakin. Niyaya niya akong sa kanila matulog.

“Ayoko. Dito na lang ako kanila Anna matutulog. Mauna ka na. Magpahinga ka na..”, ang sabi ko sa kaniya. Hindi ako makatitig sa kaniya. Aalis na dapat siya. “Ray..”, hindi ko siya tinawag sa nakasanayan naming tawagan. Tumigil siya at tumabi sa akin. “Ayoko na..”

Hindi siya nagsalita agad. “Ayoko na. Ayoko na talaga. Sorry..”, sabi ko nang walang pag-aalinlangan.

“Okay, sige..mag-iingat ka lagi..salamat..”, yan lang ang nasabi niya.

Hindi ko alam bakit hanggang sa paghihiwalay naming ay wala akong naramdamang pagmamahal mula sa kaniya. Siguro nga ayaw na din niya. Hindi ako naiyak o kung anuman. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na matagal nang nakatusok sa puso ko. Masaya ako sa nangyari. Masaya akong hindi na kami. Masaya akong maging Malaya ulit.

Sa totoo lang, para na din akong single sa relasyon namin. Nagagawa ko lahat ng mga bagay na nagagawa din ng isang tao na wala sa isang relasyon. Nandito nga siya pero parang napakalayo naman niya. Hindi ako nanghinayang sa kung anong meron kami, para din naman kasing wala e. Hindi ako nakaiyak, masaya siguro talaga sa nangyari.

Hindi naglaon, nalaman din ng tropa ang nangyari. May mga naging masaya naman sa nangyari. Alam nilang tapos na ang hirap ko sa isang lalaking “walang kwenta”. Hindi ko nga alam bakit ko ginawa ang lahat para sa kaniya. Siguro kasi, naniniwala akong mas okay nang nagbigay ako, at least ginawa ko ang part ko, kaysa naman siya, na wala, hindi pa niya nagampanan ang part niya.

Broken. Lost. Put it back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon