Nagkaroon ako ng problema sa trabaho. Agad-agad din akong nagresign. Ayokong magpatuloy pa ang problema ko sa kanila. Kaya't kinabukasan din, nag-apply ako sa ibang kompanya. Agad-agad din naman akong natanggap. Same building with my previous job. At least hindi hassle sa byahe, sanay na kasi ko sa Eastwood.
Sobrang dami kong naging problema ng nakaraang buwan. Pero ayos na din ito, at least new job, new life diba?
July 2, 2011.
Owell calling..
Sinagot ko agad anng telepono, "Oy, pare.. bakit ka napatawag?"
"Ouch naman Gab, birthday ko, hindi mo naalala?", sagot ni Owell.
"Aww.. sorry naman.. happy birthday pare! O? Anong meron?", bati ko agad sa kaniya. Mahirap na kapag nagtampo 'to.
"Punta ka dito.. may kaunti akong handa.. at syempre, inuman..", pag-anyaya niya.
Pumayag ako agad. Alas-tres na ng hapon, pero masyado pang maaga. Mga alas-singko na ko aalis. Para madilim na kapag dumating ako doon. Wala din naman daw si Ray, kaya mas okay na pumunta ako dun. At least, hindi awkward para sa akin.
Alas 7 ng gabi na ata ako nakarating sa bahay nila Owell. Wala nga si Ray. Mas okay naman. Naroon din naman ang ibang tropa, pati sila Anna. Maya-maya pa'y nagdatingan na sila AC at Daniel.
"O? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Ray?", bati ni AC sa akin.
"Nyek. Matagal na kaming wala. Isang buwan na.", sabi ko sabay tawa.
Matagal na para sa akin iyon. Pakiramdam ko naman kasi kami palang wala na akong karelasyon e. Tumabi sa akin si AC at nagpakwento kung anong nangyari sa amin ni Ray. Buong giliw ko namang kinwento, para at least alam niya na din, nahuhuli na din kasi siya sa chismis. Hehe.
Buong gabi na kasama ko si AC. Katabi ko lang siya. Bago matapos ang inuman, hiningi niya ang aking number. Wala lang naman sa akin yun dahil tropa din naman siya. At ninong din siya ng inaanak ko kay Jake, so kumpare ko na din 'to. Walang malisya.
Save mo number ko..
Nagulat ako na nagtext pa sya e magkasama lang naman kami. Natuwa ako kaya nagreply din naman ako.
Okay. Saved. :)
Saan ka matutulog mamaya? Sino maghahatid sayo sa kanto?
Akala ko'y hindi na siya magrereply kaya nagulat ako na nagtext pa siya.
Uuwi ako. Magtricycle na lang. :)
Buong gabi syang nagtetext sa akin. Sinabi din niya na siya na lang ang maghahatid sa akin. Nahihiya siguro siya sa ibang tropa na nagtetext siya sa akin. Respeto na lang siguro kay Ray. Ewan ko ba, e wala naman na kami ni Ray kaya hindi na big deal na makipagkaibigan ako sa iba.
Hinatid niya nga ako sa kanto. Awkward, pero okay lang. Nakakapagtaka lang. Pero hindi ko na inisip. Ayokong mag-feeling. Kasi imposible namang magkagusto sa akin si AC. Hehe.
Nasa byahe ako, nang tumunog ang cellphone ko.
AC calling..
Hala! Ano ba naman to? Kakahiwalay lang namin e tumatawag na? Adik lang?
Naisip ko na ang OA naman kasi. Kakahiwalay lang namin at eto siya, tumatawag na. Hindi ko talaga alam kung sasagutin ko o ano.
"Hello?", pabulong kong sabi sa kaniya.
"Ui Gab, magtext ka pag nasa bahay ka na ha?", casual niyang sabi.
"Ah okay sige.. salamat!", sagot ko sabay baba ng telepono.
Nakakapagtaka. Boyfriend lang? Masyado naman siyang nag-aalala sa akin.
Pagdating ko sa bahay, nakaramdam na ako ng antok. Halos wala din ako masyadong tulog nung nakaraang araw. Habang nakahiga sa kama, napaisip ako kung itetext ko nga ba si AC. Napagdesisyunan kong hindi na. Hindi na din naman nangulit, kaya wag na lang.
July 4, 2011. 9pm.
May job offer na ako kaya naroon ako sa Eastwood. Ang dami kong pagod. Tumutunog ang cellphone ko, hindi ko pa mahanap kung nasaan sa bag ko. Ang laki kasi ng bag ko, kaya siguro napunta sa kasuluk-sulukan.
1 missed call.
Hindi ko na nasagot. Pagtingin ko, si AC.
Bakit kaya to tumatawag? Hayaan na nga..
Hinayaan ko na at hinawakan ko na lang ang cellphone ko, kung sakali man na tumawag siya ulit ay masagot ko agad. Maya maya ay tumunog ulit ang cellphone ko.
1 message received.
Hi Gab.. asan ka? Musta ka na?
Galing kay AC. Nagulat ako at nagtext pa din ito. SInagot ko siya kung nasaan ako. At buong gabi na nga kaming magkatext.
Simula noon, hindi na tumigil sa pangungulit si AC. Tumatawag pa siya kahit sabihin kong nag-aalaga ako ng pamangkin ko. Minsan pa nga'y isa-silent ko na lamang ang phone ko kapag panay ang tawag niya. Kadalasan pa'y siya ang galit kapag hindi ko nasasagot ang tawag niya.
Nakakapagtaka kasi. Ang kulit kulit pala nito ni AC. Pero nirereplyan ko naman siya, pero mas madalas, gusto nniyang tumawag at makipag-usap ng tungkol sa kung anu-ano.
BINABASA MO ANG
Broken. Lost. Put it back.
RomanceIsang simpleng babae na may simpleng hangarin sa buhay. Umibig ng tapat. Nangarap nang lubusan, para sa kanyang iniibig. Bandang huli'y mababalewala lamang ang lahat. Masasaktan, at dahil sa sagad sa buto ang sakit, maglalaro. Mahanap niya pa kaya a...