July 8, 2011.
Contract signing ko sa bago kong trabaho. Nakakatuwa. All good vibes are on my way. Swerte ako sa araw na ito. Kaya lahat ng may hihingi sa akin ng pabo ngayong araw na ito ay hindi ko tatanggihan! Whooo!
Alas-5 na ng matapos ang appointment ko sa bago kong trabaho. Wala na kong mapupuntahan pagkatapos. Nakakabagot naman na umuwi agad. I want to celebrate this day. Nag-stay kami sa Mcdonald’s ng mga kasabayan kong mag-apply. Wala kong magawa kaya kinakalikot ko lang ang cellphone ko. Panay ang kwentuhan namin sa pag-aapply. May mga hindi kasi nakapasa na kasabayan ko sa pag-apply.
Biglang tumunog cellphone ko.
1 message received.
Galing kay AC. Hi Gab, musta? Asan ka?
Ayos. Sakto, nagtext si AC.
Ah eto, tapos na kami sa contract signing. Ikaw, musta? Asan ka?
Ang tagal niya sumagot. Malapit na umalis mga kasama ko.
Ah andito ko sa kasamahan ko. Inuman. Birthday kasi ng kumpare ko. Punta ka dito…
Nagulat naman ako sa pag-imbita niya sa akin. Hindi ko naman kilala mga kasamahan niya. At lalong nakakahiya dahil kapag nagkataon, first time namin na magkasama ng hindi kasama ang ibang tropa. Niyaya ko siya na dito na lang ami sa Eastwood uminom, pero wag na daw kasi magagastusan pa. Doon, libre lang ang inumin.
Naalala ko naman ang sinabi ko kanina sa sarili ko, “Kaya lahat ng may hihingi sa akin ng pabo ngayong araw na ito ay hindi ko tatanggihan!”, napabuntung hininga ako habang iniisip ko kung ano isasagot kay AC.
Hanggang sa pumayag na nga ako. Hindi ko pa alam kung saan yung lugar kung nasaan siya, pero buti na lamang at doon din pala dumadaan ang mga kasama ko sa trabaho, kaya sasabay na lamang ako. Sabi naman ni AC, aabangan niya ako sa kanto.
Okay, bahala na..
Nasa jeep palang kami, panay na ang pangungulit ni AC kung nasaan na raw ba ako. Tumatak na sa utak ko talagang napakulit nitong lalaking to. Ugali na niya yun. Pero dahil tropa nga lang ang turing ko sa kaniya, ayos lang. Sanay naman kasi ako sa mga tropang lalaki. Kahit sa dati kong trabaho, halos puro lalaki din ang barkada ko, walang malisya. Kaya naisip ko na pwedeng isa lang din si AC sa mga ganong tipo ng lalaki.
“Gab, malapit ka na bumaba..”, sabi ng aking kasamahan. Dali dali ko namang tinext si AC na malapit na ako, para na din makapunta siya agad sa kanto kung saan ako bababa at kung saan niya ko susunduin.
Pagbaba ko, natanaw ko na ang Jollibee na sinasabi ni AC kung saan daw ay naroon na siya. Kinakabahan ako na ewan. Dahil sabi ko nga, unang beses namin na magkakasama na wala ang tropa sa paligid.
Ano na naman ba tong pinapasok mo Gab?? .. Sermon ko sa sarili ko.
Pagtawid ko ay nakita ko na nga si AC. Nakita ko na naman ang ngiti niyang walang katulad. Nakakapanlambot sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya.
Agad agad akong sumakay sa likod ng motor na dala niya.
“Mukhang nakarami ka na a..”, pabiro kong sabi sa kaniya.
“Hindi a.. sakto lang..”, sagot niya na may kasamang pag-ngisi.
Mabilis niyang pinatakbo ang motor. Sanay na ko umangkas sa motor noon pa man. Tiwala kasi ako sa nagmamaneho, pati kay AC. Kumakabog pa din ang dibdib ko, lalo na nang marating na naming ang bahay na pinag-iinuman nila. Mas lalo akong kinabahan ng puro kalalakihan ang nakita kong kasama niya. May babae din, asawa daw ng kumpare niya.
“Oy, pare, si Gab, girlfriend ko..”, pagpapakilala niya sa akin sa lahat ng makasalubong namin. Tama bang narinig ko? Girlfriend? Kelan pa?
Ganon din ang pagpapakilala niya sa mga kasamahan niya. Nakakagulat. Kinukurot ko siya habang sinasabi niya yun sa lahat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang gusto kong tumakas.
Nahihibang na ata tong lalaking to.. Girlfriend?? Hello.. Adik ka.. Tanging nasabi ko sa sarili ko. Pakiramdam ko parang gusto kong maglaho sa kinauupuan ko. Kanina pa din siya simpleng pahaging sa text nung papunta palang ako. Pero hindi ko ginawang big deal kasi pwede namang magbiro diba?
“Hoy! Anong girlfriend pinagsasabi mo?”, sabi ko sa kaniya ng pabulong ng halos wala nang tao sa paligid. Nagsiuwian na ang iba, nakakarami na nga ata sila.
“Ayaw mo ba? Pasensya na..”, yun lang ang nasabi niya.
Nanahimik na ko at uminom. Nakalimutan kong mag-eenjoy pala ako ngayon. Hinayaan ko na siya. Pinakita ko na din yung kontrata na pinirmahan ko kanina. Nakita ko ang saya niya para sa akin.
“Ang galing mo talaga!”, nabulalas niya.
Nakakatuwa na may taong nakaka-appreciate sa akin. Niyakap niya ako.
“Mahal ko..”, narinig kong binulong niya sa akin.
Nababaliw na ata to.
“Lasing ka na ba AC? Nakakainis naman to o..”, sabi ko sa kaniya. Naiinis na kasi ako sa mga sinasabi niya. Ayoko sa lahat ng pinagtitripan ako.
“Hindi a.. ayaw mo ba sa akin?”, tanong niya na may halong lungkot.
Nagulat ako sa tanong niya. Unang una, ayoko pang pumasok sa isang relasyon, ayoko nang magkamali. Ayoko nang magsayang ng panahon sa maling tao. Pero napaisip ako, gusto ko din naman si AC. Matagal ko na din siyang napapansin. Alam ni Ray yun. Pero dahil boyfriend ko siya nung mga panahong yun, binalewala ko.
“Hindi naman sa ayaw..”, simpleng sagot ko sa kaniya.
“Ayun naman pala e.. so pwede na tayo? Pwede na kitang maging totoong girlfriend?”, tanong niya ulit sa akin. Seryoso na ang mukha niya.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Gusto ko siya, oo. Gustong gusto. Pero hindi ko pa alam kung kayak o nang magmahal agad. Ulit.
Sa kabilang banda, kinikilig ako. Sobra. Matagal ko nang hindi naramdaman to, ni hindi ko to naramdaman nang si Ray ang nagtanong sa akin. Ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
Broken. Lost. Put it back.
RomanceIsang simpleng babae na may simpleng hangarin sa buhay. Umibig ng tapat. Nangarap nang lubusan, para sa kanyang iniibig. Bandang huli'y mababalewala lamang ang lahat. Masasaktan, at dahil sa sagad sa buto ang sakit, maglalaro. Mahanap niya pa kaya a...