May pagsisisi akong nararamdaman. Nagsisisi ako kung bakit pinasok ko ang isang relasyon na sa una palang naman ay mali na. Walang pagmamahal na kasama. Wala lahat. Pero sa dami nang nakalimutan ko nung nasa relasyon ako na iyon, marami din akong natutunan.
Nalustay ang pera ko, oo. Numero unong pinagsisisihan ko. Binigay ko lahat para kay Ray. Ayoko kasing magkaroon siya ng dahilan para ipagpalit ako sa iba, katulad ng ginawa ni Jason sa akin dati. Nakalimutan ko na ang aking pamilya na laging nariyan para sa akin. Buong buhay ko ginugol ko para lang sa kaniya.
Sa mga bakanteng araw ko, mas pinipili kong makasama ang taong hindi naman ako pinahalagahan. Ni sarili ko, nakalimutan ko nung time na yun. Nagmamahal ako ng ibang tao, pero sarili ko, hindi ko na minahal.
Nawalan ako ng time makasama ang mga tunay na kaibigan, si G at MJ. Hindi ko na kasi sila nakakasama dahil noong mga panahon na iyon, si Ray ang number one priority ko. Madalas akong mag-absent sa trabaho ko kapag hindi kami okay. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin nung mga panahong iyon, ang tanging gusto ko lang ay maging masaya siya sa piling ko at hindi na maghanap ng iba.
Hindi nga siya naghanap ng iba. Pero naging sobrang kampante naman siya na hindi ako mawawala sa kaniya. Ang dami kong napagtanto. Pakiramdam ko, hindi na ako si Gab. Si Gab na utak ang pinapairal. Si Gab na matapang. Si Gab na mahal ang sarili.
Si Ray ang kaisa-isang tao na nagpakalimot sa akin. Tinulungan niya kong makalimutan ang sakit na dinulot ni Jason. Tinulungan niya kong makalimutan ang nakaraan ko. Pati na din pala sarili ko, tinuruan na din niyang kalimutan ko.
Na-realize ko. Hindi pagmamahal ang naramdaman ko. Hindi tamang pagmamahal. Dahil kapag kulang, mali. Ganoon din kapag sobra na, mali din. Dahil sa sobra ang nagawa ko, sobra sobra pa sa sobra, mali talaga.
Na-realize ko din na mas magandang mahalin muna ang sarili natin, bago ibang tao. Kapag mahal na natin ang sarili natin, hindi na tayo magkakamaling magmahal ng ibang tao. Sakto na, walang labis, walang kulang.
Simula nang maghiwalay kami ni Ray, mas pinagtuunan ko ng pansin ang aking sarili bago pa man ang ibang tao. Pati na din ang pamilya ko, mas binigyan ko na din ng oras. Hindi ako masyado nagbisyo dahil doon ko sinimulan ang pagmamahal sa sarili ko. Umiinom ako kapag may okasyon na lamang. Wala nang iba.
Mas naging masaya akong mag-isa. Mas minamahal ko na ngayon ang aking sarili. Naniniwala ako na kapag natutunan ko nang mahalin ang sarili ko, mas magiging handa na kong magmahal ulit.
And then, I wrote this blog:
Nakakatakot din pala.
Single.
Mag-isa.
Literal na mag-isa.
Dati, natatakot akong maranasan to. Ayoko talaga.
Oo, hindi ako sanay. Alam ng Diyos yan, alam ng pamilya ko, at lalong lalo na mga kaibigan ko.
HINDI AKO SANAY.
Pakiramdam ko, panghabangbuhay na kapag nangyare yun.
Ang mali dun?
Lagi akong nagmamadali, pakiramdam ko mapag-iiwanan ako ng panahon.
Pero pagkatapos ng lahat ng nangyare sa aking nakaraan, isa na lang ang kinakatakot ko.
Magmahal ulit.
Magmahal ng wagas dahil sa buong pag-aakala na sya na ang nilaan para sa akin.
Na pagkalipas ng ilang buwan, ng ilang taon.. Hindi pala.
BINABASA MO ANG
Broken. Lost. Put it back.
RomanceIsang simpleng babae na may simpleng hangarin sa buhay. Umibig ng tapat. Nangarap nang lubusan, para sa kanyang iniibig. Bandang huli'y mababalewala lamang ang lahat. Masasaktan, at dahil sa sagad sa buto ang sakit, maglalaro. Mahanap niya pa kaya a...