October 11, 2010.
Lumipas ang mga araw mula nung nagyari yung sa amin ni Jason. Lumipas din ang mga araw na parang may nagbago. Hindi na siya pumupunta sa bahay. Hindi na siya masyado nagtetext at tumatawag.
Isang araw, pinilit ko siyang pumunta sa amin, alas-dos na ng hapon, hindi pa ko natutulog, at hindi na ko makakatulog kahit na may pasok pa ako ng alas-otso ng gabi. Ilang beses ko pa siyang tinawagan bago niya sagutin ang tawag ko.
Oo, pupunta daw siya, at nasa eskwelahan lang naman daw siya. Kung susumahin, kayang kaya niyang makarating ng labinlimang minuto mula sa eskwelahan nila hanggang sa bahay ko. Pero mag-aalas-tres na, wala pa siya. Hanggang sa 3:30 pm, dumating na siya.
“Bakit ngayon ka lang?”, malungkot kong tanong sa kaniya. Wala siyang sinagot. Ramdam na ramdam ko na may mali na sa relasyon namin. Gusto kong linawin lahat. Kung ano na, kung meron pa ba.
Tahimik lang siya. Tinanong ko siya kung anong nangyayari sa amin, busy lang daw siya sa school. Nakakapagtaka, hindi siya ganon. Gagawa at gagawa siya ng paraan para sa aming dalawa. Humagulgol ako sa kaniya. Hindi ko na naiwasan.
Hanggang sa pinangako na nga niyang gagawa siya ng paraan. Naging kalmado na ko. Pero parang “cold” pa din siya. Hindi ko talaga malaman ang mali sa amin. Hindi ako nakatulog. Tiningnan ko cellphone niya kasi nakicharge siya saglit at siya nakaidlip.
1 message received.
Tiningnan ko. Galing kay Rhea, na hindi ko kilala kung sino. Iyon ata yung isa sa mga kaklase niya.
Hi, hon. Thanks sa time..Where ka na? I love you!
Nanlumo ako at nanlambot sa nabasa ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makagalaw. Para akong dinaganan ng malaking bato sa dibdib, hindi ako makahinga. Hindi ako makapag-isip. Tiningnan ko siya, tulog pa din. Nilapitan ko siya at pinilit kong kumalma. Ginising ko siya dahan-dahan.
“May nagtext sayo..”, sabi ko sabay abot ng cellphone niya.
“Ahh.. Si Rhea, nakitext kasi si DadiSam kanina, ngayon lang ata nagreply..”, sagot niya sabay pikit ulit. Natahimik ako, pwede ngang ganon ang nangyari. Pero may asawa't anak na si DadiSam, kaya nga tinawag na Dadi dahil pamilyado na. Hindi pa din ako napakali.
Tiningnan ko ulit ang cellphone niya, sa folders. May nakita ako, bagong folder. Binasa ko lahat ng palitan ng mensahe nila nung Rhea, siya at yung babae. Pati sent messages niya, sinave pa niya.
Naninikip dibdib ko sa galit. Sinampal ko siya sa unang pagkakataon. Sinabi ko na nakita ko lahat. Lahat lahat. Umamin na nga siya. Naglalaro lang daw siya at tatapusin naman daw niya agad iyon kaya hindi na niya sinabi. Sa mukha niya, parang wala lang to sa kaniya. Hindi na niya makita ang sakin na nararamdaman ko. Humagulgol na ko sa iyak. Ang sakit sakit na pagkatapos ng lahat, magagawa ka pang lokohin ng taong mahal mo. Inamin na niya na may relasyon sila ng babaeng yun. Hindi niya alam sa ngayon kung sinong pipiliin, pero ako na din ang nagdesiyon na wala na, ayoko na din. Dahil hindi na din namin maaayos lahat dahil nagloko na siya.
Pinaalis ko siya ng bahay ng wala nang usap-usap. Sobrang sakit ng ginawa niya sakin. Pero wala na kong magagawa, nangyari na lahat. Ayoko nang isipin pa.
Sa trabaho, hindi ako makapag-focus. Sobrang sakit. Napansin ito ng mga barkada ko, kaya’t dali-dali silang nagkayayaan uminom pagkatapos ng trabaho. Hindi naman na ko tumanggi. Kailangan ko nito, sa ganitong sitwasyon. May mga bagay akong pinagsisisihan, na pakiramdam ko kasi ginamit lang ako ni Jason. Halos sa kanya din kasi nauubos ang sahod ko. Kapag may ipapabili siya, ayos lang kasi sabi naman niya babayaran niya kapag nakuha niya allowance niya.
Simula ng araw na iyon, araw araw na din kaming nag-iinom ng mga barkada ko. May mga times na uuwi lang ako para maligo, at magbihis, tas aalis na. Sobrang nasaktan ako sa nangyari. Ang akala ko’y siya na, pero hindi pa pala. Ganon laman siguro talaga iyon.
Lagpas isang buwan na din ang nakalipas mula nang maghiwalay kami ni Jason. Wala na kong ginawa kundi magtrabaho, maggala, at sumama sa barkada. Pakiramdam ko ang dami nang nagbago sakin.
Lagi akong umiinom kasama ang barkada. Sabihin na nating araw-araw. Madami akong nakakasama, nagiging kaibigan. May naiipon naman ako kahit papano, at nakakapagbigay pa din sa aking magulang. Sapat sa aking bisyo, at sa mga iba pang bagay. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin, pakiramdam ko, wala nang makakabuo ng aking pagkatao. Hindi ko na din naman nanaisin pang magmakaawa kay Jason. Wala nang rason pa.
May mga nakaka-fling ako. Fling is a brief casual relationship. Hindi pang-matagalan. Wala lang. No feelings involved. Ewan ko sa kanila, pero sa akin, ganon lang. Wala na ata akong balak magseryoso pa.
BINABASA MO ANG
Broken. Lost. Put it back.
RomanceIsang simpleng babae na may simpleng hangarin sa buhay. Umibig ng tapat. Nangarap nang lubusan, para sa kanyang iniibig. Bandang huli'y mababalewala lamang ang lahat. Masasaktan, at dahil sa sagad sa buto ang sakit, maglalaro. Mahanap niya pa kaya a...