Live happily ever after.. :)

41 0 0
                                    

January 1, 2012

Bagong taon. Nag-celebrate kami ni AC ng Bagong taon kasama ang aking pamilya. Masaya akong tanggap na ang relasyon naming dalawa ng aking pamilya ganon na rin ang pamilya ni AC.

Kay bilis ng panahon.

Parang kailan lang.

Limang buwan na akong buntis.  At nakatakda na nga kaming ikasal sa January 20, 2012. Marami pa din akong pagdududa sa relasyon namin kahit buntis na ako. May takot pa din ako na kahit asawa ko na siya, bumalik siya sa dati niyang buhay. Umiinom, nanloloko ng babae. Babaero nga kasi si AC. Pero pinatunayan pa din niya na mali ako, mali ang akala ko. Mahal ko siya at nagtitiwala ako.

This blog is for him. I made this blog just for him:

Mahal kita.

Hindi ako magsasawang sabihin yun ng paulit-ulit. 

Sa dami dami ng ating pinagdaanan at pagdadaanan, hinding hindi ako magsasawang sabihin at maramdaman yun. Wala ka mang idea kung gano katindi nararamdaman ko, hindi pa din ako magsasawang iparamdam sayo yun. 

Marami mang sama ng loob na naramdaman, walang wala ito sa tunay kong nararamdaman para sa iyo. Simula nung araw na minahal kita, wala kong pinagsisisihan, at wala kong pagsisisihan. Ikaw ang pinili kong mahalin, at nagpapasalamat ako na ikaw ang tamang tao na mahalin. Hindi man makita ng ibang tao kung gano kita kamahal, kung gano katindi ang aking pagmamahal, wala na sa akin yun. Ang mahalaga, mahal kita, mahal mo ko, mahal natin ang isa’t isa. 

Laking pasasalamat ko sa Panginoon at ikaw ang taong nilaan Niya para sa akin. Ikaw ang tao na ginawa Niya at tinadhana na makasama ko panghabangbuhay. Ikaw ang regalo ng Panginoon sa akin, at habambuhay kong pakakaingatan, hanggang sa aking huling hininga. Wala kong pag-aalinlangan na ikaw na nga, ikaw na nga ang aking magiging kabiyak at magiging ama ng ating anak. It is a lifetime commitment, sabi nga ni pastor, diba? At hindi ako manghihinayang na i-commit ang aking sarili sa iyo habambuhay. 

Maraming salamat sa iyong pagmamahal, aking mahal. Maraming salamat sa iyong walang sawang pagsuporta at pag-aalaga sa akin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, masaya akong ikaw ang makasama sa aking buhay. Mula sa pagtulog at hanggang sa paggising, ikaw lang ang nanaising makapiling.

MAHAL KITA.

MAHAL NA MAHAL. :)

—GabSantos

Hindi man perpekto ang aming pagsasama, pero perpekto naman ang aming pagmamahalan sa isa’t isa. Naniniwala akong hindi ito sa haba ng pinagsamahan, nasa nararamdaman ito. Kaya kahit ano pang sabihin ng iba, masaya kami. Masaya kaming nagmamahalan.

At dahil hilig ko talaga ang magsulat, hindi ko tinitigilan gawan siya ng blog. Lalo na kapag sobrang saya ko at hindi ko ito ma-express ng maayos sa kaniya. Napapaiyak kasi si AC kapag nababasa lahat ng ginagawa ko for him.

Isa lang din ito sa mga nasulat ko para sa kaniya:

Hindi kita mahal..

Hindi kita mahal..

Kasi mahal na mahal kita.. :)

Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.

Ang alam ko lang ay wagas ang aking nararamdaman.

Wagas, na kahit sinuma’y walang karapatang maliitin ito.

Mahal kita.

Mahal kita, kahit ganyan ka.

Mahal kita, kahit ilang beses pa tayong magtalo.

Mahal kita, kahit wala kang tigil sa kararatrat. *talo mo pa ko :P

Mahal kita, kahit pasaway ka.

Mahal kita, mahal na mahal kita.

Mahal kita.

Sabi nila, walang dahilan o rason para mahalin mo ang isang tao.

Ako meron.

Mahal kita, dahil madami kong dahilan para mahalin ka at mas mahalin sa araw-araw.

Mahal kita, dahil ikaw ang nagpadama sakin ng tunay at wagas na pagmamahal.

                Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit.

                Pagmamahal na walang katapusan.

                Pagmamahal na hanggang kamatayan.

Mahal kita, dahil sa walang sawa mong pag-aalaga.

                Pag-aalaga na ngayon ko lang nadama.

                Pag-aalaga na hindi ka nanghihinayang ipadama sakin.

                Pag-aalaga na alam ko hanggang huli.

Mahal kita, dahil alam kong ikaw ang para sa akin.

                Ikaw ang ama ng aking anak.

                Ikaw ang nilaan Nya na makasama ko habambuhay.

                Ikaw na mamahalin ko at mamahalin ako hanggang sa huling hininga.

May mga rason man ako para hindi ka mahalin, mas madami pa din ang rason ko upang mahalin ka hanggang sa dulo ng ating paglalakbay.  Nagkakasakitan man tayo paminsan-minsan, mas madalas pa din na tayo’y masaya sa piling ng isa’t isa.  Tinangka man nating iwan ang isa’t isa dahil sa galit, mas nangibabaw pa din ang ating pagmamahalan.  Ang ating pagmamahalan na sigurado akong walang katumbas.

Inuulit ko, mahal kita, maniwala ka man o hindi. :)

Madami kaming pagtatalo. Madami kaming hindi pagkakaunawaan. Madami kaming pagkakaiba sa aming pagkatao, pero mas pinili pa din namin ang manatilig sa piling ng isa’t isa. 

Madalas pa din ako ma-paranoid. Na baka lokohin pa din ako, kahit kasal na kami. Oo, asawa ko na siya. At oo, naisilang ko na din an gaming anghel. Isang prinsipe. At ngayon ko napatunayan na kaya pala hindi hinayaan ng Panginoon na mag-work out ang mga past relationships ko ay dahil may nilaan siyang “better man” or should I say “best man” para sa akin at si AC yun. Wala nang iba.

Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon, na hindi Niya ako hinayaang mapunta sa mga hindi karapat-dapat para sa akin. Magaling talaga si God. Mabait Siya sa akin, sa amin ni AC. Pinagtagpo Niya an gaming landas para mahalin ang isa’t isa ng wagas. Wala akong pinagsisisihan, lalo na ang araw na hinayaan ko ang aking sarili na magmahal ulit. Dahil kung hindi, napalagpas ko ang lalaking ginawa ng Panginoon para sa akin.

Ngayon, wala na akong ibang mamahalin at iisipin pa kundi ang aking mag-ama. Masalimuot man ang aking nakaraan, naging instrument naman ito upang matagpuan ko ang regalo ng Panginoon sa akin.

---The End---

Broken. Lost. Put it back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon