Healthy or not?

30 0 0
                                    

Hindi nga ako nagkamali, unti-unti na nga akong nahuhulog kay Ray. Lagi ba naman siyang nag-eeffort, hindi ko na naiwasan na mahulog na nang tuluyan sa kanya. Hindi siya pumpintis sa paghatid-sundo sa akin sa opisina. Hindi man katulad nang Jason noon, pero okay na. Ayoko na din masyadong maging dependent sa kaniya ngayon, dahil kapag nawala, mahihirapan na naman ako.

Nawalan siya ng trabaho, reliever lang pala siya sa pinagtatrabahuhan niya nung naging kami. So, ako na lamang ang nag-adjust. Hindi na niya ko masusundo at mahahatid sa opisina araw araw. Okay lang, ako na lamang ang pumupunta sa kanila tuwing weekend pagkagaling sa opisina, hindi na ko umuuwi hanggang Lunes.

Lumipas ang ilang buwan at naging ganon nga ang aming sistema. Ginagawa ko ang lahat para magkasama pa din kami. Dumaan ang Pasko at Bagong taon, sa kanila ako nag-spend ng mga importanteng okasyon.

January 22, 2011.

Magkakaroon sila ng akyat sa isang bundok. Oo, mountaineer din si Ray. Isa sa mga interests niya. At ako naman, hindi ko alam kung makakaya ko yun ganon. Pero dahil sa ginagawa ko ang lahat para sa kaniya, sige, susubukan ko.

Namili na din ako ng mga gamit para sa pag-akyat. Mukha naming magiging masaya dahil tropa din ang makakasama namin. At siguro naman, hindi ako papabayaan ni Ray.

Naroon ang halos lahat ng tropa. Marami na din naman akong naging kaibigan sa tropa, simula nang maging kami ni Ray. Mas napalapit ako sa ibang tropa. Kaya’t kampante ako na hindi naman ako ma-o-OP sa pag-akyat namin ngayon.

Naroon din naman si Marie at Anna na naging close ko din.Si Marie ang asawa ni Jake. Si Jake ang isa sa mga tropa ni Ray. Si Anna naman ang girlfriend ni Dave, si Dave ay isa din sa mga tropa ni Ray. Hindi din naman mahirap para sa akin dahil inaalalayan naman ako nila Ray. May nakakasama din akong ibang mga babae.

“Pago ka na ba?”, pag-alalang sabi sa akin ni Ray.

“Okay lang ako. Enjoy naman e..”, sagot ko. Tinanong niya ako habang nagpapahinga kami.

Nang marating naming ang tuktok ng bundok, napagaan ang aking pakiramdam. First time kong magawa ito, at ang sarap pala talaga sa pakiramdam. Malaki din ang pasasalamat k okay Ray, dahil naranasan ko ang mga ganitong bagay.

Karaniwan na nilang ginagawa ang mag-party sa taas ng bundok. At ang inuman, syempre, hindi mawawala. Napukaw ng aking atensyon si AC. Siya lang ang kakaiba ang itsura sa mga kasama naming doon bukod kay Sir Jan. Maputi si AC, at napakaganda ng ngiti. Napansin ko siya dahil siya ang nag-aabot ng tagay ng alak sa bawat kasama namin. At nang inabutan niya ako, tinitigan ko lamang siya.

Ang ganda naman ng smile nito..

Yun lang ang nasabi ko at umupo ako sa may bandang likuran niya. Para na din malapit na ang alak sa akin, plus nakapagkwentuhan pa kami kahit saglit. Ngunit, hanggang dun lang yun. Naalala ko si Ray. May boyfriend na pala ako, hindi na pwede. Hehe.

“Sino yun? Tagasaan yun?”, tanong ko kay Ray sabay turo kay AC.

“Ahh.. Si AC? Tagasamin din yan..”, matipid niyang sagot at nabaling na ang atensyon niya sa ibang tropa.

Eh bakit ngayon ko lang siya nakita?

Tanong ko sa sarili ko na nagtataka. Akala ko kasi ay kasama ng iba pa naming kasama na hindi taga-kanila. Madali lang talaga ako humanga sa mga tao, pero hanggang dun lang yun, lalo na’t nasa isang relasyon na ako. Loyal ako e. Hehe.

Nakauwi na din kami, pagkalipas ng mahabang lakaran at pag-eenjoy sa dagat. Side trip kung tawagin nila. Masaya, sobrang saya dahil umuulan ng alak. At ang mga kasama kong babae, mas naging mas malapit ako sa kanila. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Mabait din naman ako, kaya siguro hindi din sila nahirapang pakisamahan ako.

Broken. Lost. Put it back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon