Oo, sige..

21 0 0
                                    

“Oo, sige..”, simpleng sagot ko. Mukha kasing naghihintay talaga siya ng sasagot ko.

Bahala na..

Tanging nasabi ko sa sarili ko. Sa pagkakataon naman na ito, sigurado ko, mas matalino na ko sa lahat pa ng matalino pagdating sa puso. Sisiguraduhin kong hindi ako malalamangan. Hindi ako ang masasaktan, hindi ako ang magiging kawawa. Sisiguraduhin ko yan.

“Talaga?? I love you mahal koooo!!!”, sagot niya at sabay yumakap sa akin. Nakita kong masaya naman siya sa sagot ko.

Simula nang araw na iyon, araw-araw na kaming magkasama. SInusundo niya ako lagi sa opisina. Pumintis man siya, iyon ay dahil sa umuulan. Masipag din siyang mag-update sa akin kung ano ginagawa niya. Kung hindi man kami magkasama, lagi kaming magkatext. Ako man na kahit sa opisina, nakakagawa ako ng paraan para sagutin ang bawat text niya. Tumatawag din siya kapag alam na niyang break ko.

Kung sa umpisa ka lang din magaling, okay lang. Iwan mo ko.. Yan lagi ang nasasabi ko sa sarili ko.

Sa kabila ng lahat, pinapatunayan pa din niyang karapat-dapat siya sa aking pagmamahal. Karapat-dapat siya sa lahat lahat. Pinapatunayan niya na hindi ako nagkamali ng pagsagot sa kaniya. Noong una, oo, hindi talaga ko nakakaramdam ng kahit anong takot na iwan niya ako. Wala akong pakialam kung isang araw ay mawala siya bigla. Okay lang sa akin.

Madaming kumontra sa relasyon namin. Sa pamilya niya at sa pamilya ko. Oo, against-all-odds kami. Akala ko nga’y bibigay na siya sa ganong sitwasyon. Pero nagkamali ako, mas pinili pa din niyang makasama ako. Kahit man sa tropa nami’y lahat ay kontra. Dahil na nga din nagkaroon kami ng relasyon ni Ray. Pero alam naman nila na naging walang kwenta si Ray nung kami pa. Ginamit lang ako dahil malaki ang sinasahod ko nung mga oras na yun, at siya namang paglustay niya. Siya kasi ang humahawak ng ATM card ko nun. 

“Ayaw lang namin na mapasama ka ulit Gab..”, yan ang madalas nilang sabihin sa akin. Ayaw daw nilang masaktan pa ako ulit. Babaero daw si AC. Gagamitin lang daw ako, ulit. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero hangga’t napapatunayan naman ni AC na mahal niya ako, okay na, sapat na yun.

Alam ko naman sa sarili ko ngayon na mas marunong na ako sa mga bagay bagay. Na hindi na ako maiisahan kahit sa anong paraan. Hindi na ko masasaktan.

Isang araw..

“Mahal ko, ano kaya’t magsarili na tayo?”, ang sabi niya sa akin minsan na magkasama kami.

Nagulat ako. Oo, hindi lang siya ang unang lalaking nagyaya sa akin ng ganoon, pero hindi ko inakalang magyayaya ang isang tulad niya sa akin. Nabibitin daw siya sa mga oras na magkasama kami. Napaisip din ako at agad agad ko din siyang pinaghanap ng mauupahan. Yung mura lang.

July 29, 2011.

Lumipat na nga kami ng bahay. At least mas malapit sa trabaho ko.

“Wala pa tayong gamit.. may natira naman sa pera natin.. bumili na muna tayo ng foam at electric fan..”, sabi ko sa kaniya.

Bumili kami sa Makro ng mga kailangan namin sa bahay. Okay naman, handa na akong magsarili kasama siya. Dahil sa madaming kumukontra samin, okay na ito. Naniniwala kaming dalawa na matatanggap din nila kami. Kung anong meron kami.

Bago palang kami, pero madami na halos nangyari. Parang napakatagal na naming magkasama. Mas nararamdaman ko na mahal niya talaga ako. Ngayon na magkasama na kami sa isang bahay, hatid-sundo na niya ako kaag sakto sa oras ng trabaho niya. Nagtatrabaho din kasi siya pero malapit lang sa inuupahan namin.

Wala pa kaming isang buwan pero parang isang dekada na ang haba ng pinagsamahan namin. Nararamdaman kong sagad sa buto na ang pagmamahalan naming dalawa. Na kahit sino pa, kahit ano pa ang kumontra, wala na kaming pakialam.

Masaya kami sa isa’t isa. Hindi man perpekto ang relasyon namin, masaya na ako na hindi niya hinahayaang mawala ako sa kaniya.

August 8, 2011

Isang buwan na kami, Sinundo niya ako sa bahay namin. Pupunta kami sa inuupahan naming dalawa.

“Daan na muna tayo sa Sta.Lucia.. may bibilhin lang ako..”, sabi niya. Hindi naman ako tumanggi.

Pagdating namin sa Sta. Lucia, dumiretso kami sa UniSilver. Bumili siya ng couple ring, binigay niya sa akin ang isa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Siya ang kauna-unahang lalaki na nagbigay sa akin ng ganon. Kadalasan kasi’y ako ang nagbibigay sa iba.

Sobrang saya namin ng araw na iyon. Nag-stay lamang kami sa bahay namin. 

Broken. Lost. Put it back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon