Chapter 12

11.5K 324 10
                                    

(Pagtugtugin ang migraine)

Uwian na!!

May oras nanaman na sabay kami ni Lexi at kaming dalawa lang.

Una kong paborito ang pagpasok sa school kasi makikita ko siya tapos uwian naman kasi sabay kaming dalawa.

Sabihin ko na ba sakanya?

Na gusto ko siya?

Kaso hindi ako readyyyyyy.

Dapat may ek-ekan pa akong gawin, para mapangiti ko siya.

Ngayon lang ako nahulog ng ganito yung ngiti niya palang mabubuo na ang araw ko. Yung kahit magmukha na akong ewan sa harap ng iba basta marinig ko lang yung tawa niya. Nangyari na ba sainyo yun? Yung nahahawa ka sa ngiti niya.

"Lex tara, sabay tayo-" sabi ko

"Tuloy tayo mamaya Lexi ah. Sunduin nalang kita sainyo." Sabi ni Lance kay Lexi.

Ah. Ok.

"Nagpaalam naman na ako kay mama, ok lang kahit hindi na ako umuwi." Nakangiting sabi ni Lexi.

Edi hindi siya makakasabay sakin?

Hays oo ok lang. 16 years na akong buhay sa mundong to marunong na ako umuwi mag-isa.

"Bukas nalang tayo sabay Gabe, kasi manonood kami kina Lance ng My Korean Jagiya. HAHAHAHA. Joke magmo-movie marathon kami." Sabi ni Lexi sa akin.

Kahit papaano napatawa niya ako kahit durog yung puso ko. Syempre sino ba namang di matatawa kapag manonood ng malupet na My Korean Jagiya.

"Wag na, Ika-6 na Utos gusto ko. HAHAHAHAHA." Sabi ko.

Laftrip Emma at georgia

"Sige Lex, una na ko. Babye." Sabi ko at tumalikod na.

Hindi ko na hinintay yung babye niya at hindi na rin ako tumalikod. Mas lalo lang akong masasaktan at baka bigla ko pa siyang balikan.

Naglalakad lang ako palabas ng gate nang biglang may kumalabit sa akin.

Sana si Lexi. Sana si Lexi. Sana si Lexi.

"Hi Gabe." Sabi ni Amara.

Ang ganda rin pala niya kapag malapit.

Kaklase ko si Amara pero ang tahimik niya sa klase pero masasabi kong matalino siya dahil halos lahat ng subjects nag eexcel siya sa written works.

"Uy hello." Sabi ko.

"Parang malungkot ka? Wala kang kasabay?" Tanong niya.

May kadaldalan din pala to.

"Wala eh. Hindi ako malungkot. Hahaha" sabi ko.

"Ahh ok sabi mo eh." sabi niya at bumelat. (Dumila XD)

"Marunong ka pala mang-asar" sabi ko at bumelat din.

Lintek lang ang walang ganti!

Ngumiti siya at nawala ang mga mata niya.

Cute talaga ng mga chinita.

"Oo naman." Sabi niya.

"Sabay na tayo?" Sabi ko.

"Sige basta hatid mo ko samin." Sabi niya.

Aba demanding.

Ngayon na nga lang kami nag-usap magdedemand pa, hays mga gurlszxc.

"Ehhhh. Di naman kita jowa eh." Sabi ko at natawa kaming dalawa.

"Edi ligawan mo ko para sagutin kita tapos ihatid mo ko sa amin." Sabi niya.

Napafacepalm nalang ako.

San humuhugot ng lakas ng loob itong babaeng magandang to?!

"Taken na ko." Sabi ko.

"Sinong minalas?" Sabi niya at natawa.

Inirapan ko siya at napangiti nalang.

"Taken for granted. Huhuhu." Sabi ko at parehas kaming natawa.

Kahit papano nakalimutan kong may ibang gusto yung taon gusto ko dahil kay Amara.

May something sakanya na maratamdaman mong komportable ka.

Siguro kasi parehas kaming madaldal kapag solo lang ang kausap. Hindi madaldal sa grupo at sa classroom.

Malapit na bahay nila Amara at kailangan niya ng lumiko.

Ok lang sanay naman ako mag-isa.

"Paalam na po Binibining Amara. Salamat po sa pagtuturo ninyo sa amin." Sabi ko at natawa.

"Paalam aking no. 1 fan." Sabi niya at umalis na.

Habang naglalakad sa daan ay di ko namamalayang nakangiti ako.

Naalala ko kasi lahat ng kwentuhan namin ni amara.

Biruin mo yun, nanonood din siya ng best of the best trilogy na Wowowin, Wiltime Bigtime at Wowowillie.

Tapos parehas kaming nanonood ng tom and Jerry noong bata at halos lahat  ng episode na napanood ko napanood niya na rin.

Nakauwi na ako at mukhang napansin agad ni mama na nakangiti ako.

"Dahil ba kay Lexi yan?" Sabi niya.

Lexi.

Eto nanaman ako back to reality.

Hindi ako crush ng crush ko. Oo na!

"Hindi ah, may naalala lang ako." Sabi ko.

"Ah ok si Lexi nga." Sabi ni mama at natawa.

Hay nako ma. Kayo talaga papaasahin nanaman ako.

--------

Hi guys. Pasensya na walang internet ngayon lang nakapag update. user63746523 hello :)

Salamat sa lahat ng nagbabasa at comment. Uupdate na ako lagi. :)

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon