Lexi's POV
Para akong nabunutan ng buto ng santol sa lalamunan noong matapos ako mag spoken poetry.
Wala na akong aalalahaning kakabisaduhin at gagawin.
Pagkatapos kong matawag si Gabe naman ang natawag. Halos mawala siya ng dugo sa mukha at talaga namang di ko mapigilan matawa sa kacutan ng panget na to.
Ang gulo ko ba? Panget na cute pa.
Nung tumayo si Gabe at pumunta sa harapan, napansin kong ang lagkit ng tingin sakanyan ni Gwen.
Pigilan niyo ko, kakalbuhin ko to.
Una sa lahat, ayokong may kaagaw.
Ako lang pwede mag eye fuck sa panget na yan.
Lagot ka sakin Gabe pag tinignan mo si Gwen mamaya.
Huminga muna ng malalim si Gabe at ngumiti sa akin.
Kilig naman si ako syempre.
Bakit ba ako kinikilig eh tungkol naman sa bird flu topic niya. Uuuugh.
Ang tulang ito ay simple lang
Kagaya ng taong aking pag-aalayan,
Hindi ko na sasabihin ang kanyang pangalan
Basta ang clue ko, "malay mo katabi mo lang"Naghiyawan naman ang mga kaklase namin.
OMG. Para kanino yun? Para sa akin ba yun?
Nakanga nga lang ako habang nakatingin sakanya.
Nasabi ko na ba kung gaano ka kaganda?
Kung gaano mo nabibigyang liwanag ang lahat kapag nakangiti ka na?
Sa sobrang ganda mo,
Excited akong mag-aral para makita ko ang mukha mo.At ayun na halos magwala na ang buong classroom.
Si Shane naman panay ang tingin sakin at nakapang-asar na ngiti.
Siguro namumula na ng todo ang pisngi ko.
Maraming iba, pero hindi ikaw sila.
At ikaw lang ang pag-aalayan ko ng kahit ilang pang tula
Ng libro at ng mga pahina
Para sabihin na mahal kita simula pa noong una.Unang araw na tayo ay magkita.
Ewan ko kung naalala mo pa,
Pero ako, yun ang hindi ko makakalimutan hanggang pagtanda
At kapag nakakalimutan ko na, titignan ko ang iyong mukha,
at akin na itong maalala.Mahirap gumawa ng tula,
Pero dahil sayo kinaya ko.
Dahil kapag kasama kita,
Kaya kong bumuo ng isang libro kung gaano kaganda ang katabi ko.Dito hindi ko kailangang magreview,
Kailangan ko lang isaulo at magsalita sa loob ng tatlong minuto
Madali lang para sa akin ito,
Dahil kailangan ko lang ikaw at ang totoong nararamdaman ko.Nag bow na siya at todo sigawan mga kaklase ko.
Shet dami naman netong fans!
"AKIN KA NALANG!" may sumigaw sa gilid pero hindi ko nakilala kung sino.
Sino kaya yung bruhildang babae na may lakas ng loob sabihan ng ganun si Gabriel Diaz ko.
Pero nawala lahat ng galit ko nang umupo na si Gabe sa tabi ko.
"Nagustuhan mo ata yung tula ko kasi pulang pula yung pisngi mo." Sabi niya.
Hinampas ko siya.
"Sabi mo tungkol sa bird flu?!" Sabi ko.
Nagtitinginan na samin lahat at natatawa sila.
"Bird lang walang flu. Chicks ka kasi eh." Sabi ni Gabe at nagtawanan ang lahat.
"Isa kang alamat!" Sigaw ng iba.
Natawa lang si Gabe at tinignan ako.
Yung tingin na nakakatunaw, na parang kaming dalawa yung nandun at wala yung iba.
Di ko kayang makipagtinginan sakanya kasi sa totoo lang nakakakilig... lalo naman kapag ngumingiti siya.
----
Halos lahat ay tapos na sa pagtutula.
Si Gabe naman tahimik lang na nakikinig.
Sumandal ako sa braso niya at nagulat siya.
Di talaga ako clingy sakanya pag may klase kaso ngayon, ayoko ng wala siya sa tabi ko.
"Sweet ehem sweet." Sabi ni Shane.
Natawa lang si Gabe at inakbayan ako.
"Panget, gawan mo ko 100 tula." Sabi ko sakanya.
Napabitaw siya sa akin.
"100?!" Sabi niya.
"Oo hehehe." Sabi ko.
"Ang dami ahhhh" sabi niya.
"Joke lang yun, mahirap masyado yun HAHA." sabi ko.
Natigilan siya sa pagsasalita at parang nag-iisip.
"Sabagay, iba nalang wag na yun." Sabi niya.
Hmp! Akala ko papayag na siya.
"Okkkk." Sabi ko.
--------
Uwian at naiinis pa rin ako kasi pasulyap-sulyap si Gwen kay Gabe.
Si Gabe lang ba tao sa room para tignan niya.
Nandun naman sila Aaron, Patrick, at Christian na mga mukhang kalyo para tignan niya.
Talaga namang hindi ko mapigilan manginig ang laman dahil jan kay Gwen.
"Ano iniisip mo?" Tanong ni Gabe.
Tinignan ko siya at inirapan.
"Hala?! Ano nanaman?!" Tanong niya.
Hinampas ko lang siya.
"Anu nanaman yun?" Natatawa niyang tinanong.
Nauna akong maglakad sakanya.
"Ano yun babe." Tanong niya.
Babe ka jan.
Di ko napigilang mapangiti dahil sa sinabi niya.
"Kasi naman, tingin ng tingin sayo si Gwen. Tapos nung isang umaga nakita ko kayong nagkukulitan." Sabi niya.
"Aysus nagseselos naman pala kaya nang-iirap. Hahahaaha." Sabi niya at talaga namang nakakainis yang bwisit niyang tawa na pang-asar.
Tumawa ka pa sige lang.
"Pero seryoso Lex wala kang dapat pagselosan dun. May boyfriend yun." Sabi niya. "At ikaw lang gusto ko."
Ok nako. Hehe.
"Oo na sige na." Sabi ko.
"Kain nalang tayo." Sabi niya.
"Yayyyyy!" Sabi ko.
"Wag na magselos." Sabi niya at pinisil ilong ko.
"Di kaya ako nagseselos." Sabi ko.
Natawa siya.
"Osige kung jan ka masaya." Sabi niya at hinawakan kamay ko.
--------
Ano masasabi niyo sa tula ni Gabe? HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Unang Tingin (gxg) (Completed)
Teen FictionNakakainip maghintay sa pila, pero biglang nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang isang babae na payat tas flat.. uy type ko! Pero nang mapalingon ako sa kausap niya, parang ayoko ng lumingon ulit sa iba. Nangyari na ba sainyo yung may makikita...