Chapter 31

18.2K 428 76
                                    

After  8 years

Eto na, tapos ko na SHS at Computer Engineering.

Hindi pala talaga madali lahat.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kahit sa simpleng ako lang matatapos ko iyon kasama ng tulong ng aking pamilya.

Lalo na ng pinakamagandang babae na kasama ko ngayon sa kama.

Nang matapos ako sa computer engineering nagsama na rin kami ni Lexi, madali lang rin kasi akong nakahanap kasi marami namang kakilala si mama.

Nag-aral din ako ulit para maging teacher sa calculus.

Siguro hindi nga biro lahat ng pinagdaanan ko, namin ni Lexi.

Muntikan na rin kaming maghiwalay minsan sa malalaking bagay, madalas naman sa malilliit na bagay.

Natapos niya rin ang architecture at masasabi kong isa ako sa mga pinakaproud sakanya dahil doon.

Habang tumatagal din lalo ko siyang nakikilala.

Moody, clingy at napakaselosa pero kapag galit ka susuyuin ka naman niya.

Iyakin pero mahilig tumawa.

Maarte lalo na sa bahay pero hindi maarte sa pagkain.

Seryosong tao pero kapag nasa mood magjoke, nakakatawa talaga.

"Hon, kain ka na. Nakatulala ka nanaman." Sabi niya at hinawakan kamay ko.

Yung ngiti niya nakakainlove pa rin.

Yung kamay niya hindi nakakasawang hawakan.

Yung labi niya nakakaakit pa rin halikan.

"Naiisip ko lang, di pa rin ako makapaniwala hon." Sabi ko at hinalikan ang likod ng kamay niya. "Eto na tayo ngayon, nagsasama na."

Namimiss ko rin si mama kasi nasa US siya kasama sila papa at mga kapatid ko.

Kami na nga lang ni Lexi inaantay nila doon.

Suportado naman silang lahat sa amin, gustong gusto nga nila si Lexi eh.

Sino ba naman ang di magugustuhan ang pinaka awesome na babae na kilala ko.

"Sus, kinikilig ka pa rin hanggang ngayon." Pang-aasar niya.

"Sino ba namang hindi kikiligin sa dating crush mo lang, kasabay mo na kumain ngayon sa iisang bahay?" Sabi ko at tumawa siya.

Yung tawa niya na parang paborito kong kanta, hindi nakakasawa kahit araw araw naririnig ng aking tenga.

Yung tinginan naming dalawa, tapos ngingiti.

Nakakakilig pa rin.

"I love you." Sabi niya.

"I love you too." Sabi ko.

Yung i love you's naming dalawa.

Never gets old nga talaga. 

"Hanggang pagtanda?" Tanong niya.

"Hanggang pagtanda." Sabi ko.

--The End--

At dito nagtatapos ang kwento ni Gabe at Lexi, maraming salamat sa lahat ng mga nagbasa at sumubaybay. 

@MecaelaEstoque para sayo itong chapter na ito. Salamat sa inyong lahat.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon