"Gabe sinasagot na kita." sabi ni Lexi sa akin.
Nanaginip lang ata ako.
Pakikurot nga ako.
Di rin ako sure kung totoo ba ito eh.
"Oh bat natahimik ka? Ayaw mo ba?" Tanong ni Lexi at malungkot ang mga mata.
"Ayaw ko." Sabi ko.
Binitawan niya ang kamay ko.
Pero kinuha ko ulit kamay niya.
"Ayaw ko ng wala ka." Sabi ko at niyakap siya. Kumalas ako at tinignan siya sa mata. "Sa totoo lang di ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Di ko alam kung nanaginip lang ba ako o totoo na ba ito kasi sa totoo lang ikaw yung pangarap na di ko akalaing maabot ko." Sabi ko sakanya.
Noong mga oras na yun naiyak siya.
"Wag umiyak baby." Sabi ko.
"Natats lang ako kasi ngayon lang may nagsabi sa akin niyan." Sabi niya.
"Ngayon kahit kelan mo gusto sasabihin ko sayo yan." Sabi ko.
"Salamat." Sabi niya at pinunasan ko ang luha niya.
"Lagot ka Gabe pinaiyak mo si Lexi." Asar ng mga kaklase ko.
Natawa lang ako at yumakap sa akin si Lexi.
Lalong nagiging clingy ayiee.
----------
Uwian na at sabay kaming umuwi.
Kumakain kami sa paborito niyang kainan. Lugawan.
Sabi ni mama sa akin noon.
Piliin ko raw yung babaeng kahit saang kainan ko dalhin ayos lang basta magkasama kami.
At nahanap ko na nga siya, katabi ko pang kumakain ngayon
"Dalawang order ng lugaw isang itlog at isang tokwa, padagdagan po ng laman. Dalawang mountain dew na rin po." Sabi ko.
"Kabisado mo na ah." Sabi ni Lexi at pinisil pisngi ko.
Hinawakan ko kamay niya.
"Ang ganda kasi masyado ng kasabay ko kumain eh." Sabi ko.
"Nambola pa, sinagot ko lang." Sabi niya at natawa kaming dalawa.
"Bola ka jan, totoo kaya yun. Ako lang kasi nagsasabi sayo na maganda ka kasi takot silang lahat sa maskels ko. Umpog ko sila dito eh." Sabi ko.
"Sus! Hangin lang yan eh." Sabi niya.
Tinaas ko ang manggas ko at pinakita maskels ko.
"Hangin ka jan, bato to." Sabi ko.
Nakatingin lang siya sa maskels ko. Yan nainlab na.
"Bat ang laki ng braso mo?!" Sabi niya.
"HAHAHAHA inamin mo rin, pero kaka-volleyball ko yan noon." Sabi ko.
"Hmp! Ok na baba mo na manggas mo baka may iba pang makakita niyan at agawin ka sa akin." Sabi niya at yumakap sa braso ko.
"Ang cute mo paano ako hindi maiinlab niyan sayo?" Sabi ko.
"No choice ka, you're stuck with me." Sabi niya.
"Ok lang, sayo at sayo lang naman ako maii-stuck eh." Sabi ko. "Oo nga pala hindi mo na ako matatakot na babastedin mo ko kasi sinagot mona ako." Sabi ko at ngumisi.
"Hindi na basted kasi ibibreak na kita." Sabi niya at natawa.
Nanlaki naman ang mata ko.
"Hahaha sana napicturan kita. Sana nakita mo mukha mo! Hahahha." Sabi niya at tawang tawa.
"Nagulat kasi ako sa sinabi mo eh." Sabi ko at naglungkot-lungkutan.
"Aysus wag na malungkot ang baby ko." Sabi niya at niyakap ako.
"Wala malungkot pa rin ako." Sabi ko.
Hinalikan niya ako sa pisngi at bumilis tibok ng puso ko.
Nahulog ka na ba ng sobra na parang lahat ng tao sa paligid niyo nawawala?
Ako... oo.
Katabi ko siya ngayon at nandito na ang order namin.
-------------
Last chapter na ang next. Salamat sa lahat ng sumuporta, nag comment, nag vote at nag add sa reading list.
Magkakaroon po ako ng bagong story, by next week siguro.
Salamat ulit.
BINABASA MO ANG
Unang Tingin (gxg) (Completed)
Teen FictionNakakainip maghintay sa pila, pero biglang nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang isang babae na payat tas flat.. uy type ko! Pero nang mapalingon ako sa kausap niya, parang ayoko ng lumingon ulit sa iba. Nangyari na ba sainyo yung may makikita...