Chapter 24

9.6K 221 3
                                    

Haysss tapos na rin gumawa ng tula, makakatulog na rin sa wakas.

Halos 5 mins. ko lang ata to ginawa eh.

Ganun talaga kapag inspired boom panes

Bago matulog ay chinat ko muna si Lexi, panigurado tulog na yun, sabay ata sila ng manok matulog pero sobrang tagal magising.

Gabe: Goodnight <3 :*

Alexandra: Bat gising ka pa? Sino kachat mo?

Natawa naman ako sakanya, di niya alam kaya ako napuyat para gumawa ng tula para sakanya.

Gabe: Matutulog palang ako

Alexandra: Di mo sinagot pangalawa kong tanong -.-

Gabe: Ayyy! Ikaw, kachat ko.

Alexandra: Ayy ka jan, bukod sakin syempre. -.-

Gabe: Wala na.

Alexandra: Bat gising ka pa?

Gabe: Gumawa ako para sa spoken poetry :3

Alexandra: Owwwkay.

Gabe: Ikaw bat gising pa?

Alexandra: Nanonood pa ako fairytail

Gabe: Owkay

Gabe: Hahahaha

Alexandra: Gaya gaya hahaha

Gabe: Bigat na ng mata ko. Zzzz.

Alexandra: Sabay na tayo matulog, wag ka na masyadong magpuyat. Chat ka ng chat ng mga chix mo.

Gabe: Hmmmmm...

Alexandra: Hmm ka jan. So totoo?

Gabe: Totoo.

Alexandra: K.

Gabe: Totoong patay na patay nanaman ako sayo at nakukyutan ako sayo pag nagseselos at territorial ka.

Alexandra: Yan nanaman si boy pick up.

Gabe: Hahaha kaya wag ka na magselos matulog nalang tayo bye. zzz.

Alexandra: Ayaw mo lang ako kausap eh.

Eto mahirap eh, yung antok na antok ka na pero kailangan mo muna siyang suyuin kasi kung matutulog ka ngayon paniguradong bukas buong araw niya akong hindi kakausapin.

Gabe: Tawag nalang ako.

Alexandra: Hehehe. <3

Gabe: Gusto?

Alexandra: Gusto <3

Yun lang pala ang gusto.

Bat ang cute niya pa rin?

Pero kapag iba ang nag ganyan sakin baka binato ko na yan ng dospurdos.

Pero pag siya bakit ganun? Lalo akong nahuhulog.

*on call*

"Hello" sabi ko

"Hi panget." sabi niya.

"Hello ganda." sabi ko.

"Hahaha. Bakit parang ang husky ng boses mo ngayon?" tanong niya.

"Antok na eh." sabi ko.

"Awww sorryyy. Tulog na tayo?" tanong niya.

"Maya na, naakit na ako sa boses mo eh tas tutulugan mo ko." sabi ko

"Sino kayang inaantok na." sabi niya at natawa.

"Sino kayang nagpabebe tapos gusto lang pala magpatawag." sabi ko at natawa.

Tumigil siya sa pagtawa.

"Sino ba naman kasing normal na tao na inaantok ng 7:30 pm palang tapos natulog naman ng tanghali." sabi niya

Ako ata.

"Basta ako hindi ako yan ah." sabi ko at natawa.

"Galeng talaga." sabi niya.

Pusta ko nang-iirap na yun.

"Hahahaha sorry na. Joke lang. Ang cute mo lang kapag inaasar." Sabi ko.

"Oo na hmmmmm. Oo nga pala, kilala ka na ni mama." sabi niya.

Natahimik ako ng mga 5 seconds dun.

"Speechless HAHAHAAHAHA." Sabi niya.

"Kasi naman! Na shookt ako!" sabi ko.

"Ang cute mo hihihi." sabi niya

"Bagong tawa mo ba yan? hahahaha" tanong ko

"Oo kapag nakukyutan ako sayo, kaso lagi mo kong inaasar kaya minsan lang yang tawa na yan." sabi niya. "bleeeeeh"

"hmmmmm. edi sa iba nalang ako magpapacute." sabi ko

"Subukan mo lang di kita kakausapin buong araw sa school." sabi niya.

"Syempre joke lang, sayo lang naman ako may pake eh. hehe." sabi ko.

"Oo na!!! Hilig talaga magpakilig kainis." sabi niya.

"Hindi kita pinapakilig, nagsasabi lang ng totoo. Hahahaha." Sabi ko.

Magiging makata ka talaga kung ganyan kaganda nililigawan mo.

"Oo na. Hahahaha! Ready ka na para bukas?" Sabi niya.

"Oo medyo." Sabi ko.

"Goodluck sa atin." Sabi niya.

"Goodluck talaga. Wooh kabado ako." Sabi niya.

"Ako lang tignan mo para hindi ka kabahan." Sabi niya.

"Sige, ganun ka rin sakin kung gusto mo." Sabi niya.

"Oo naman." Sabi niya at talaga namang napangiti ako.

How can you not fall in love with this girl?

At mga dawalang oras kaming nag-usap at nagpahinga na rin.

Bago matulog naisip ko muna lahat ng moments at napangiti sakanya.

"Thank you Lord." Sabi ko sa sarili ko.

Salamat sa pagpapakilala Niyo kay Lexi sa akin.

Goodluck sa spoken poetry bukas.

-----

Hello! Nawawala yung isa kong cellphone wahhh. Nandun pa naman yung isang tula. Pero ngayon nakagawa na ako. Wait lang sa next update medyo busy ehehehe.



Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon