Chapter 16

11.3K 263 4
                                    

Hayyy umaga nanaman

Isa nanamang araw na makikita ko si Lexi ang bilis ng araw halos isang buwan na rin ang pasukan.

Ang saya ko ngayong araw na ito. Parang good mood na good mood ako.

Kahit pangit gumaganda ngayon para sa akin eh.

"Ma, good morning" sabi ko at kumindat kay mama.

"Anong good morning ka jan? 5:45 na!" Sabi ni mama.

Yung good mood ko biglang binagyo eh. Tinangay ng hangin.

"Bat di niyo sinabi agad?!" Sabi ko at tinignan ang tv.

5:45 na nga!

Sana nananaginip lang ako!

Dali-dali na akong naligo at nagbihis. Onting suklay lang ng buhok ok na yun!

5:58 nakaalis na ako ng bahay.

Kayo na bahala sa akin Diyos ko.

Kung makakahabol pa ako sa school o hindi.

At pagdating ko sa gate ng school, wala ng nakapigil sa akin tumakbo hanggang room. 6:10 na halos ng makarating ako.

Bakit ba lagi nalang akong nalelate ng gising?!?!

"Good-m-morning maam sorry I'm late." Sabi ko habang hingal na hingal.

Water pleaaaaaase.

"Ok. You may take your seat now Ms. Diaz if this happen again, you will mark as absent." Sabi ng teacher kong chix pero masungit. Kulang lang to sa ano... pagmamahal :)

"Yes maam." Sabi ko at umupo na sa upuan ko. Bakit wala si Lexi dito?

Naghanap-hanap ako kung nasaan siya.

At ayun nandun siya sa kabilang row sa likod.

Nang magkasalubong ang mata namin.

Nilabas niya ang dila niya.

At nginitian ko lang siya.

At natawa kaming dalawa.

Pag nagkakatinginan kami, tumitigil pa rin sa pagtibok yung puso ko gaya ng unang beses kaming magkita.

Gaya ng unang tingin na binigay niya sa akin bago ako pumasok ng pinto para interviewhin.

Bakit ba araw araw parang lalo siyang gumaganda?

Bakit hindi nababawasan yung pagmamahal ko sakanya at lalo pa itong lumalakas?

Bakit siya lang ang hinahanap-hanap ko sa bawat lugar ma pinupuntahan ko?

Ano ba yang gayuma mo Lex? Kailan ba mawawalan ng epekto?

Nakikinig na ako sa teacher at sumimpleng tingin sakanya.

Pagtingin ko ay katabi niya na si Lance. Siguro tumabi ito sakanya.

Bakit ba kasi pwedeng lumipat lipat ng upuan kapag nagtuturo ang teacher?!

Bwisit talaga.

"Ms. Hernandez and Mr. Romero? Why are you laughing? Is there something funny about me?" Tanong ng teacher namin.

Sa pagka-authorative ng boses niya alam kong beastmode na ito.

Lagot ka Lexi...

Letse ka Lance...

"No maam." Sagot ni Lexi.

Nakikita ko na yung kaba at takot sa mga mata niya.

"Then why are you laughing? Laughing without reason? Do you want to see the guidance because you are laughing without reason?" Sabi ni maam

Potsa kahit ako kinakabahan na.

Masungit si maam pero mabait yun sa mabait sakanya. Madalas yun galit pero kapag may nagawa ka lang na masama.

"Sorry maam" sabi ni Lance.

Sorry mo to.

"Just go out if you don't want to listen. I don't need any students who are not willing to listen to me." Sabi ni maam.

Nakayuko lang si Lexi at sa oras na yun gusto ko lang siyang yakapin.

Yakapin at halikan sa noo.

Tuloy tuloy lang ang lesson hanggang mag recess na. Sobrang tahimik at lungkot pa rin ng mukha ni Lexi.

Uggghhh ang hirap naman ng ganito!

Wala akong magawa para icomfort siya.

"Goodbye class" sabi ni maam at lumabas na.

Biglang umalis si Lexi at bumaba. Siguro kakain yun.

"Men, icomfort mo." Sabi ni shane

"Baka gusto niyang mapag-isa." Sabi ko.

Baka lalong malungkot pag nandun ako.

"Sige ka uunahan ka ni Lance." Sabi ni Shane.

"Sabi ko nga on the way na ko sakanya." Sabi ko at tumakbo papunta kay Lexi sa baba.

At nakita ko siya. Buti mabagal maglakad to. Kaya nga minsan nadadamay ako sa kabagalan neto eh.

"Lex.." sabi ko at humarap siya sakin.

Niyakap niya ako....

At niyakap ko rin siya.

Wala na akong pake sa mga nakatingin sa amin.

Dahil lahat sila nawala nung niyakap niya ako.

"Gabe.." sabi niya.

"Nandito lang ako." Sabi ko.

Nasabi ko rin, yung gusto kong sabihin sakanya noon. Nandito naman ako, nandito lang ako.

"Kain na tayo." Sabi ko at hinawakan kamay niya pababa.

Daddyyy. Hahahahaha.

Nakababa na kami at umupo. Nilibre ko na rin siyang ice cream. Giant cone chocolate flavor sprinkles on top.

Kabisado ko na kasi yun ang lagi niyang binibili.

Ako kuripot akong tao pero bakit ka manghihinayang? Kung alam mong sa simpleng bagay na iyon mapapangiti mo siya.

"Salamat." Sabi niya at nilantakan ang ice cream.

Nginitian ko lang siya.

Busog na ako sa ganitong view.

Walang malungkot malungkot sa taong gutom

"Si Lance kasi, nagpapatawa. Tapos sabi niya trip lang daw niya yung babaeng kasama niya kahapon." Sabi niya

Nagloading pa ako eh. Bat parang hindi ko nagets.

"HAHAHAHAHA! ang slow mo. Tumabi si Lance kanina kasi nagsosorry siya sa kasama niyang babae kahapon. Sabi niya kaibigan niya lang daw yun. Ako naman natatawa lang kasi alam kong manloloko siya at wala akong pake sa mga kagaya niya. Patawa siya masyado. Tapos dinamay pa ako sa kalokohan niya nagalit tuloy si maam. Tsss." Sabi niya.

"Ah kaya pala. Ayos lang yan, wag mo nalang pansinin." Sabi niya.

"Oo. Hindi ko na papansinin. Para rin hindi ka na magselos." Sabi niya at ngumiti.

My heart skips a beat.

"JOKE! HAHAHAHA!" Sabi niya.

Hayuf na babaeng to.

Nakita ko si lance papunta sa upuan at table namin.

Pumunta siya sa tabi ni Lexi at umupo.

------

To be continued.

Ano masasabi niyo kay Lexi?

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon