Chapter 4

18.4K 432 21
                                    

Limang araw na ang nakalipas simula nung pagkikita namin ni abo.

Limang araw na rin akong parang tangang hindi makalimutan ang mukha niya, kilos niya at bawat sandali na nakita ko siya.

Nakahiga lang ako sa kama, nakatingin sa kisame. Iniisip ko kung ano ba ginagawa niya. Kumain na ba siya. Naligo na ba siya. Sino mga kasama niya. At ang pinakamatinde sa lahat. Ano kayang pangalan niya?

Naiinis ako sa sarili ko.

Bakit ba ako nainlove sa babaeng di ko alam kung bisexual ba!

Bakit ba ko nainlove sa babaeng di ko naman alam ang pangalan!

"Gabe!" Sigaw ni mama habang kumakatok sa pinto

"Ma, bakit po?" Sabi ko habang tamad na tumatayo para buksan ang pinto.

"Anu ka bang bata ka, di ka pa kumakain kanina pa." Sabi ni mama.

"Wala akong gana ma." Sabi ko sabay higa sa kama.

"Ano bang problema mo? Simula enrollment mo tumahimik ka at parang nawawalan ng gana sa lahat ng bagay. Hindi kaya nausog ka Gabriel?!" Sabi ni mama.

"Hindi ma, wala lang po talaga akong gana." Sabi ko

"Ay! Ay! Mukhang alam ko na to ah." Sabi ni mama habang paikot-ikut akong tintignan.
"Inlove ka noh?" Sabi niya.

At ito na nga ang kinakatakutan ko. Malaman ni mama at aasarin nanaman niya ako.

"Uugh!" Sabi ko at nagtalukbong.

Sakalin ko nalang kaya sarili ko? Ay hindi wag, baka hindi ako makahinga.

Wag nalang kaya ako lumabas ng kwarto habang buhay? Ay wag baka mamaho at magutom ako dito.

"Sabi na sa SUP mo mahahanap Glydene ng buhay mo eh." Natatawang sinabi ni mama.
"So, sino ang minalas na babaeng nagbalik ng kalandian ng anak ko." Sabi niya.

"Ma naman!" Sabi ko habang nilalaro daliri ko. "Yun nga eh, di ko alam kung anong pangalan niya." Nahihiya kong sinabi.

"HAHAHAHA" ang nasabi lang ni mama.

"Hayssss" malungkot kong sinabi.

Tumigil na sa pagtawa si mama at nagpunas na ng luha niya gawa ng kakatawa niya.

Yung tawang pang asar. Yung halakhak talaga.

"Hayaan mo sa pasukan hanapin mo ulit. Eto lang advice ko ah, huwag mong paasahin sarili mo sakanya masyado, pero parang late ko na nasabi eh. Limang araw palang patay na patay ka na anak eh." Umupo siya sa tabi ko. "Pero ayos lang yan, may pasukan pa."

Napangiti ako sa sinabi ni mama.

Dapat magdiwang pa ako, kasi sa isang araw pasukan na.

"Salamat ma." Sabi ko.

----------

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon