Chapter 2

24.5K 558 47
                                    

Heto na heto na wah!

Nasa tapat na ako ng gate ng Science University of the Philippines.

Ako lang ba ng kinakabahan kapag mag-eenroll na sa bagong school na lilipatan? Yung kapag titignan mo yung mga estudyante nila dito parang mga seryosong tao at masisipag mag-aral, sana naman ay mahawaan ako ng kasipagan dito.

Pumasok na ako sa gate at pinacheck ko ang bag ko sa guard.

Huwag po kayong mag-alala napkin, wallet, pabango at mga certificate lang po nanjan, walang ballpen na nagiging patalim po jan. At sa napkin... Maganda man ang hanap ko, napkin pa rin ang di mawawala sa bag ko!

Pumasok na ako at ang laki ng school na ito, hindi gaya ng school ko dati na isang building lang. dito sampung building na malalaki oh shit sana hindi ako maligaw. Manliligaw lang pero hindi maliligaw.

Pumila na ako at ibinigay ang mga kailangan para makapag-enroll, kahit yung nag-eenroll sa akin ang ganda. Pero matanda na, mas trip ko yung mas matanda ako.

Pumila na ako para sa interview, shet kabado si ako, kagabi ko pa iniisip yung isasagot ko dito eh

* Imagination *

"So why SUP?" sabi ng interviewer.

Bakit nga ba? Kasi maraming maganda? Ay hindi, baka di pa ako estudyante dito kick out na ko. Kasi maganda ang turo? So yung iba pangit? Baka isipin nang didiscriminate ako. Alam ko na...

"I chose SUP because, SUP is one of the best engineering school in our country and someday I want to be a product of SUP as their engineer. That's all thank you" 

Tapos lahat ng tao nagpalakpakan, nag standing ovation pa. Kilig si ako.

Oh dibaaa, pang miss universe.

* Stop na, I'm shy na. XD *

Bahala na kung anong mangyayari mamaya, basta mahal ako ng Diyos.

Habang nakapila ako, ang mata ko lumilibot din syempre.

Hanap maganda, hanap pogi pero more on maganda.

Dami ng magagandang dumaan pero bakit parang hindi pa ako gaanong tinatamaan.

Sa dami ng dumadaan, dumaan na rin ang mga ilang minutong nakakaburyo, wala pa ring nakakahuli ng aking puso.

Nakakainip maghintay sa pila, pero biglang nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang isang babae na payat tas flat.. uy type ko! Pero nang mapalingon ako sa kausap niya, parang ayoko ng lumingon ulit sa iba.

Nangyari na ba sainyo yung may makikita kang isang tao tas yung feeling mo lahat ng bagay sa mundo naglaho at yung oras huminto at siya lang ang nakikita mo.

Babaeng kulay abo ang suot, ang paboritong kulay ko. Sana maging mag kaklase tayo.

--------

A/N Hi sa first 5 readers ng Chapter 1. Comment kayo. :D 

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon