Chapter 29

10.1K 254 7
                                    

Eto na kakanta na kami!

Excited na ako kasi kahit papaano nagawa namin yung maayos. Mga singer naman pala mga kagrupo ko ngayon ko lang nalaman.

Masaya rin ako dahil kahit papaano ako yung naging leader at maayos naman naming nagawa yung mga kailangang gawin.

"Gabe, ready na kayo?" Tanong ni Lexi sa akin.

Eto na yung babaeng pag-aalayan ko ng kanta kahit sa ukulele lang ako. 

"Oo." Sabi ko.

"Kinakabahan ako." Sabi niya at hinawakan kamay ko. 

Natawa ako kasi ang lamig ng kamay niya parang in-ice bucket challenge pero kamay lang nabuhusan.

"Halata nga sa kamay mo eh." sabi ko. "Pero kaya mo yan, gusto mo ba tumalikod ako na parang sa The Voice para hindi ka kabahan." 

"Ayoko, gusto ko ngang nakikita ka eh." Sabi niya. 

"Hahahaha ok boss." Sabi ko.

"Ano palang kakantahin niyo?" Tanong niya. 

Pagtripan ko ba o sabihin ko yung totoo?

"Ikaw na nga by Willie Revillame." Sabi ko.

"Totoo? hahahahaha" Tanong niya at natawa.

"Oo seryoso." Seryoso kong sinabi pero deep inside tawang tawa na ako.

"Nakakatawa naman kayo anubayan." Sabi niya.

Buti kumagat at naniwala to.

Surprise talaga yun para sakanya, ang cute kaya ng kantang yun. Hindi yung Ikaw na Nga ni Kuya Wil ah. Yung Panalangin. 

My favorite song for my favorite girl.

"Wala ng maisip na iba eh hahaha. Atsaka maganda naman yun ah." Sabi ko.

"Mas maganda nga lang ako." Sabi ni at ngumisi. 

"Sabi mo ehhhh." Sabi ko.

"Hahahaha bakit hindi ba totoo?" Sabi niya.

"Maganda ka naman kaso paborito ko yung kantang yun eh. Hirap mamili." Sabi ko.

"Paborito mo yung Ikaw na Nga? Hahahahaha ibang klase ka." Sabi niya. 

"Oo that's the most awesome song sa buong mundo. Dapat nga gumawa ng Pop Danthology tapos puro kanta ni Kuya Wil eh." Sabi ko at tawang tawa siya.

Hindi nakakasawa yung tawa niya pakinggan. 

Yung tawa niya na natural lang.

Yung tawa niya na naging dahilan kung bakit nagustuhan ko magjoke araw araw.

Yun ang gusto ko sakanya at paboritong parte ng araw ko, kapag nakangiti at napatawa ko siya.

"Ok B8 magready na kayo, mga instruments niyo. Tapos group 1 kayo ang una dulo ang group 5." Sabi ni maam.

Yes! Dulo kami!

"Galingan mo sexy love." Bulong ko kay Lexi at tawang tawa siya.

"Ikaw din kuya wil." Sabi niya.

"Sa ukulele lang kaya ako." Sabi ko.

Kaso tumayo na siya at umalis. 

"Ok, practice muna tayo." Sabi ko. 

Hindi muna kami gumamit ng ukulele at beatbox.

Voicing lang muna para secret lang at surprise sakanila.

"Good job mga baby shark. Hahahahaha." sabi ko at nagtawanan kami.

"Tayo naman magpractice sa ukulele Gabe." Sabi ni Rommel.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon