Chapter 27

9.7K 210 1
                                    

Gabe's POV

Sobrang saya ko kasi halatang nagustuhan niya talaga yung tula ko.

Piece of cake lang yung tula na yun para sakin.

Andali lang pala gumawa ng tula lalo na kapag tungkol sakanya.

Tuloy tuloy lang ang lahat ng pagsulat ko.

Inspired.

"Nakatulala nanaman siya." Sabi ni Lexi sa akin.

"Nakikinig kasi ako kay maam." Sabi ko.

"Nakikinig ka pero nakatingin sa akin? Hahahaha." Sabi niya.

Takte nakakahiya.

Umiwas na ako ng tingin at nakinig na talaga.

"Ang major requirement niyo sa akin ay by group. Kailangan niyong kumanta by group. May mga intruments kayo na gagamitin. Basta kayo na ang bahala." Sabi ng teacher namin.

Basic shit.

Di ako magaling kumanta pero marami akong alam na instruments.

Keyboard, guitar, drums pero specialty ko ang ukulele.

"Nakakaexcite!!" Sabi ni Lexi. "Tagal ko na ring hindi kumakanta."

"Kantahan mo kasi ako." Sabi ko.

"Ayoko. Iisipin mo nanaman crush na crush kita." Sabi niya at natawa ako.

Pakipot pa pero deep inside crush na crush ako.

"Oo na. HAHAHA." Sabi ko.

"Magbilang kayo ng 1 to 5 groups." Sabi ni maam.

Nagbilang na lahat at pang 5 ako.

Pang 1 naman si Lexi.

Hahahahaha mauuna siguro sila magperform.

"Lahat ng 1 tumayo."

Tumayo na si Lexi at isang lalaki lang ang kagrupo nila.

Bat si Lance pa.

Sows. Sira na araw ko.

"Lahat ng 5 tumayo na." Sabi ni maam.

Tumayo na ako at nagulat ako dahil puro lalaki ang kagrupo

Tawang tawa ako dahil lahat ng makukulit kagrupo ko.

"Oh Gabe, ikaw na bahala jan." Sabi ni maam. "Mag usap usap muna kayong lahat."

Pumunta na kami sa mga grupo at nag usap usap.

As usual puro tawanan lan nagawa namin.

Nakalimutan ko rin na badtrip ako dahil kagrupo ni Lexi si Lance.

"Humble nalan kantahin natin." Sabi ng isa kong kaklase.

"Wag, theme song nalang ng magpakailanman." Sabi ng isa at nagtawanan kami.

"Baby shark nalang." Sabi ko at nagtawanan kaming lahat.

"Group 5! Babawasan ko ang score niyo kapag maingay kayo." Sabi ni maam.

Nagpigil lang ako ng tawa at nakita kong natatawa rin iba naming mga kaklase.

Di ko muna tinitignan si Lexi kasi syempre ayokong makita sila ni Lance na magkalapit.

Nakikita ko pa nga lang si Lance gusto ko ng isalvage eh.

"Seryoso na. Ano talaga?" Tanong ni Ian.

"Panalangin nalang." Sabi ko.

"Anung ipapanalangin ntin? Na wag tayo bumagsak?" Sabi nila.

"Hindi. Panalangin by Apo Hiking Society." Sabi ko.

"Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka makasama ka yan ang panalangin ko~" kinanta ko sakanila. Slow kasi tong mga to eh.

"Oo nga nuh!" Sabi nila.

"Tapos kami ni Rommel ang mag gigitara." Sabi ko.

"Sige! Practice tayo mamaya! Sa isang araw na to eh." Sabi nila.

"Sige sige." Sang-ayon ko.

---------

Uwian na!!!!!!!

Kanina pa kami hindi nagpapansinan ni Lexi, di ko lang muna feel na kausapin siya.

Kanina kasi ang saya saya niyang nakikipagtawanan kay Lance.

Nginitian ko tapos tumango lang.

Alam ba ni Lance na nililigawan ko si Lexi?

He better back off.

"Sasabay ka ba?" Tanong ni Lexi.

"Hindi." Sabi ko. "Magpapraktis kami."

"Ahhhhh." Sabi niya.

"Sige una na ko." Sabi ko.

Nginitian niya lang ako.

Ugggghhhh bat ganun. Yung ngiti niya parang hinahatak ako pabalik para yakapin siya.

"Tara na." Sabi ko sa mga kagrupo ko.

Sana sa practice na to, makalimutan kong malungkot ako.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon