IV Pang aakit

190 5 0
                                    

"Maam, medyo masukal na po ang parte na yan paunahin na po natin ang brusher para masiguro natin na walang ahas jan." Tumango lang siya pero ang totoo hinahanda na niya ang sarili kung cobra ang makakaharap niya dahil huhulihin talaga niya yun!

"Sige lang John, gora lang." Nagma mapa sila sa isang gubat para mag hanap ng possible water source at siya lang ang babae sa grupong iyon.

Bahagyang nagkagulo ang nasa harapan.

"Atras! Kumuha kayo ng pamatay nitong ahas dali!" Sigaw ni John, isa sa mga brusher. Pagsilip niya ay isa yung cobra, nagningning naman ang mata niya.

"Gael! Akin na yung itak at iluluto ko iyang ahas!" Gulat man ang kaharap niya ay binigay parin sa kanya ang itak. Pinutol naman niya ang usang sanga doon at ginamit yun para mahuli ang ahas. Naka gloves din siya at boots kaya kagatin man siya ay hindi siya masasaktan.

She expertly contained the snake and put a tape on its mouth. At isinilid yun sa isang container na kanina pa niya bitbit. Pagkatalikod niya ay nakamaang na mukha ng kanyang mga kasamang lalaki ang tumambad sa kanya. Nginisihan lang niya ang mga iyon at masayang nagpatuloy sa ginagawang pag selyo.

Hindi naman talaga siya marunong, pero nagpaturo talaga siya sa mga taga tribu na manghuli no'n at kung paano ihandle. Bahala na basta ba magkaanak na siya kay Joshua ay gagawin niya ang lahatahat ng paraan para mapasakanya ang katawan ng asawa niya!

"Seryoso po talaga kayo maam na iihawin niyo yan para sa asawa niyo?" Tanong sa kanya ni John.

"Oo, pero hindi ako ang magiihaw at magluluto nito, si Ka Andong na, tutulong lang ako." Si ka Andong ang sultan ng tribu sa lugar at naging kaibigan na niya, ito rin ang nag sabi sa kanya noong nakaraan na epektibo ang cobra, na dinadalangin niya na sana nga ay umipekto kay Joshua.

"Eh... andito na po tayo sa site maam, magsi set up na po ba?"

"Sige, para makatapos tayo ng maaga at makauwi, weekend pa naman bukas." Napakamot lang ng mga bunbunan ang mga kasama niya, iniisip siguro nila na isa siyang alien dahil hindi siya natakot, cobra pa naman yun.






























Its already late when Juno Arrived at their house, inakala pa niyang tulog na si Joshua dahil madilim ang kabahayan pero nagkamali siya dahil nasaksihan niya ang ginagawa ni Joshua sa kusina. She was amazed in what he is doing, he is decorating a cake and it looks elegant and delicious! She can't help but stare at him, hindi man lang nito namalayan na nakarating na siya sa lakas ba naman ng tugtog ng cellphone nito? Malabo talaga. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano kagandang lalaki ni Joshua. Kahit siguro sinong matinong babae ay maglalaway sa hombre na nasa kanyang harapan.

"Mister," napaangat ito ng tingin sa kanya at muntik na siyang mapamura, he looks tempting with that stawberry in his mouth! Parang iniimbitahan siyang makipag frenchie!

Oh Gods! Bakit ba ako ang naaakit sa lalaking ito?! It should be the other way around!

"Juno, nakauwi ka na pala? Sorry hindi ko kasi narinig dahil sa music ko." Napansin niya naman na maka little mix ang lalaki, kung maka black magic kasi wagas.

"Nah, its okay, may dinala nga pala akong adobo rito, kumain ka na ba?"

"Uhm.. yeah, kumain na ako, how about you?" Ay sayang naman.. di bale i ri-ref nalang nya yun at bukas nalang.

"Tapos na rin, you decorate cakes pala?" Tanong niya pero ang atensyon niya ay nasa labi ni Joshua, hindi niya maintindihan ang nararamdaman masyadong malakas ang pintig ng puso niya.

"Y..yeah.. you wanna try? I baked this by the way." Para raw sa kanya, she did not expect him to bake something just for her.

"Sure, baka naman para sa cafe mo ito ha?" Tanong niya pero nakaready na ang tinidor na nasa kanyang kamay. Basta sweets ay hindi niya sasantuhin yan.

Waking Up Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon