"Joshua?" Kanina pa niya tinatawag ang kanyang asawa. Hindi kasi niya ito makita kahit saang sulok ng floor ng bahay na yun. "Kuu! Kapag hindi pa kita nakitang lalaki ka bubunutan kita ng buhok sa ilong!"
Isang lugar nalang ang hindi niya napupuntahan, ang banyo nila sa baba. Kaya pumunta siya doon.
"Mister? Anjan ka ba?" Kinatok niya muna, baka kasi jumijebs pa.
"Misis? May loperamide ka ba riyan?" She heard him groan.
"Meron naman, may diarrhea ka?" Obvious naman yata yun, pero tinanong pa rin niya.
"Yeah.. pa prepare ako please Misis, mamamatay na yata ako." Over naman yata itong si Joshua? Pero sinunod parin niya ang asawa, mukha kasing hirap na hirap na.
Paglabas ng asawa niya sa banyo ay kitang kita niya ang pagkaputla nito at nanghihina na.
"Joshua, huy!" Hindi pa kasi ito nakakainom ng gamot ay nahimatay na. Bigla tuloy siyang nagpanic at basta bastang binuhat ang asawa at isinugod sa ospital. Syempre, siya ang nag drive.
Dehydrated na raw si Joshua sabi nung Doctor kanina, kaya heto ang asawa niya ngayon nakaratay, mukhang nasobrahan yata siya sa pagpapakain ng saging sa lalaki kaya heto ang nangyari. Na guilty tuloy siya, sayang, marami pa namang saging ang natira doon, siya na nga lang ang uubos.
"Misis..." napa angat ang tingin niya sa asawa niya nang sa wakas ay nagising na ito. Agad naman niyang dinaluhan ang lalaki, bakas parin sa mukha nito ang panghihina.
"Joshua! Ayos ka na ba? Ano bang nakain mo? Wag mo sabihing dahil sa saging?" Nginitian lang siya ng asawa niya at pumikit ulit. Nginatngat naman siya uli ng konsensya niya.
"Juno?" Paglingon niya sa pinto ay ang Mama pala niya ang nandoon. Binibisita sila ni Joshua.
"Ma kayo pala!" Sinalubong niya ang Mama niya at Papa niya ng halik sa pisngi.
"O, anong nangyari kay Joshua?" Takang tanong ng ama niya.
"Eh.. nagka diarrhea po tapos dehydrated na kaya nawalan ng malay kaya nagpaka avengers ako at binuhat siya para masugod rito." Paliwanag niya. Buti nalang talaga nakatulog uli si Joshua pruweba no'n ang munting hilik na naririnig niya.
"Naku, ano na namang pinagpapakain mo sa asawa mo Juno? Balita ko pinakain mo yan ng karne ng ahas. Naku ikawng bata ka, ikaw ang magiging dahilan ng sakit niyan pag nagkataon!" Sermon sa kanya ng Mama niya.
"Grabe ka ma! Dapat nga maging constipated siya dahil marami akong saging na ipinapakain sa kanya. Kaya imposible naman sigurong saging ang dahilan niyan ano." Depensa niya. Ewan niya rin kung bakit sumakit ang tiyan ni Joshua.
"Magandang araw po! Dito po ba ang room ni Joshua Quejada?" Napabaling silang lahat sa may pinto nang may sumilip na gwapong lalaki at babae na magkamukha at isa pang mas bata na gwapo rin.
"Uh, yes."
"Sabi ko naman sa iyo kuya Angelo ito yun eh." Sino ba ang mga ito?
"Oh! Sorry! Kami po pala ang mga kapatid ni Joshua, hindi niyo pa kami nakikilala, I'm Aya, this is my twin Angelo, and our bunso Zion." Nagningning naman yata ang mata niya, aba! Marami pala talaga ang kapatid ni Joshua! Si Dave palang kasi ang nakikita niya at paminsan minsan pa.
"Oh! Nice meeting you! Pasok muna kayo." Imita niya, buti nalang talaga malaki itong suite room na nakuha nila at kasya sila lahat.
"Nak, bibili muna kami ng Mama mo ng foods." Paalam sa kanya ng ama niya.
"Sasabay na po ako sa inyo. Sinilip ko lang talaga si Kuya, may duty pa kasi ako. I'm a nurse here po kasi." Sabi nung Angelo. Pumayag naman ang parents niya, kaya naiwan siya, si Aya at Zion sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Waking Up Sleeping Beauty (Completed)
General FictionJuno is to be wed with someone she barely know, at ipaglalaban nya talaga ang kanyang kalayaan dumanak man ang dugo, but when she saw who will be her groom parang naglaho lahat ng nauna nyang plano! Deym he is Gorgeous! Deym he is Handsome! Deym th...