Naiiling na tumatawa si Juno sa kanyang sarili. Naalala kasi niya lagi ang pambabaliktad ni Joshua sa kanya. Imbis na siya ang maakit, eh siya pa ngayon ang inaakit.
"Hi Juno!"
"Oh, who are you?" Natural na talaga na mataray siya, lalo na kapag kasing presko ng lalaking nasa kanyang harapan ngayon ang kaingkwentro niya.
"I'm hurt! Hindi mo na ako maalala?" Tinaasan niya ng kilay ang lalaki.
"Sa pagkakaalam ko hindi ka naman significant sa buhay ko. Mas lalong hindi ka isang VIP." She swear she does not know the guy! Tumatatak kasi sa kanya lalo na kapag gwapo, oo nga at gwapo ang nasa harap niya, but nah! She only have her eyes for her hot husband!
"Aray.. Elizalde.. hanggang ngayon ang sakit mo pa ring magsalita." May pahawak hawak pa iyo sa dibdib animo'y nasasaktan talaga.
"Excuse me? Paano mo nalaman ang apelyido ko?" Matapang niyang tanong, pilit kinakalkal sa isip kung sino ba ang lalaking nangungulit.
"Aray ko talaga! Tama nga ang pinsan mo, hay. Hindi mo na ba talaga ako maalala? Its me. Rexter."
"Rexter? As in ikaw na si Trex? Aba, anyare sa iyo? Nahmukha ka yatang tao?" Isang tumataginting na tawa ang pinakawalan ni Rexter.
"Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa iyo o ano Juno. Ani bang itsura ko noon ha?"
"Mukha kang dinosaur." Eh sa totoo naman kasi!
"Waw! Grabe! Ikaw na! Siya nga pala Juno, congratulations para sa iyo."
"Huh?"
"Dalaga ka na!" Nangunot ang kilay niya at binato ng nilamukos na tissue niya ang dati niyang kaklase na napakabully.
"Lumayas ka nga sa harap ko Rexter at baka paluin kita ngayon ng lamesa."
"Pero di nga Juno, how do you find your husband? Mas gwapo ba ako?" Ano raw? Di hamak na mas chopopo si Joshua ano?
"What? Mahiya naman ang matangos na ilong ni Joshua sa hindi katangusan na ilong mo Rexter!" Bumunghalit naman ng tawa si Rex sa sinabi niya. Kupal!
"Ipakilala mo naman ako some time." Nagdududa siya sa ngisi ni Rex, para kasing hindi maganda ang pakiramdam niya.
"At baket? Wag mo sabihing gusto mo akong agawin sa kanya Rexter! Dahil hinding hindi mangyayari yun!" Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan!
"What are you saying Juno? Hindi kita aagawin sa iyo ano?" Ngumisi pa ng nakakakilabot si Rex sa kanya. "Siya ang aagawin ko sa iyo! Bet ko ang husband mo gurl! Hot fafa! Ayy! Ciao! And oh Juno its not Rex anymore... its Lexa!" Bago pa siya nakapagreact ay tumalilis na palayo si Rex. Na shookt siya sa revelation na yun! Ang siga at bully na si Rex! Sumapi na pala si Federasyon! How?! How how de carabao?!
Nasapo nalang niya ang kanyang noo, no! Like capital N.O.! Hinding hindi siya papayag na maagaw sa kanya ang kanyang asawa! At kalaban pa niya ay isang baklang maton? Mas may laban naman siya a! Isampal kaya niya ang boobs niya sa mukha ni Rex nang matauhan!
Naiinis na tumayo si Juno mula sa pagkakaupo sa bench ng park, hindi niya talaga maatim na maagaw sa kanya ang pinakamamahal niya- now where did that come from? Nababaliw na ata ako.
"Sa itsura mong yan Juno, para ka nang papatay ng tao." Nasa may di kalayuan lang ang cafe ni Joshua, binabantayan kasi niya ang baklitang si Rexter na ngayon ay Lexa na. Bwisit lang? Paminta pala ang loko!
"Ssh! Quiet Criselda! Nagmamatyag ako." Naka disguise pa siya kunwari dahil baka makita siya ni Rex.
"Alam mo kanina kapa Criselda ng Criselda ha? Pag ako nainis sa iyo bubunutin ko lahat ng pubic hairs mo!" Bumaling siya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Waking Up Sleeping Beauty (Completed)
General FictionJuno is to be wed with someone she barely know, at ipaglalaban nya talaga ang kanyang kalayaan dumanak man ang dugo, but when she saw who will be her groom parang naglaho lahat ng nauna nyang plano! Deym he is Gorgeous! Deym he is Handsome! Deym th...