Napaigtad si Juno nang may bumagsak na kung ano sa kanyang harapan, nang maibalik na siya sa wisyo ay isang nakakalokong mukha ni Rea ang tumambad sa kanya.
"Kanina pa kami nagsa salita rito nakatulala ka lang, anyare sayo?"
"Oo nga, nagkabalikan lang kayo eh nagkaganyan ka na." Komento naman ni Chrome na nakaismid.
Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya, nakakahiya naman din kasi ang ginawa niya, nagtitili siya at nag kulong sa kabilang kwarto, ni hindi nga niya kayang harapin ang asawa niya, wala naman ginawang hindi kaaya-aya si Joshua sa katunayan nga ay napakagandang tanawin pa ang handog nito dagdag pa ang malaman nitong handa.
"Guys, eto na yung hakdog nyo, nag order narin ako ng egg pudding." Inilapag ni Ace ang mga in-order, she looked at her flatly. "O anong problema mo?"
"Wala naman." Nag iwas siya ng tingin at kinuha ang mga pagkain na para sa kanya.
"Baliw to." Kunot noong sagot nito, halatang naguguluhan.
"Kumusta naman si Joshua Jun? Nakakaalala na?" Chrome asked all of a sudden while biting on the hotdog. She closed her eyes tightly. Leche din talaga tong mga kaibigan niya, hotdog pa talaga.
"Wala pang progress, and na i-istress nako sa pinaggagagawa niya."
"Halata nga na haggardo verzosa ka na Juno, ano ba kasing nangyari?" Nagdalawang isip muna siya bago tuluyang sabihin ang nangyari, at first they were listening intently, pero kalaunan humagalpak ng tawa ang mga hinayupak.
"Why can't you just give it to him then? Nagmumukhang desperado yung asawa mo bes." It was Ace's serious comment.
"Eh? Dapat kasi ako yung nag se-seduce sa kanya, not the other way around."
"Baliw ka talaga! Minsan bes mas mabuting bumigay ka naman, Mas marupok ka kaya! There is nothing wrong in giving in the temptation of your husband." Should she?
She went home with a lot of grocery, nag panic buying na kasi siya, sa isiping maghaharap sila ng asawa niya ngayon, napagtanto kasi niyang mali ang inasal niya, mag asawa sila, ano kayang naramdaman ni Joshua nang pinagsarhan niya ito ng pinto? Baka isipin nitong hindi niya ito mahal. Dahil sa isipin na yo'n kaya siya nanlulumo.
Ang tanga tanga mo talaga Juno!
"You're back!" As soon as she stepped in the house the big guy greeted her with a tight hug. "I thought you are gonna leave me! I'm sorry!"
"What- No You don't have -"
"Sorry love! I know I scared you! I'm sorry! I should've been more gentle." Juno smiled, awww, how sweet can this guy get? Dapat nga siya ang mag sorry sa inasal niya.
"Mister, Hindi ako makahinga." Linuwangan lang nito ang yakap, pero hindi siya pinakawalan.
"S-sorry." He was flustered. she was so comfortable with her husband's embrace.
"No, ako dapat ang mag sorry, mali yung inasal ko, hindi kita dapat iniwan, after all I am your wife" she caressed his cheeks. Hoo, ke gwapo talaga! Isang sabroso el hombre! Her heart leaped out of its ribcage when Joshua looked at her lovingly and smiled.
They were cuddling on the sofa when Juno broke their sweet silence.
"Why don't we have a date?" Joshua saw the happy glint in Juno's eyes so he smiled but there is something bothering him.
"Hindi pa tayo nag di-date since ikinasal tayo?" tumango lang si Juno her lips pressed thinly. So he was right, kaya marapat lang na mag date silang dalawa. "So where do you prefer?" Dagling napaisip ito saka ngumisi.
BINABASA MO ANG
Waking Up Sleeping Beauty (Completed)
Ficción GeneralJuno is to be wed with someone she barely know, at ipaglalaban nya talaga ang kanyang kalayaan dumanak man ang dugo, but when she saw who will be her groom parang naglaho lahat ng nauna nyang plano! Deym he is Gorgeous! Deym he is Handsome! Deym th...