Marco Sebastian's POV
"Lintek na babae yun, kakagaling lang ng ulo ko galing sa migraine napuruhan na naman. Mango bravo lang magkakaganon siya? Aba, bilhan ko pa siya ng ilan non sa conti's makita niya. Sakit tuloy ng ulo ko." Pagrereklamo ko, pano ba naman spikan daw ako ng bola sa ulo. Akala mo naman kung sinong maganda. Oo, aaminin ko maganda naman siya pero di niya kailangan mang-ganon ng tao para lang pansinin siya. Reyna-reynahan. Tss, mga babae naman talaga.
"Pagpasensyahan mo na pre, simula kase nung nawala yung mga mahahalagang tao sa buhay niyan ni Athena nagkaganyan na yan. Sunod-sunod kase siyang iniwan ng mga tao sa paligid niya, simula noon tinalikuran na rin yung mundo. Swerte mo na lang pag nakausap mo siya ng hindi puro tango at kibit-balikat ang natatanggap mo sa kanya. Ewan ko nga eh, pero yung mga kateam mates niya lang sa volleyball ang kinakausap niya. Kung di mo kase natatanong ang daming ginagawa niyang babaeng yan, minsan nga makakalimutan mong babae yan pag naglalaro na. Undefeated yan sa darts,sa running, sa chess, sa swimming haslos lahat ng sports kaya niyang gawin. Kakaiba talaga, Ang galing. Tas ang ganda ganda pa niya, kaya madaming nagkakagusto." pagkukwento ni Kurt. Masasabe ko namang masakit talaga ang iwanan, kase naranasan ko rin yun pero hindi lang naman dahil sa pag-iwan sa kanya ng mga lalaki kailangan niyang magkaganyan. Grabe din tong babaeng to, ang daming pinagdadaanan. Sporty rin kase ako, undefeated din ako sa dati kong school.
Ay nga pala, Ako si Marco. Marco Sebastian David Jung. 18. Muka daw akong badboy dahil sa peklat ko sa may kilay. May dalawa akong kapatid. Si Samantha at Miko. Galing ako sa Stanford high, ewan ko ang boring kase ng environment ko dun. Pare-parehong tao nakakasalubong ko araw-araw kaya napagdesisyonan ko lumipat dito sa Dream, mukang exciting naman *insert sarcasm* joke.
"Ay nga pala, may dedare ako sa inyo." pag-aaya ni Jyle
"Ano na namang kalokohan yan Jyle?" sagot naman ni Steph
napahalak-halak naman tong si Jyle sa sagot ni Steph, kalokohan daw kasi. "Ganto yan, subukan natin kung hanggang saan ang tapang nang babaeng yan. Paglaruan natin. Pagnahulog na, ayun paiyakin mo tas hiwalayan mo. Oh ano sinong gagawa?" pagpapaliwanag ni Jyle
tama nga si Steph, kalokohan to. *poker face*
mahaba-habang katahimikan yung nangyari sa barkada namin, nagiisip siguro tong mga kumag na to.
"Ano namang premyo niyan?" pagbabasag ni Louis sa katahimikan
"Ilalabas yung bagong modelo nung Zonda bago matapos ang taon, bibilhan daw ako ni Papa nun kaya pag natagumpayan mo yun within a year ibibigay ko na lang yun sayo, tas bibigyan kita ng 50 thousand, siguro naman ayos na yun?"
nanlaki naman yung mata naming magbabarkada sa sinabi ni Jyle napangisi lang siya sa amin, aminado akong mga anak mayayaman lahat ng nagaaral dito sa Dream, di naman sa mahirap kami mayaman din kami kaya nga ako nakapagaral dito eh. Pero challenge din yun, pagkatapos niya akong ipahiya sa mga estudyante dito sa cafeteria. Hiyang-hiya yung gwapo kung muka sa kanya ha, di ko hahayaan yun. It's payback time athena.
Tumayo ako bigla, kinalampag ko ang table na ikinagulat nila sabay sabi ng katagang..
"Ako na ang gagawa, what's a deal is a deal Jyle, aasahan ko yung zonda ko at yung 50 thousand ko. I'll win Athena's heart and I'll show girls how I play payback."
Playboy na kung playboy ang dating pero lintik kang pagibig ka, umiyak at nabaliw na rin ako ng dahil sayo dati at hinding-hindi ko hahayaang umiyak nanaman ako dahil sa babae, sila dapat ang umiiyak sa sakit hindi kaming mga lalaki. Pare-pareho lang naman mga pakay ng babae eh, boboyfriendin ka para may ipagmayabang sa barkada tas pag pinagsawaan ka na, iiwan ka na parang laruan..
----------------------------------
A/N:
Dedicated to kay @DerpyYeollie ang number one fan at nagfaflatter sakin gabi-gabi :") <3 I love you kambal!! Thank you so much!! :*
Sorry kung ang sabaw ng update, yan lang kaya ko :( Siguro naman nakilala niyo na si Marco? HAHAHA. Ieedit ko po ng konti yung previous chapters, aayusin ko lang para malinaw. Aayusin ko din yung mga typo baka mapagalitan. Hahahaha! :)
Read...
Comment..
Share..
-Beyuuuh
BINABASA MO ANG
The Game Called Love
Teen FictionNaranasan niyo na bang maglaro? Eh ang kakaibang laro na tinatawag na pagibig? Pagtatagpuin ni tadhana ang landas ng isang "Athlete Badgirl" na si Athena Anne Perez at ng isang "Playboy Kapre" na si Marco Sebastian Jung.. Magkakasundo ba sila o isan...