Bae Suzy of Miss A as Athena Anne Martinez Perez
Kim Myungsoo of Infinite as Marco Sebastian David Jung
--------------------------------------------------------------------------------
Athena Anne's POV
"Ate!! Bat ang aga mo umuwi? Anong nangyari?!" bungad sakin ni Tiffany nung nakarating ako sa bahay. Tuwing tinitignan ko tong batang to si kuya ang naalala't naalala ko.
"Wala, akyat na ako."
Umakyat na ako sa kwarto at pinagmasdan kung gano ito kadumi, parang hindi babae ang gumagamit neto. Simula nung mga oras na iniwan nila ako nawalan na ako ng oras para sa ibang bagay, sarili ko na lang pinapahalagahan ko.
Di ko alam kung bakit pero sinimulan ko linisin yung kwarto habang nagpapatugtog. Saktuhan namang tmugtog yung Always be my baby nung nililigpit ko yung mga teddy bear at ibang regalo ni kuya. Hanggang ngayon hinid ko pa nabubuksan yung huling regali niya sakin, hindi ko kase kaya. Pero nung inangat ko ito may nahulog na papel na maliit.
"Hello baby, Happy happy birthday sayo. Sorry kung minsan napaka-kulit at napka overprotective ng kuya mo, mahal na mahal na mahal ka kase ng kuya mo baby, hindi ko po hahayaang itrato ka nilang basura kase prinsesa ang trato namin ni Daddy sayo. Baby, pag nawala si kuya alagaan mo ng maigi sarili mo, pero tatandaan mo mawala man ako sa paningin mo nandyan lang ako parati sa tabi mo nagbabantay sayo. Parati kang nasa heart at mind ni kuya.. Baby, wag kang iyakin papanget ka niyan HAHAHAHA. Dapat always naka smile, dapat yung smile katulad ng smile ni kuya abo't tenga dapat. Happy happy birthday Anne! Mahal na mahal na mahal ka ni kuya!! pakiss!!
Love,
kuya mong mas pogi pa kay daddy at mas pogi sa lahat ng lalaki sa mundo.. Kuya seb :)"
Di ko namalayan na umiiyak na naman pala ako dahil sa nabasa ko, namiss ko na si kuya tsaka si Daddy.. bat kase kinuha agad sila. Pinunasan ko yung mga luhang tumulo sa mata ko, di ko nga alm kung saan pa nanggagaling yung mga luhang yan hindi maubos ubos. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng kwarto ko. Isinampay ko yung mga damit na hindi nagamit, yung mga sapatos na nakakalat ibinalik ko sa lalagyanan, yung mga picture frame na nasa sahig ibinalik ko sa dating pwesto ng kumatok si Mommy..
"Anak, may naghahanap sayo."
"Sino daw?"
"Marc ba yun? o marcus? uhmm, ayun Marco! Kilala mo? Kaibigan mo?"
Tinignan ko si mommy bigla nung narinig ko pangalan ni Daddy.. Marco? Si Daddy? Napatakbo ako pababa at iniwan sa kwarto si mommy pero pagbaba ko..
Nakita ko ang kahuli-hulihang lalaking gusto ko makita.. Nagtagpo na naman ang landas namin nung lalaking nagtapon ng cake sa muko ko.. Nakakunot noo ako nung humarap siya, napangiti siya sabay sabi ng..
"Hello Athena Anne Martinez Perez and soon to be jung, I'm Marco Sebastian David Jung..Can I court you?"
ANO DAW?!?!
--------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Game Called Love
Teen FictionNaranasan niyo na bang maglaro? Eh ang kakaibang laro na tinatawag na pagibig? Pagtatagpuin ni tadhana ang landas ng isang "Athlete Badgirl" na si Athena Anne Perez at ng isang "Playboy Kapre" na si Marco Sebastian Jung.. Magkakasundo ba sila o isan...