Chapter 18: His past and his reasons.

30 0 0
                                    

TGCL ( CHAPTER 18 : HIS PAST AND HIS REASONS )

Marco Sebastian Jung.

Di ko alam kung bakit pero parang may mali? Parang yung pakiramdam nung kami pa ni Ex, si Althea. Parang may hindi tama.

*FLASHBACK*

Anniversary namin ngayon ni Althea, Althea Manansala. First love,First kiss, First hug, First girlfriend. Mahal na mahal ko to.

"Babyyy." Bati niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Hi baby, kamusta?" Sabi ko.

"Ayos lang baby, grabe nakakastress." Aniya pero ngiting ngiti padin.

Eto yung isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Yung ngiti niya, kase tuwing ngingiti siya siya nage-eyesmile tas lumalabas pa yung dimples niya.

"Baby, papisil nang cheeks." Suhestiyon ko sabay pisil nang pisngi niya pero nagpupumiglas siya sa hawak ko at lumayo.

"Ano ba! Masakit kaya!"

Laking gulat ko sa inasta niya, di naman siya ganto. Parang may mali.

Naglakad na lang ako nang hindi siya hinihintay pero naramdaman kong ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko kaya napahinto ako.

"Sorry na baby, nagulat lang ako." Wika niya.

"Sorry din baby, nagulat lang din ako sa inasta mo, tsaka di naman kita matitiis eh." Lumiwanag ang muka niya at napangiti nang abot tenga.

Naglakad lakad at nagkwentuhan pa kami nang nagpaalam na siya, uuwi na daw siya. Inalok ko siyang ihahatid na siya pero sabi niya hindi na daw, susunduin daw siya nang driver nila kaya hinayaan ko na.

Hinatid ko siya sa may gate nang school nila at nagpaalam na din, pagkasakay ko nang kotse may dumating namang violet na chevrolet.

Nung nakasakay na siya nagdrive na rin ako pauwi, may tiwala naman kase ako sa kanya.

Mga 10:30 nang magtext siya sakin, sa sobrang excitement nireplyan ko siya kagad.

"Hi babe." Text niya.

"Baby." Reply ko.

"Ay sorry baby, wrong send." Aniya.

"Okay lang baby, kamusta?"

After 10 minutes di parin siya nagrereply kaya tinawagan ko na siya.

"Baby." Tawag ko.

"Omg baby, sorry. Kumain kase ako nang donut nakaligtaan ko yung phone ko."

Napasimangot naman ako, hay.

"Babe? Still there?"

"Oo, natumba lang yung gitara ko tinayo ko lang." Pagdadahilan ko.

"I love you babe, good night." Ani Althea.

"I love you more baby, good night."

Tuluyan ko nang pinatay yung phone ko pero bago ko ito naibaba narinig ko siyang nagsalita.

"I love you, Jin."

Kinabukasan, pinagtitinginan ako nang mga tao. Pumasok ako sa cr para tignan kung may dumi ako sa mukha o may problema ba sa soot ko pero wala naman, baka trip lang?

Naglakad ako papunta sa canteen nang makita ko si Althea... na may kahawak kamay na lalaki.

Agad nagdilim yung paningin ko kaya sinapak ko kagad  yung mukha nung lalaking kasama niya.

"OMG BABY!" sigaw niya.

"Langya! Wag mo ko matawag-tawag na baby! Siya ba yung jin? Siya ba ha? Siya ba??"

Tumungo lang siya at unti-unting tumango.

Simabunutan ko yung ulo ko at naluha-luha na. "Anong pagkukulang ko? Ano?! Binigay ko lahat diba?! Pano mo nagawa to?! Kahapon pa lang pinagdududahan na kita sa inaasta mo! Sabi ko parang may mali, meron pala talaga! Kailan panto ha? Kailan pa!?"

"1 month ago." Aniya habang nakatingin sa sapatos niya.

"Tignan mo ko!! Bakit? Bakit kailangan mo gawin to?" Ani ko at itinaas ang baba niya,

"Sawa na ako sayo."

Tuluyan nang tumulo yung luha ko. "Ganon na lang yun? Ano ako iphone 5s tas siya yung iphone 6? May bagong unit na kaya papalitan na kase sawa na? Galing mo!"

"Teka baby!" Sigaw niya at hinawakan yung braso ko.

Agad kong nilayo yung kamay ko sa kanya. "Wag mo ko hawakan! Nandidiri ako sayo, sinusuka na kita! Ikaw tsala yang ugali mo!" Ani ko at umalis.

**************

Simula noong araw na yun ako na yung nagloko at nangloloko. Sabi ko di na ako magmamahal, makikipaglaro na lang ako nang makikipaglaro.

Kaya nung nagyakag si Jylennang laro, pumayag ako. I wanted revenge, gusto ko ipaalam sa mga babae na di na nila ako masasaktan ulit, na lahat sila maakit ko. But now, I felt on my own trap. Ako yung naiinlove, I wish she feels the same.

I'm inlove with you, Athena Anne Perez.

***************

The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon