TGCL ( CHAPTER 17 : PURE LIES )
3rd person's POV
Kinabukasan ay lahat kami ay maagang nagising, nag-agahan lahat nang sabay sabay bukod sa isa. Si Athena, di niya ginagalaw yung pagkain sa harapan niya gagalawin niya man ay tutusukin niya lanh ito at bibitawan agad ang tinidor.
Maga rin ang mga mata niya, parang puyat na parang umiyak.
Sa tingin ko ay di lang ako yung nakapapansin non, kase halos lahat kami ay nakatingin sa kanya.
"Ano?!" taas kilay niyang tanong nang mapansin niya na lahat nang atensyon ay nasa kanya.
Para siyang bumalik sa dating Athena na nakilala namin, yung galit sa mundo.
Binagsak niya lang ang kutsara't tinidor niya at padabog na tumayo.
Minatahan namin si Marco na mukang gulat din sa inasta ni Athena pero nang dinapuan ko nang tingin si Miko ay chill lang siya, parang wala siyang pakeelam sa nangyayare.
"Excuse me." ani ni Marco at sinundan si Athena palabas, nagaway kaya sila?
Athena's POV
Binagsak ko ang kutsara't tinidor ko dahil sa inis, bakit kailangan nila ibaling sakin ang atensyon? Mga walang magawa sa buhay.
Umupo ako sa pampang at nagflashback sakin lahat nang masasamang ala-ala.
Simula sa pagkalunod nila Kuya sa beach, Sa pagkapatay kay Papa at pagkaiwan sakin nang magaling kong ex.
At eto na naman ngayon, paglalaruan ako nang taong binigyan ko nang chance mahalin.
May naramdaman ako na pamilyar na prisensya sa likod ko kaya napalingon ako.
Tama nga ako nang hula, yung manloloko nandito.
"Anong meron?" aniya.
"Anong anong meron?"
"Anong meron sayo? Bat ganyan ka makaasta? Bat ganyan ang istura mo? Bat para kang umiyak na puyat? Bat iba ang aura mo?" pagtataka niya, simple lang sagot dyan. Manloloko ka kase.
"Di lang ako makatulog.." pagsisimula ko. "Kakaisip sayo." nakita kong namula ang mga tenga niya tanda nang kilig.
"Ewan ko sayo." pag-iiwas niya nang tingin, sus. kinikilig ka lang, di mo alam niloloko lang kita.
Maya-maya ay may lumapit sa aming kabatch namin at simabing magsisimula na daw yung outdoor activities kaya napatayo ako kaagad kase sure ako mauuna ang volleyball dyan.
Nasa labas na ang lahat nang batch nang inannounce na volleyball nga daw muna ang unang lalaruin.
"Okay, 2 groups. Girls muna, choose your groupmates."
agad na nagsilapit sakin yung mga kaklase ko at kalaban naman namin yung kabilang section.
Dito ako maglalabas nang sama nang loob ko sayo Marco, pagkatapos neto maglalaro ulit tayo.
3rd person's POV
Natapos ang laro na nanalo sila Athena, grabe ang energy na pinakita niya kahit di siya nagagahan.
Nagkadapa-dapa na ang kalaban kakahabol nang mga tira niya at yung iba ay tumatalsik sa pagrerecieve sa mga spike niya.
Ibang klase, parang may pinag-huhugutan nang lakas, Parang may galit.
_____________
Next update, di ko alam. Kung kailan sisipagin, nagkaka writer's block ako dito. Sobrang stress. Hahaha.
BINABASA MO ANG
The Game Called Love
Teen FictionNaranasan niyo na bang maglaro? Eh ang kakaibang laro na tinatawag na pagibig? Pagtatagpuin ni tadhana ang landas ng isang "Athlete Badgirl" na si Athena Anne Perez at ng isang "Playboy Kapre" na si Marco Sebastian Jung.. Magkakasundo ba sila o isan...