Chapter 6: Daydreaming

96 3 2
                                    

Bae Suzy as Athena Anne Martinez Perez

Kim Myungsoo as Marco Sebastian David Jung

-----------------------------------------------

Marco Sebastian's POV

Tumakbo ako pabalik sa kotse pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay nila, feeling ko ang pula pula ko. Grabe! Nakakabakla tong pakiramdam na to! Halos bumalikwas yung tiyan ko nung lumapat yung labi ko sa pisngi niya, gutom lang to. Oo, gutom lang to. Di kase ako nakakain kanina kase diba tinapon ko yung cake ko, oo tama gustom lang to.

Pinaharurot ko yung kotse para makauwi agad, kakain ako ng maramo. Gutom lang to!

"Manang!! Pahanda ako ng pagkain, pakibilisan. Salamat." sabi ko bago umakyat ng kwarto. Grabe naman, bat ang lakas ng epekto niya sakin. Ginulo ko na lang yung buhok ko out of frustration.

" *knocks* Sir, nakahanda na po yung pagkain ninyo."

"Sige susunod na ako, salamat."

Napatayo na lang ako sa kama at nagjogg pababa, hanggang ngayon ayaw tumigil ng tiyan at dibdib ko. Pinuno ko yung plato ko ng pagkain na ikinagulat naman nila.

"Son, omyghod. What do you think are you doing? Nasan ang table manners mo?" Pasigaw na sabi sakin ni Mommy, napabalikwas naman ako sa upuan ko sa sobrang gulat.

"Sorry po." pabulong na sagot ko at napayuko na lang.

"Hay bata ka, di ko na alam gagawin sayo." sagot niya pabalik at tumalid para umalis, magsusumbong na yan kay Daddy. May GMRC na naman mamaya -.- Great Machine Ratatat Combo, okcorny *poker face*

Nung isusubo ko na yung nilagay ko sa plato ko, ayaw naman tanggapin ng tiyan ko, di naman pala ako gutom. Ughh, ayoko na. Itutulog ko na lang to,

Iniwan ko yung pinagkainan ko at umakyat sa kwarto ko para gawin yung rituals ko, pagkatapos nahiga na ako sa kama.

Tuwing ipipikit ko yung mata ko nakikita ko yung muka niyang galit na galit, tas paulit-ulit na nageecho yung boses niya sa tenga ko.

Ano ba namang pakiramdam to! Muka na akong bakla sa pinagsasabi ko.

Pinilit kong ipikit yung mata ko para matulog pero maguumaga na gising parin ako.

Napaupo na lang ako at sinabunutan yung sarili ko.

"Athena!! Ano ba tong ginagawa mo sakin!!!" Sigaw ko.

Goodluck sakin bukas, mukang may zombie na susundo bukas sa prinsesa niya.

Speaking of susundo napatingin ako sa orasan. 5:30 na? Langya! 7 pasok namin. Maliligo pa ako tas susundo pa ako! Anobayan!

6:00 na nung matapos ako maligo, wala na akong balak kumain baka di ko na maabutan si Athena sa bahay nila.

Nakarating ako sa bahay nila 6:20 na, nagdoorbell naman ako kaagad, sakto namang palabas si Athena yung suot yung uniform namin. Grabe, simple pero rak. Di kailangan ng effort para pumorma!

"ANO NA NAMANG KAILANGAN MO?" Pagkatingin na pagkatingin niya sakin namula kaagad ang muka niya, akala ko kinilig nagagalit pala. Hahahaha, asumming masyado Marco.

"Diba babe sabi ko sayo I'll pick you up today?" Pacute na sagot ko sa kanya.

Napataas naman siya ng kilay sa sinabi ko.

"Tantanan mo nga yang kalokohan mo na yan, may mga kotse kami! Di ko kailangan ng driver! Marunong ako sa sarili ko. Tsaka isa pa, di ako pumapatol sa mukang zombie kaya layas!"

Di mo kase alam kaya ako puyat kaka-isip sayo..

"Excuse me babe, coding lahat ng kotse niyo ngayon. You have no choice kundi sumabay na lang sakin kung ayaw mo malate."

Napatingin naman siya sa mga plaka ng kotse niya at napabusangot ang muka. Yes!! Effective ang palusot ko.

"Tss, ano ba namang buhay to. Kung minamalas nga naman. Sige na, dalian mo na at malelate na ako sa first class ko."

Sa hinaba-haba ng pag-sisigaw niya sakin, Sakin din pala ang bagsak, pakipot pa kase eh. Ha ha ha.

Binuksan na niya yung gate nila para makalabas na siya. Tanaw na tanaw ko naman yung Mommy at kapatid niya na nakasilip sa may bintana nila, napa thumbs up naman sila sakin, mag nanay talaga. Kinindatan ko lang sila sabay kaway at pumasok na sa kotse.

Nasa passenger seat ko si Athena, busangot parin yung muka niya. Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sakin. Parang hindi siya nakahinga nung inilapit ko yung mukha ko sa kanya.

"Safety first." sabi ko at kinuha ang seatbelt niya. Nai-labas niya na ang hangin na nastock sa bibig niya kaya napailing sabay ngisi ako.

*Dream University* /6:30am/

Pagkatapak na pagkatapak namin sa entrance ng school napunta lahat samin ang atensyon. Nagsimula na ang mga bulungan sa paligid namin. Tinignan ko si Athena, kitang kita sa mukha niya na nagtataka rin siya sa nangyayari. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya idinako niya rin yung mga mata niya at nagtama ang mga mata namin.

Ang ganda ganda ng mata niya, brown na brown. Ang hahaba ng pilik mata niya. Ang tangos ng ilong niya. May fluppy siyang cheeks. Ang kinis ng muka niya, walang bakas ng pimples. Mapupula yung mga labi niya. Am I checking her out?! Hell no!

Bumalik ako sa realidad nung naramdaman kong may sumuntok sa may batok ko.

Tawa ng tawa yung mga estudyante, agad hinanap ng mga mata ko si Athena kanina lang nasa tabi ko yun ngayon nasa may hagdan na at nakahawak sa tiyan niyang tumatawa, nung narealize niya na nakatingin ako sa kanya agad na nagbago yung mood niya, she suddenly rolled her eyes at tsaka umakyat, nasa likod ko na yung ibang barkada kong nakangisi sakin.

"Sarap ng pagdeday dream pre ah, Halos malusaw na si Athena sa titig mo sa kanya. Hanep sa tulala! Tinamaan ni kupido! Hahahahaha!" sambit ni Jyle na nakangisi lang sakin, napa lakas yung tawanan sa paligid ko.

"Loko ka talaga! tss."

They told me that to make her fall inlove, I had to make her laugh.. But everytime she laughs, I'm the one who falls inlove..

-----------------------------------------------------------------

A/N:

Hello!! Sorry kung natagalan yung update^^ May writer's block ako kanina as in walang pumapasok sa isip ko, thank you kay @DerpyYeollie dahil nagkaroon ako ng idea. Hahahaha!

Sorry kung corny, May writer's block nga kaya intindihin niyo na. Hahaha! May readers pa ba ako? Hahaha, speaking of readers happy 100 reads TGCL, everyday siyang nagiincrease i'm so proud. Hahaha.

Siguro medyo matatagalan yung next update, uuwi na kase si Mommy galing hospital kasama na yung new baby brother ko!! :") Baka magalaga at magbantay ako kaya baka mawalan ako ng time, pero promise pag nagkachance maga-update ako.

Vote...

Comment...

Share...

-bea

The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon