Chapter 9: Forgiveness

52 1 0
                                    

CHAPTER 9 ( THE GAME CALLED LOVE : FORGIVENESS )

Marco Sebastian Jung.

"Sorry bro, pero hindi na pwede. Remember what you said? What's a deal is a deal. At katulad din ng sinabi ni Athena, Tatapusin ko ang sinimulan ko. Naiinlove ka na? Face the consequences bro." sagot ni Jyle sa kabilang linya.

"Narinig mo ba yung sinabi ko?! Ayoko na! May masasaktan sa mangyayari at ayoko naman na saktan siya ulit bro, naramdaman ko na yun. Masakit sobra."

"Alam mo naman palang masakit bat ka pumayag noong una? Alam mo namang may masasaktan bat mo tinanggap yun laro? Akala mo siguro lahat makukuha mo no? Sorry bro, peronthe answer is no. Continue what you started."  Sabi niya at pinatay yung tawag. Napahilamos ko sa muka ko yung palad ko. Pano pa ako makakalayo sa lagay na to?

Lumilipad yung isip ko habang nagdadrive, para akong wala sa sarili. Iniisip ko kung pano ko aaminin kay Athena na laro lang ang lahay? Siguradong madugong sampal at masasakit na salita ang matatanggap ko, knowing Athena amazona siya. Aissssh, Ano na bang gagawin ko!!

Athena Anne Perez.

I was left dumbfounded, kahit kanina pa siyang mahigit isang oras umalis nakatayo parin ako kung saan niya ako iniwanan, hindi ko nararamdaman yung ngalay ng paa ko kahit alam kong ngalay na ngalay na ako.

"Ate?" pabulong na tawag ni tiffany pagkatapos kumatok sa pintuan. "Okay ka lang?"

"Ah, oo. Bakit?"

"Kakain na daw po. Ate, sure kang okay ka lang? Bat namumutla ka?" pagtataka ni Tiffany kaya napatingin naman ako sa salamin, oo nga. Namumutla ako.

"Sige na sige, mauna ka na susunod ako." Sagot ko sabay talikod sa kanya pero nagulat ako nang may pumulupot na mga braso sakin "Oy ano ba!" sigaw ko na ikinagulat niya kaya napahiwalay siya sakin.

"Sorry ate." sabi niya habang nakatingin sa lapag. "Miss ko na ang ate ko.." sabi niya habang naglalakad palabas ng pinto, para namang may kumurot sa puso ko nung sinabi niya yun kaya napatakbo ako kaagad sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Tiff, sorry.. sorry, sorry kung di ko na nagagampanan yung role ko bilang ate ko. Salamat, salamat kase kahit sobrang sungit ko na di parin kayo nag-giveup ni Mama. Mahal na mahal ka ni Ate, Mahal na mahal."

Humihikbi na si Tiffany nung tinignan konsiya kaya napayakap ako lalo ng mahigpit sa kanya. "Ssh, tama na. Wag ka ng iyak, diba ayaw nila Papa na umiiyak tayo? Tahan na." pilit niyang pinipigilan yung mga luha niya.

"Ate, Sorry,Sorry kung dahil sakin nawala si Kuya. Sorry talaga, ate.. I love you, nandito lang kami ni Mama para sayo.. Ate, thank you dahil natutunan mo magpatawad." she said in between her sobs, sobra ko palang nasaktan tong kapatid ko.. Napalingon kami ni tiffany sa pinto nang may narinig kaming humihikbi din at nakita namin si Mama.

"Ma! Tara nga dito! Hahaha, bat ka naman umiiyak dyan?" pangaasar ko sa kanya. "Hahaha, wala.. Ngayon ko na lang kase nakita na niyakap mo ulit yung kapatid ko. Anak, namiss ka namin ni tiffany." napangiti naman ako sa sinabi ni Mama.

Totoo nga yung sinasabi nila, kahit iwan ka ng lahat yung pamilya mo hinding hindi ka iiwan at laking pasasalamat ko at nandito pa sila mama sa tabi ko, kung wala? Hay, di ko na alam gagawin ko.

____________

Author's Note:

Una sa lahat, Sorry! Sorry kung sobrang tagal ng update :( Wala na kaseng wifi dito sa bahay, si PLDT kase sisihin niyo. dejk! x) Sorry ulit kung sobrang lame ng update. Nagka-writer's block ako tas hindi pa ako pro. Patawarin niyo na xD And lastly, malapit na yung pinakastart ng story!! Konting hintay na lang!! Ayun lang, enjoy the updateee. i love you all!!!

xoxo,

Beaaa♡

The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon