Chapter 7: Safe and sound

70 3 1
                                    

Athena Anne's POV

Days passed na paulit-ulit lang ang nangyayari samin ni Marco, magsisigawan at magaaway hanggang one will put the guard down, parang di nakukumpleto yung araw namin hanggang di nagaaway pero pagkatapos magaway maglalambing naman. I didn't gave him a chance pero andyan parin siya naghihintay minsan nga naiisip ko na parang masyadong mabilis yung nangyayari. Minsan mag-gagalit galitan yung isa tas maglalambing yung isa tas magaasaran na naman. Hiningi niya yung number ko, una ayaw kong ibigay pero ilang araw niya akong kinulit, sabi ko ayoko baka jeje ka. Di naman siya makapaniwala sa sinabi ko kaya tinawanan niya ako ng tinawanan hanggang mainis ako at iniwan siya.

I admit na may nabago simula nung dumating siya sa buhay ko. Unti-unti nakilala ko yung mga tao sa paligid ko, unti-unti natutunan kong magtiwala ulit. Unti-unti bumabalik yung pagiging ako.

Saturday ngayon and every saturday and sunday free day namin, 2 days of freedom atlast! Walang magulo,walang nangungul-- *ding dong* speaking of the devil -____-

Nagkunyari na lang akong tulog, as usual paakyatin yan nila Mommy dito, ewan ko ba kung bakit gustong gusto nila yang halimaw na yan.

Mamaya na pala yung Volleyball tournament namin, Buti gabi pa, tinatatamad pa akong bumangon. Minsan tinatamad na rin akong maging tamad.

"Pereeeeeeez!! Bangon naaa!! Ang baho mo na!!! May laban pa kayo mamaya!! Anne!! Ang baho ng paa mo!! Anne!! Amoy laway ka pa!! Anne yung muta mo!! Ann--" pinutol ko na yung susunod na sasabihin niya alam ko na kasunod niyan, puro panghuhusga lang. Nagpatuloy siya sa pagtalon sa kama ko, ugh nakakahilo!!

"Utang na loob naman Marco!! Oo na oo na gising na! Wagas makabulabog! Bahay mo bahay mo? Ang dumi dumi ng paa mo kakalinis ko lang dito kahapon! Mas mabaho ka pa nga sakin lintik na!"

"Galit ka na niyan? Wag ka magalala, maganda ka parin naman."

Tinignan ko lang siya, sa mga araw din na nakalipas parati niya akong finaflatter na ang sexy ko daw na ganito ganyan at kung ano ano pa.

"Seryoso nga anne, Ang ganda ganda mo."

"So?" taas kilay kong tanong sa kanya?

"Meron ka ngayon no? Sungit mo! HAHAHAHAAHA." Biro niya sabay takbo palabas.

"BWISET KA TALAGA!!" sigaw ko at hinabol siya ng tsinelas ko, tong taong to. Araw araw na lang wala ng ginawa kundi manghusga.

"ARAY ANNE! AW! TEKA! AW! NAGBIBIRO LANG! AW! AKO! TAMA NA UY! HAHAHAHA. AW! JOKE LANG NAMAN! ARAW! ISA PA HAHALIKAN NA KITA!!"

Napatigil ako sa paghampas sa kana dahil sa sinabi niya, parang nagulat din siya tas tumawa ulit.

"Uyyy!! Gusto din!! Hahahahahaha!" sambit niya habang naka hawak sa tiyan niyang tumatawa, halos maluha na siya kakatawa at ako nakatayo lang at nakatingin sa kanya.

"Tantanan mo nga ako Sebastian! Biruin mo na lahat wag lang ako. Kala mo ha! Wala kang freebies buong buwan. Bahala ka diyan." sagot ko at tumalikod para maligo pero hinawakan niya kamay ko na tinaboy ko naman paalis.

"Uy! Sorry na, nagbibiro lang naman e. Pffft- uy, dali na. Sorry na. Sangalan ng freebies. Uyy, sorry na. Hahatid kita sa game niyo mamaya manonood at magchicheer ako. Dali na sorry na." Binutukan ko naman siya kaya napa-aray at napahawak siya sa batok niya.

"Kuripot! Pumunta ka dun magisa mo! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Kinuha ko yung twalya at naligo na. Natapos akong maligo 2, ayoko kumain baka andun pa yung halimaw kaya nagdecide muna akong matulog 7 pa naman yung laro eh tsaka di pa magsastart kagad yun. You know, filipino time. Ha ha ha.

The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon