TGCL ( CHAPTER 11 : VERSUS )
3rd person's POV
Napasinghap kaming lahat sa pagtaas ng boses ni Athena, halata rin sa natakot siya.
"Pwede ba wag kang umarte ng ganyan?!" galit na sigaw ni Mico
"Na ano?"
"Na parang hindi ka nasasaktan! Utang na loob naman Athena! Wag ka magtapangan-tapangan! Ang tapang tapang mo pero alam mo sa loob mo pinapatay ka parin ng ala-ala ng pagkawala sayo ng kuya at-" Bago pa matuloy ni Mico yug sasabihin niya pinutol na siya ni Athena ng suntok, napasinghap na naman kami sa lakas nito at kitang kita mo kung gano to kalakas dahil nagdugo ang labi ni Mico.
"Wag na wag mo idadamay pamilya ko dito! Di ako nagtatapang-tapangan, natuto lang ako maging matapang para sa sarili ko, kase alam ko sa dulo ng araw na to sarili ko lang ang madedependehan ko! Kaya pwede ba ha?! Tahimik na buhay ko, di na kita kailangan!" sabi ni Athena sabay talikod napangisi naman si Marco sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Oh narinig mo yun Mico? Di ka na daw niya kailangan, alis na baka di lang mainis lang ako sa muka mo at mangheram ka ng muka sa aso, inistress mo lang girlfriend ko. Psh."
"Yabang." bulong ni Mico sabay alis na din.
Marco Sebastian Jung's POV
Hinabol ko si Athena pero napakabilis niya tumakbo, pero napadpad ako sa volleyball training grounds. Nakita ko siya dun na naka varisty uniform at hinahampas yung bola patalbog sa pader.
Napatingin naman siya sakit nung naramdaman niyang nandun ako.
"Bat nandito ka?"
"Masama ba?"
"Eh pag sinabi kong oo?"
"Edi oo, pake ko?
"Sungit!"
"Tss." nakangising sagot niya.
"Laro na lang tayo volleyball, one on one."
"Malamang one on one alangan naman six by six eh dalawa lang tayo?" pangaalaska niya -__-
"Ha ha ha. Dami kong tawa mga 56."
"Wow nabilang, talent." Pangaalaska niya ulit sabay bato sakin ng bola! Woah, muntikan ako dun ah!
"Pag nanalo ako sasagutin mo na ako." pangaasar ko.
Napatingin naman siya sakin sabay ngisi "Pag nanalo ako gagawin mo yung papagawa ko sayo, pero mamaya ko na sasabihin para exciting."
"Game!" sigaw niya sabay serve, buti mabilis reaction time ko at naibalik ko kagad sakanya yung bola, sinet niya sa sarili niya at inispike sakin pero nasalo ko naman. Sinet ko rin yun sa sarili ko at tumalon para magspike! Halos halikan niya na yung sahig pero di niya naabot yung bola. Yes! 1-0!
"1 to ano ba to?" tanong niya habang nagpupunasnng tuhod.
"1 to 1 lang."
"LOLO MO!" napahalakhak ako sa itsura niya dahil sa sahor ko. Pinasa niya naman sakin yung bola para magserve at sinerve ko naman agad.
Maya-maya 20-19 na yung score, up to 21 lang yung laro namin at lamang na si Athena.
Inispike niya yung bola, nirecieve ko,binalik ko sa kanya tas sinet niya sabay spike.
Napatigil ako sa pag-galaw nang magslow mo yung paligid ko; kung pano siya magset at tumalon para magspike. Ano nangyayare? Inlovee na ba talaga ako?
Tae, Ang bading!
Nabalik ako sa sarili ko nang naramdaman kong tumama yung bola sa ulo ko. Narinig ko yung napakalakas na tawa ni Athena, ngayon ko lang siya narinig na tumawa ng ganyan alam mong sobrang saya niya sa tawa niya.
"YUNG YUNG YUNG HAHAHAHAHAHAHAHAHA YUNG PFFFFFT M-MUKA MO HAHAHAHA YUNG MUKA MO! HAHAHAHAHA, PRICELESS!" Pilit niyang inaayos yung salita niya pero kahit anong gawin niya purp halakhak niya lang yung nangingibabw. May ganon pala talagang mga tao, nauuna yung tawa sa kwento, Hahaha.
"Nasaktan na nga yung tao, tinawanan mo pa! Sweet mo talaga! kilig ako!" pangungutya ko habang hinihimas ko yung ulo ko.
Nagpupunas si Athena ng luha niya dahil sa pagtawa niya nang magsalita siya na lalong ikinahilo ko.
"Handa mo na sarili mo, sasayaw ka bukas sa harap ng madaming tao. Anong kanta? Well, surprise surprise."
_________________
Next update: Next week! Either Friday,Saturday or Sunday. May pasok na rin kase kami sa Monday. Magiging busy na, wahehu. Basta weekly ako magaupdate (kung di tatamarin.) xD
Sa book cover netong TGCL. 4 yung nagawa ko, kaya papalit palit kase di ko alam kung ano yung ilalagay ko pero sa may magandang pusong gagawan ng cover tong TGCL tatangapin ko yun tas gagawin ko ring book cover kug magugustuhan ko :)
PS.
Papromote, pakibasa narin ng 15 days ko tsaka sa may mga tumblr follow niyo ko! bvllflr.tumblr.com =))))) Salamat guuuuys, mahal ko kayo! *foreigner voice*
BINABASA MO ANG
The Game Called Love
Teen FictionNaranasan niyo na bang maglaro? Eh ang kakaibang laro na tinatawag na pagibig? Pagtatagpuin ni tadhana ang landas ng isang "Athlete Badgirl" na si Athena Anne Perez at ng isang "Playboy Kapre" na si Marco Sebastian Jung.. Magkakasundo ba sila o isan...