TGCL ( CHAPTER 13 : THE PAST'S REASON )
Athena Anne Perez.
"Ano loves? Mangha ka na naman sa sexy body ko no?" pagmamalaki ni Marco.
"Asa uy, nakakatuwa lang kase pati bakla napapaibig mo. Ayiiii, pakikilala kita sa kanya!" bigla namang nagfrown yung muka ni Marco.
"Ikaw ah, pinamimigay mo na ako." sabi niya sabay walk out.
"Uy joke lang naman." di niya ako pinansin.
"Marco, joke nga lang." di niya parin ako pinansin. Aba't pahard to get ka ha, tinanggal ko yung sapatos ko at binato sa kanya. Beng! Bull's eye!
"Aray naman! Pinamigay mo na nga ako sasaktan mo pa ako, masyado mo na akong sinasaktan ha, sadista tsk." sabi niya habang kinakamot yung batok.
"Eh bastusan daw ba tayo dito? Tinalikuran mo kaya ako tas ayaw mo pa akong pansinin."
"Drama lang yun, akala ko kase lalapit ka sakin tas susuyuin mo ko. Iba pala gagawin mo."
"Arte mo, daig mo pa babae." pagsusungit ko pero narinig ko naman siya magchuckle.
"Athena." napalingon ako dun sa tumawag, Si Mico? Ano ginagawa nito dito?
"Pwede ba tayo magusap?" napakunot naman ako nang noo. "Ayoko, wala akong panahon sayo."
"Please Athena, pagkatapos nito di na kita kukulitin. Please." napalingon ako kay Marco na nakakunot din yung noo pero nung napansin niyang nakatingin ako tumango na lang siya.
"Ano ba problema mo?" pagtataray ko.
"Sorry." sabi niya habang nakatingin sa sahig.
"Yan lang ba sasabihin mo kaya gusto mo ko makausap? Matagal na yun, kinalimutan ko na. Kaya kalimutan mo na rin yun." tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya yung wrist ko.
"Di pa kase ako tapos magsalita. Sorry, Sorry kase iniwan kita. Sorry kung pakiramdam mo niloko kita. I hate how we never get our chance to see what we could've been. I hate how I know I'm not over you and how I pretend to be, I hate how you're totally moved on and you have no idea that I haven't. Sorry kung hangang ngayon ikaw parin, di mo alam na sinusundan kita parati na I was always looking at you from afar. Kung kukwestyunin mo ko kung bat di ako lumapit kase nahihiya ako. Nahihiya ako to the mere fact na wala akong mukang maihaharap sayo. Sorry, alam kong di sapat ang sorry ko to fix your broken heart. Athena, sorry." mahabang katahimikan ang nangyari samin and after I decided to break the silence.
"Nakakapagsalita ka nang ganyan kahaba?"
"So sa hinaba haba ng sinabi ko yun lang ang sasabihin mo? You really know how to spoil the moment." sabi niya na may halong sarcasm. Inirapan ko lang siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong bakit?"
"Bakit mo ko iniwan in my saddest moment? Bakit mo ko iniwan nung mga panahong kailangang kailangan kita? Bakit kailangan mo ko ipagpalit?"
"Kase kupal ako, kase wala akong kwenta. Iniwan kita kase may narerecieve yung pamilya ko nang death threats. Kase police si papa and madaming nagagalit sa kanya. Hiniwalayan kita kase ayokong madamay ka sa problema namin. Ayoko na mapahamak ka, Ayoko na masaktan ka kase mahal kita."
"Kung dati mo pa sana sinabi yan siguro ngayon tayo pa pero nasaktan ako ng sobra. Kung gano mo ko kabilis napasagot ganon mo ko kabilis iwanan. Sobrang sakit Mico eh, sobra sobra. Nagyelo na tong puso ko kase sunod sunod niyo ko iniwan." and then suddenly nararamdaman kong may lumalabas nang luha sa mata ko.
"Sorry Athena, sorry. I'll do my best to win you back."
"No more chance Mister, game over na yung love story natin. Wala nang restart." and then I finally walk away.
Simpleng babae lang ako. Hindi ako masyadong maganda para titigan ng iba. Hindi din kagandahan ang ugali ko. Masungit ako, Mabilis ako mapikon. Maarte din ako sa mga bagay bagay na ayoko. Madami akong imperfections, kaya nga siguro madali lang para sa iba tao na iwanan ako.
_________________
Next update? di ko alam, baka next week. Lame ba ng update sorry na. May sakit ako ngayon pero I did my best para makapagupdate. Sobrang taas ng lagnat ko and magang maga yung mata ko. Salamat sa mga nagbabasa ieedit ko yung ibang chapters ha? pero walang mababago. Yun lang, mahal ko kayo ♡
BINABASA MO ANG
The Game Called Love
Teen FictionNaranasan niyo na bang maglaro? Eh ang kakaibang laro na tinatawag na pagibig? Pagtatagpuin ni tadhana ang landas ng isang "Athlete Badgirl" na si Athena Anne Perez at ng isang "Playboy Kapre" na si Marco Sebastian Jung.. Magkakasundo ba sila o isan...