Chapter 10: The Past is Back

46 1 1
                                    

CHAPTER 10 ( THE GAME CALLED LOVE : THE PAST IS BACK )

Athena Anne Perez's POV.

Ilang araw din ako pilit umiiwas kay marco at nagiging madali rin naman sakin kase siya rin mukang ganon ang ginagawa.

"Athena! Sasama ka ba sa outing ng batch?"

"Saan daw ba?"

"Boracay."

Boracay na naman, wala nang kasawa-sawa. Every year kase nagkakaroon kami ng batch outing, yung parang retreat pag grade 6 pero kami 1 week doon tas puro outdoors ang ginagawa.

"Ahh, sige sige. Kailan ba?"

"This saturday na."

Tinanguan ko na lang siya at tumalikod, buti ma lang mahaba yung lunch break at makakakain pa ako ng mango bravo!

Pagdating ko sa canteen, lahat sila nakatingin sakin at para na namang mga bubuyog kung magbulungan.

"Alam na kaya ni Athena?"

"Nako, mukang hindi pa. Nakakaharap pa siya satin eh."

Ano na naman kayang tsismis ang dala ng mga taong to? Binaliwala ko na lang sila at pumila sa counter. Pilit kong sinisilip yung fridge pero di ko matanaw yung mango bravo kase napakataas netong lalaki sa harap ko! Ugh, kainis!

"Uhm, excuse me? Pwede ba umusog ka ng onti?"

"Pano pag ayoko?" Pang-aalaska ni kuyang matangkad. aba! Sumasagot!!

"Edi wag!" Padabog kong sabi at sumiksik sa harapan niya.

"Psh, childish. Nothing change parin talaga." Sino ba to?! kung makapagsalita akala mo kung sinong gwapo na kilala ko ah? Kunot noo akong humarap sa badtrip na to at lalong kumunot ang noo ko nung nalaman ko kung sino to..

"Hi Athena, miss me?" nakangisi niyang bati sakin.

Hi Mico valdez, we meet again.

Marco Sebastian Jung's POV.

Late akong pumasok kanina, I ditched all of my classes bago mag-lunch. Pumasok rin akong naka sunglasses kase nag-hehello ang eyebags ko sa lahat ng makakakita sakin.

"Pre, bat late?"

"Wala kang pake." Walang gana kong sagot sa kanya, badtrip!

Dumiretso ako sa canteen nung mapansin ko na nasa counter ang mga mata nilang lahat kaya napatingin din ako... at nakita ko si Athena na naka-kunot noong tingin dun sa kapreng yun, Sino ba yun?

"Hi Athena, Miss me?" sabi niya sabay ngisi, kala mo naman gwapo. Wala pa nga siya sa talampakan ko, tss.

"Lakas naman ng loob mo magpakita sakin eh no?"

"Oo naman, sa gwapo kong to bat di ako magpapakita sayo?" Sagot nung kapre, aba't ang lakas ng loob magyabang netong kapreng to ah!

"Athena loves!" Pag aagaw ko ng atensyon at successful naman kase lahat sila napatingin sakin.

"Wow, may pinalit ka na pala sakin babe?" sabat nung kapre, nang matignan ko siya ng malapitan nakilala ko na yung kumag! Yung ex ni Athena! Kaya pala ang lakas ng loob magyabang!

"Oo tol eh, pinakawalan mo kase. Tsk, dapat kase sa mga gantong klase ng babae di pinakakawalan basta-basta eh ewan ko sayo kung bat naisipan mo siyang iwanan ayan nakuha na ng iba."

"ANG YABANG MO AH!!" Sigaw niya sabay suntok sa kaliwang pismgi ko.

Gaganti sana ako nang suntok nang mapasinghap kaming lahat sa sinabi ni Athena.

"Ano ba Mico?! Pwede ba?! Nananahimik na ako kaya't lubayan mo na ako! Iniwan mo na ako diba?! Kaya sa mawawalang galangin ko, umalis ka na sa dadaan ko kung ayaw mong ako mismo ang gumanti sa pagsuntok mo sa pisngi ng minamahal ko!"

Napangiti naman ako, That's my girl.

___________

Author's note:

Hiiiii, so bumalik na si Past! Aaaaand, ilang chapters na lang magsastart na ang laro ^oo^ so pagdasal niyo na di ako tamadin hehehe >///<

Ano kaya ang part ni Mico sa story? Guess whaaaat.

xoxo,

bea; ♡

The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon