Chapter 19: Mahangin

30 0 0
                                    

TGCL ( CHAPTER 19 : MAHANGIN )

A/N: HAPPY 600 READS!!! Super saya ko kaya double update, sorry rin kung sobrang late nung update. Enjoy ;)

___________

Athena Anne Perez.

Sabado ngayon at maaga akong sinundo ni Matteo sa bahay, kahit ayaw ko wala akong magawa kase mapilit tong kupal na to.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong niya na kaagad nakapagpairita sakin.

"Ako ba niloloko mo? Aayain mo ko tas tatanungin mo ako kung saan ko gusto pumunta? Ah alam ko na kung saan! Iuwi mo na lang ako!"

"Oh chillax! Masyadong mainit ang ulo." Humahalakhak na sabi niya. "Tsaka ayusin mo yang noo mo, nakakunot na naman." Sabay haplos niya sa noo ko para mapaghiwalay yung kilay.

Gusto kong matuwa sa mga pinag-gagawa niya pero tuwing na-aalala ko yung pakikipaglaro niya sakin na iirita ako, nang-gagalaiti ako sa galit.

Di ko na lang siya kinibo at tumungo sa may bintana.

"Kailan sunod niyong laban?"

"Sa monday ata o tuesday, malay ko." Sagot kong nakatungo parin sa bintana.

"Text mo ko ha?" Sabay dapo niya nang tingin sakin kaya tinanguan ko lang siya.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang pumreno nang malakas ay sunod sunod na malalakas na busina ang narinig ko sa likod!

"Hoy! Kung may balak kang magpakamatay, pwede ba! Wag kang mandamay!"

Pero ginantihan niya lang ako nang halakhak. "Ginising lang kita, meron ka ba?"

"Wag mo ko kausapin, naiinis ako sayo."

Di na lang din siya nagsalita at natanaw ko na yung star city.

"Mung bata, star city pang nalalaman." Bulong ko.

"Narinig ko yun."

"Pake ko sayo." Pagtataray ko at binuksan yung bintana.

Agad akong sinalubong nang malakas na hangin dahil sa bilis nang patakbo niya.

"WOOOOOOH, Ang sarap ang hangin!"

Nawala ang pagkairita ko sa kanya at poise ko kakatawa sa sinagot niya.

"Edi masarap ako? Mahangin ako eh."

__________________

Next update? Depende kung may masasagap akong wifi. Hahaha.

♥Bea

The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon