I

348 20 8
                                    

First day of school na dito sa pinapasukan naming university, at siyempre kasama ko nanaman ang mga bruhang best of friends ko, sila Kristine, Lea, at siyempre si Jea. hindi namin alam kung saan kami pupunta kaya nag-explore nalang kami. pagkatapos namin naglibot pumunta na kami sa first subject namin, ewan ko ba dito sa mga to, ayaw akong iwan!

"uy! tabi tabi tayo ha! alam na thiss! hahaha" sabi ni jea, makulit talaga to pero sobrang bait naman niya at maganda pa. :)

"yun lang eh kung may maabutan tayong upuan na pwede sa ating apat?!" sabi ko naman. papasok na kami ngayon sa classroom.

Hi. nakalimutan kong magpakilala, my name is Bernadette Anne Cuevas pero mas kilala ako sa pangalang "beng" tamad kasi silang banggitin ang pangalan ko na bernadette. kung gaano daw kaganda ang pangalan ko ganun din daw sa hitsura at ugali ko, yes, believe it or not, maraming nagsasabi na maganda at mabait daw ako. maputi ako, long and black at medyo curl sa dulo ang buhok ko, hindi naman ako masyadong mahilig sa fashion, for short Baduy akong manamit. nag-aaral ako dito sa Mayfield College, kasama ko ang mga best of friends ko since elementary. masaya naman ako kasama sila kahit na NBSB ako.

"At sabi ko na nga bng may late tayo, goodmorning girls? First day na first day ng pasukan late kayo?! Sit Down!" sabi nung payat at masungit na prof. namin. Hindi tuloy kami magkakatabing apat ako nasa bandang harap tapos si jea nasa bandang gitna tapos si kristine at lea nasa bandang likod pero hindi sila magkatabi.

Akala ko naman ke ganda ng magiging klase yun pala hindi, nakaka-antok. boring kasi eh.

Break na namin kaya nagpunta kami sa cafeteria, patay gutom din kasi tong mga to eh, parang may isang dosenang dragon sa tiyan. nang makabili na kami, agad kaming naghanap ng table, buti nalang at medyo konti palang yung tao kaya nakahanap kami kaagad..

kain...

kain....

kain.......

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!" biglang nagtilian lahat ng babaeng nasa cafeteria, grabe lang ha. ang lalande lang. sa sobrang gulat muntik na tuloy maluwa ni kristine yung kinakain niya.

"Sino ba yun? napaka-OA naman yang mga babaeng yan, tili ng tili." sabi naman ni lea in a cold way.

sabi ni kristine papunta daw sila dito, hindi ko makita kasi naka talikod ako, yung mga babae daw sumusunod doon sa lalaki, nakatulala na nga si kristine habang sinasabi niya yun saakin, pagtingin ko naman kay lea at jea, naka-nga nga din sila. Hala, ganon ba ka-gwapo ang lalaking yun at pati ang mga friendships ko na hypnotized?

"B-eng, l-look who's here" sabi naman ni Jea habang nakaturo at nakatulala parin, medyo mautal-utal pa siya habang sinasabi niya yun.

siyempre naman akong si uto-uto napa-lingon din, malay mo sikat na model ng penshoppe or bench yun, marami kasing models at famous artist ang nag-aaral dito.

at my oh my, at pati ako nagulat at natulala sa nakita ko, kaya pumunta ako at napa tago ako sa likod ni jea, grabe talaga. hindi siya artista, siya lang naman ang long time crush ko, at inis-stalk ko since elementary pa, si Paul Dan Monton.

"Grabe girl! hindi natin to ine-expect! hindi mo na siya ini-stalk pero mukhang, destiny na talaga kayo beng!" sabi ni kristine, mas lalo namang kinilig yung mga best of friends ko nang tumigil sila dan sa table namin. yung mga tao doon, especially the girls, pinag-bubulungan na kami kaya umayos ako ng upo para hindi naman nakakahiya. kahit medyo ramdam ko yung pag-init ng mukha ko. im sure pulang pula na ko.

"Hey" sabi niya habang nakaturo pa sakin yung daliri niya. kaya nilingon ko na siya, grabe mas lalo siyang gumwapo pero bakit sumungit siya? di naman siya ganito dati eh, bad influence siguro yung mga barkada neto.

"A-ako ba yun?" sabi ko sakanya.

"hindi si Jea yun, malamang ikaw diba? ikaw lang naman yung tinuturo ko eh." yung mga babae nagtaka kung bakit kami kilala ni dan. psh.

"inuulit ko, ikaw Bernadette Anne Cuevas" nagulat kaming lahat, including the girls behind him nagtakbuhan at nagpunta sa kani-kanilang table.

"Bakit?" sabi ko nalang, alangan namang sisigawan ko din siya? nakakahiya naman yun.

"are you stalking me huh? hanggang dito ba naman? grabe ka." sabi niya, ang yabang naman na neto, pasalamat ka at crush kita.pero ewan ko nalang pagkatapos nito.

"FYI, Hindi no! at ikaw Mr. Paul Dan Monton, wag kang mayabang! hindi ko naman kasalanan kung dito ako pinag-aral ng parents ko! kaya dont assume!" napatayo at napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.

"Tara na nga girls! akala ko pa naman mabait parin tong si Dan, hindi na pala." dagdag ko pa.medyo naiiyak na ko, ang sungit na niya ngayon, pero di bale na, malay mo bad mood lang siya at sakin lang niya nabuhos yung ka bad tripan nun, gusto ko parin siya, hindi parin yung magbabago.\

pumunta kami sa garden kung saan may mga puno, na pwedeng pagtambayan ng mga students, pati mga lovers.

"Girl, anong nangyare sa papa dan mo? nagbago na siya?" sabi ni lea.

"ewan ko ba dun sa mokong na yun, isang taon ko nadin kasi hindi nas-stalk yung Facebook, Twitter pati Instagram niya eh marami na akong hindi alam tungkol sa kanya." paliwanag ko.

"Oh ano? Gusto mo pa? kahit na sinusungitan ka na niya?" sabi naman ni jea at kristine.

"oo naman no, parang yun lang, wala paring magbabago." sabi ko sakanila at nakangiti pa ha.

"Psh." sabi nalang nilang tatlo.

"sige ha, sandali lang, cr lang kami." sabi ni Jea at yung dalawa sumunod kaya ako nalang ang naiwan dito. kaya napayuko nalang ako at nilalaro ang mga damo.

A/N: gusto ko pong magpasalamat sa mga nagbasa ng past story ko, sila @BabyBlueSky and si @MsRinodaeb, hahaha. pati nadin dun sa ibang hindi ko kakilala. actually itong story na to ngayon ay nasa coupon band hinihiram hiram pa to ng mga classmates ko nung schooldays pa. naisipan kong ipost tong story na to kasi matagal na nilang sinasabi sakin na maganda daw. i dedicate this story to my CRUSH. hahaha. yiiie. <3 pero ang masaklap di parin niya ako napapansin. </3 thanks din pala sa mga taga WRAWH (WATTPAD READERS AND WRITERS HERE) na sumu-support sakin. pati na din kay @ CrazySkimpy na unang naka-appreciate sa istoryang to. medyo madami at mahaba na to. BASTA THANKS A LOT GUYS!

hugs and kisses :*

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon