XIII

99 4 3
                                    

A/N: omg. ang tagal kong hindi na update to. hahaha. sorry sa mga readers :* hahahaha. keep on voting and commenting guys :))

xoxo :)

-gelle

lumipas ang araw, si angelo nakita ko nalang kinabukasan sa bahay nila na nakahiga sa kabaong. i will never forget angelo. kahit na nang aasar siya. marami parin akong natutunan sakanya.

makalipas ng isang linggo ay dumating na ang araw na pinaka masakit sa aming lahat. ang libing niya. may nakasuot ng itim at puti. nakasuot ng mga sunglasses upang matakpan ang lungkot sa kanilang mga mata. si Dan ang kasama ko ngayon. di rin siya makapaniwala sa nangyari. pareho pa kaming walang tulog.

"tara na Beng, bisitahin nalang natin siya bukas" sabi ni Dan habang pinapahid ang kanyang mga luha, bakas ang pagkalungkot sa mga mata nito. i dont want to see him cry, kaya niyakap ko siya.

"wag na tayong maging malungkot okay? alam kong masaya na siya sa piling ni God, and alam kong may reason kung bakit Niya kinuha si Angelo" nang pagkasabi ko nun ay biglang humigpit ang pagkakayakap sakin ni Dan. napaiyak na rin ako. mga ilang minuto din kaming ganun ang posisyon.

"tara na nga,nababakla na ko dito." kinalas na ni Dan ang pagkakayakap niya sakin para maka alis na.

"pre, babalik kami dito bukas. magdadala ako ng beer, shot tayo! baka mamiss mo diyan sa heaven eh. wag kanang magchi-chicks diyan ah. baka masipa ka papuntang impyerno" pinalo ko si Dan ng mahina. medyo natawa nalang ako. ng matapos ang araw na yon, wala na si Angelo. Angel na siya. Cupid siguro.

hindi kami masyadong nakatulog kaya medyo puyat pa. sa bahay ko na natutulog si Dan, simula nung burol ni Angelo, baka daw kunin ako ni Angelo eh. natawa nalang ako nung sinabi niya yun, and at the same time kinilig na din. kahit na nakakalungkot na wala ng mang bubulabog sa araw ko.

"tulog ka na jan ah. alis na ko para makapag pahinga. matagal tayong absent buti sabado ngayon." hinalikan niya pa ako sa noo bago unalis, nag nod nalang ako. hinintay ko siyang maka alis ng bahay bago ako umakyat sa kwarto ko.

kaylangan kong mag move on, masaya na si Angelo.sana makayanan naming lahat to.

-----------------------------------

1:00 pm na ako nagising. di pa sapat yung tulog ko dahil buong linggo akong gising. pero kaylangang bumangon dahil baka sa sobrang tulog ko ay hindi na ako magising.

kasama ko sila yaya fe at yaya loida, ang dalawang kasambahay namin. pati pala si Kuya Ariel. kami na magkapamilya simula nung umalis si mommy papuntang singapore. namimiss ko na siya siya eh. sabiniya baka daw after 2 years pa siya makaka uwi kasi sobrang daming appointments dun. nags-skype naman kami pero hibdi sapat yun. gusto kong mayakap ang mommy ko ng mahigpit.

"hindi pa tumatawag si Dan. tulog pa siguro yun" bulong ko sa sarili ko. habang tinitingnan ko ang iPhone 5s ko.

"anak may problema ba?" tanong sakin ni yaya loida, pero nanay ang tawag ko sakanya, dahil bata palang ako siya na ang nag alaga sakin tuwing nasa trabaho si mommy.

"si Dan po kasi Nay, hindi pa nagtetext, baka po tulog pa." sabay abot ni nanay loida ng late brunch ko. late na nga ang almusal pati lunch pa.

"baka nga, wag mo munang masyadong hintayin mas lalo kang aasa at maghihintay" sabi sakin ni nanay loida, tama naman siya. kaya kumain nalang ako.

*tenenenenenen*

From: My love so sweet(dan)

-mahal, kain ka na jan ha. sorry ngayon lang ako nakatext kagigising ko lang eh. ingat ka jan babe. iloveyou sweetheart. imy :*

napangiti nalang ako sa nabasa ko, minsan nga di ko din maintindihan si Dan eh. kung anu-anong Endearments ang sinasabi may honeybunch, baby ko, babe, sweetiepie, cloud nine. marami pang iba, siguro lahat na yata ng korny at walang kwentang tawagan ng mga jejemon naging tawagan na namin. pero pag si Dan naman ang nagsasabi nun parang ang sweet sweet.

nireplyan ko siya.siyempre di ako magpapatalo sa kasweetan niya.

To: My love so sweet(dan)

Kumain na ko babe, ikaw? kain ka na jan ha. ayokong pumayat ang asawa ko. okay lang yun honey, medyo kagigising ko lang din naman. iloveyoumost sweetheart. imymore :*

mga ilang minuto akong naghintay. pero hindi ako binigo ni Dan dahil nagreply siya.

From: My love so sweet(dan)

- ano ba yang mahal, ang sakit mangagat ng mga langgam. ikaw kasi eh.

natawa nalang ako sa tinext niya. nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagpapalamig. iniiwasan ang init ng pilipinas na dulot ng mga plastic na nasusunog. baka ma tusta ako sa init sa labas. parang 1inch lang ang layo ng araw sa pilipinas sa sobrang init.

hindi ko namalayan na nakatulog na ko ulit. nakapikit na ang mata ko. hindi ko na nareplyan si Dan. sobrang nakakapagod ang nakaraang linggo. kaylangan kong bumawi hindi lang sa tulog pati na din sa school sa lunes. buti nalang sabado palang ngayon.

A/N: short ba to? haha. sorry na. :) sana nagustuhan niyo. effective sana yung drama even though im not good enough sa mga ganun. hahaha lol :)

keep on v & c :*

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon