XI

131 6 5
                                    

CHAPTER XI- October Fest

"kami na bahala dito punta ka na doon, alam kong gustong gusto mo ng maki join sakanila" sabi ko ng nakangiti sa mga ibang members na nagbabantay, gulat sila and at the same time masaya sila, kita ko kasi sa mukha nila na gusto na nilang samahan ang iba nilang friends na nandoon na sana gitna at nagsasayaw at nagsasaya.

kaylangan kong maging masaya. kahit na nasa hospital si angelo at hindi ko pa nakikita si Dan simula nung banggaan moment namin.

may mga students na naghuhulog na ng dedication sa box, free naman kaya kahit sino pwedeng maghulog sa love or sorry box, gaya ng inaasahan, mas maraming love dedications kaysa sa sorry dedications.

nang huminto ang banda ay agad na kaming pumwesto nila jea, kristine, lea at jinnel at sa booth.

"dedication booth is now officially open." sabi ko na agad naman nakakuha ng atensiyon, biglang nagplay ang slow music.

"dear aika,

alam mo, matagal na kitang gusto, gusto kong sabihin sayong mahal kita kaso baka tanggihan mo lang ako. sana sa simpleng dedication na to ay mapansin mo na ako.

from: johnnan" sa kabilang banda ay may narinig akong tili at kung anu ano pa, kilala ko si Aika, Medicine ang kinukuha niya, maganda siya, mabait at matilino kaya di hamak may magkakagusto dito.

"dumako tayo sa sorry dedications" paninimula ni jinnel.

"Dear Josephine,

Sorry ha. alam kong masakit yung ginawa ko sayo, pero gusto kong sabihin sayo na nagsisisi na ako.

from: Arnold" maraming nag "aweee" sa audience.

hindi ko sila kilala. pero alam kong sincere siya. sana mapatawad na nung josephine nung arnold.

"last dedication sa ngayon" sabi naman ni kristine. pero gulat siya sa nadampot niyang dedication.

"Sa babaeng iniiwasan ko,

pumunta ka sa gitna.

from:--" napatingin pa sakin si kristine bago niya sabihin kung kanino nanggaling yung dedication.

"from: DAN" nagulat ako and at the same time nagtaka ako, ako kaya yun?

"si Bernadette Ann Cuevas po yun, kaya lumapit ka na miss beng" at nag wink sakin si kristine.

tinulak ako ni lea papalabas ng booth. nag ayos pa ko ng buhok ko, ang ikinagulat ko nalang ay ng may nag assist pa sakin kung saan ako pupunta.

"sorry dedication" sabi pa niya. akala ko ba last na pero bakit may kasunod pa? at tsaka anong nangyayari?

"dear beng,

ngayong nasa gitna kana, gusto kong sabihin sayo na sorry, alam kong matagal na tayo---" napahinto si kristine sa pagsasalita, napangiti siya sabay turo sa stage, may nagsasalitang lalaki, jaya napalingon kaming lahat, tinuloy niya yung dedication para sakin, simple lang ang suot nung boy, naka plain white tshirt lang, tapos naka denim blue jeans at lowcut shoes, nagpalit ata siya, hindi ito yung suot niya nung nagbanggaan kami eh.

tama ang hinala niyo si Dan yun, at tinuloy niya ang dedication ko.

"alam kong matagal na tayong hindi nagpapansinan, sorry ah, matagal kong pinagisipan yung nararamdaman ko para sayo, dati kasi akala ko nakapag move on na ko sayo eh, pero napag isip isip ko hindi pa pala.". nagulat ako sa sinabi niya? anong dati? yung iba naman kinilig.

may lumapit saking lalaki at pina akyat ako sa stage.

"naku, hindi na, mas comfortable na ko.dito" sabi ko dun sa lalaki.

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon