XVI

78 4 2
                                    

Comment and Vote please :*

xoxo

------------------

lumipas ang isang buwan at hindi ko parin natatanong kay Dan kung sino ang unknown na yun. buti nga hindi na rin nagtetext yun eh.

nandito kami sa mcdonalds, wala lang, bigla akong nag crave sa french fries at burger.

"Ah Beng may tatanungin sana ako"

"Ah Dan may tatanungin sana ako"

sabay kami nagsalita kaya saglit kaming tumahimik.

"sige ikaw muna"

"sige ikaw muna"

dati tumatawa kaming dalawa sa mga ganitong eksena pero seryoso kaming dalawa kaya kahit ngiti hindi namin nagawa.

"anong sasabihin mo?" paninimula ko.

"ikaw muna" sagot niya sakin.

"sino yung kinaladkad mo sa restau noon?" sabi niya kasi ako muna eh. edi diniretso ko na.

"ahm.." alam kong alam niya yung sagot. pero nahihiya or natatakot lang siya.

"ano? sabihin mo na?" naiinip na ko.

"Beng wag ka sanang magagalit" kinakabahan ako.

"depende sa sasabihin mo" narinig ko na huminga siya ng malalim bago siya magsalita.

"beng, si mama. bumalik na" natakot ako. si mama niya ang kaisa isang babae na tutol sa relationship namin. galing siya sa korea. 10 years bago siya bumalik dito sa pinas.

"before graduation, dumating siya. and shes staying here for good" nanghina ako sa sinabi niya.

"bakit di mo sinabi sakin? girlfriend mo ko and dapat kong malaman yun!" yung ibang kumakain sa mcdo nagtitinginan na samin. wala akong pakialam. may halong galit, takot at kaba ang nararamdaman ko.

"sasabihin ko sana ngayon---" nainis ako sa sinabi niya kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at sinigawan siya. dahilan ng paghinto niya.

"ngayon? eh last month pa dumating yang nanay mo ah! Dan naman! you should tell me! Girlfriend mo ko!" nagulat siya sa kinikilos ko. pati ako ganun din. ngayon ko lang nakita ang sarili kong sobrang inis.

"ma'am? may problema po ba?" sabi ng manager ng mcdo.nakaramdam ako ng hiya kaya lumabas na ako at iniwan ang gulat kong boyfriend.

"Beng!" tawag sakin ni Dan, tumakbo ako palabas ng mall. pero hinigit ako ni Dan at napayakap ako sakanya.

"ano pang sasabihin mo?" kalma na ang boses ko sa mga oras na yon.

"sabi niya maghiwalay na tayo"

"alam kong yun ang sasabihin niya. himala nalang kung tatanggapin pa ko ng nanay mo no?" kumalas ako sa pagkakayap ko sakanya. ngumiti pa ko, kunyari malakas. kunyari okay lang lahat. pero deep inside masakit.

"gusto niyang ma-engaged ako kay Jasmine" nagulat ako. pero natawa ako na parang walang nangyari.

"bakit may magic carpet ka ba? para ma-engaged diyan?" nakuha ko pang magbiro. yung mga luha ko, isang kurap nalang tutulo na.

"beng, hindi oras ng jokes ngayon. im serious" halata sa boses niya ang pagmamakaawa at lungkot. kaya di ko na napigilang maluha.

"edi ma-engaged lang kayo! sino ba yun? baka mas maganda pa ko dun ha" kahit umiiyak na ko, nagkukunwaring happy ako.

"yung kinaladkad ko sa restau, siya yun. beng ayoko talaga sakanya. maniwala ka please" pagkasabi niya yun ay tumakbo ako palabas ng restau, naniniwala naman ako kay Dan pero nasaktan at nagalit ako. nasaktan dahil yung sa lahat ng babae sa mundo yun pang babae sa restau at yung nagtetext sakin pa. at nagalit ako dahil sa nanay niya.

hindi na ko hinabol ni Dan pero tawag siya ng tawag sakin. nasa taxi ako ngayon at papunta ako sa bahay nila Dan. di ko rin alam kung bakit.

"kakausapin ko ang mama ni Dan" sabi ko sa isang katulong nila para tawagin si Mrs. Monton.

"sorry ma'am pero di daw po siya pwedeng kausapin" sabi ng katulong nila.

"Mrs. Cuevas! kausapin niyo po ako please lang! kahit 15 mins. lang!" sigaw ko.

"ano bang sasabihin mo ha?" sabi nung babae sa likudan ko. hinarap ko siya at nagulat ako na si Jasmine yun.

"oh? nasaan na ang magic carpet mo? ikaw si Jasmine diba?" pang aasar ko.

"nasa boyfriend mo. at soon to be fiance ko. bakit?" nasaktan ako sa sinabi niya. sisigawan ko na sana siya ng narinig ko ang boses ni mrs. monton

"oh hi dear, wala dito si Dan eh. pero you can stay here, hintayin mo nalang siya. or tanungin mo sa soon to be ex-girlfriend ni Dan." sabi niya. maldita talaga. malayong malayo sa ugali ni Dan.

"saan na nga ba si Dan?" tanong ni mrs. monton

"mrs. monton! please, mahal ko po si Dan at mahal niya din po ako. tanggapin niyo nalang po kung anong meron kami ngayon!" pagmamakaawa ko sa nanay ng bf ko.

"tanggapin? in your wildest dreams hija, hindi bagay sayo ang anak ko, kung bumalik nalang sana ako ng pinas noon, edi sana kasal na sila dan at jasmine ngayon. ano bang gayuma ang pina-inom mo sa anak ko para suwayin ako ni Dan ha?" galit siya, naiyak na ko.

"please po ma, gagawin ko ang lahat matanggap niyo lang relasyon namin ni Dan" nakaluhod ako, nasa harap ko ang mapuputi niyang paa.

"sige, halikan mo ang paa ko" tumingala ako para makita ang mukha ni mrs. monton na nakatingin kay jasmine, pareho silang nakangiti, evil smile.

kahit ayoko gagawin ko para samin ni Dan.

"Beng! anong ginagawa mo!" naramdaman ko ang paghila sakin ni Dan, at niyakap ako.

"Dan! lumayo ka sa babaeng yan!" sigaw ng mama niya. umiiyak na ko.

"ma?! ano bang problema niyo kay bernadette? mahal ko po siya ma?! sana naman maintindihan niyo!" sumisigaw narin si Dan. ramdam ko ang galit niya.

"whether you like it or not, you and jasmine will be engaged tomorrow, jas, ill text you the location" tumalikod na si mrs. monton. umiiyak padin ako. kumalas ako sa pagkakayap kay Dan at hinabol ko si Jasmine.

*slap!*

"what's that for?!" sabi ni jasmine habang hinahaplos niya ang namumula niyang pisngi.

"masaya ka na ha?! ang landi mo! boyfriend ko siya tapos aagawin mo?! alam kong ikaw ang nagsabi kay mrs. monton na maging engaged na kayo eh!" sigaw ko.

"oo! ako nga! at alam kong matutupad ang wish ko! akin si Dan okay? engaged na kami bukas kaya wala ka ng choice kundi makipag break sakanya Hahahaha!" natawa pa siya sa lagay na yun ah.

"baliw" sabi ko nalang.

"bye! see you tomorrow babe!" kumaway pa siya kay Dan bago umalis.

napaluhod nalang ako at napaiyak ng malakas. ang sakit ng mangyayari ngayon. lalo pa bukas.

"ssshh. tama na. sama ka nalang sakin." sabi ni Dan.

"saan tayo pupunta?" humihikbi kong sabi.

"takasan na natin to. kahit sandali" sabi niya sabay hila sakin, muntik pa kong napasubsob. buti hawak ni Dan ang kamay ko.

tatakas? saan? hindi natatakasan ang problema diba? dahil kung pweseng takasan ang problema, malaya na ko matagal na.

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon