III

197 12 8
                                    

nang makapasok na kami sa next class namin

"hay salamat di tayo late. phew!" sabi naming apat. buti na nga lang at hindi kami late kung hindi mapapahiya ulit kami.

maraming nagbubulungan lalo na ang mga babae. siguro dahil to sa kanina don sa cafeteria.

sakto may mga bakanteng upuan, at lima pa, nag-unahan kami sa pag pwesto, at sa kamalasang pangyayari ako doon sa tabi ng isa pang vacant seat.

habang nagchi-chikahan, may parang nagsasalita.

"uhm miss," sabi nun, hindi narinig nung tatlo kaya ako nalang ang kuma-usap.

ang ganda niya infairness, simple lang siyang manamit, unlike sakin na, maganda nga baduy naman.

"walang naka-upo diyan, kaya free ka ng umupo. hehe" inunahan ko na alam ko naman doon mapupunta yung usapan eh, yung tatlo naman na nasa tabi ko, ayun kinikilig, may mga boylet kasing tingin ng tingin sa kanilang tatlo, ang lalande hahaha. joke lang. pero ayos lang naman.

"uhm, thanks ha, oh, by the way im Jinnel Ocampo." sabi niya sabay abot ng kamay, si ako naman pinunasan ang kamay sa damit at tsaka nakipag shake hands din.

"Bernadette Anne Cuevas here! but you can call me Beng" sabi ko naman, nagkangitian pa kami bago namin kinalas ang mga kamay namin sa pagkaka-shake hands.

habang wala pa yung prof nagka-kwentuhan pa kami, hindi ko na napansin sila jea, kristine at jea. nilapitan na kasi sila nung mga boylet. hahahaha. yes naman, lumalove-life ang mga bff ko.

"ah, sinong kasama mo?" ang ganda niya ngumiti.

"ah silang tatlo." sabi ko sabay turo sakanila, pero nga hindi parin nila ako napapansin.

"ah.. oh by the way, ikaw ba yung kasama si Dan sa garden kanina?" sabi niya. medyo nagtaka ako.

"oo, bakit naman?" sabi ko, tapos naka "huh?" look ako.

"hindi mo ba alam? na siya ang most handsome guy dito sa Mayfield college? kahit freshmen ako alam ko na, kasi yung sister ko dito nag aral at baliw na baliw siya dun kay Dan, kahit na 2nd year college palang siya, kahit mga fourth year crush siya" wow, as in wow, ang dami ko ng karibal kay Dan.

"hoy, tulala ka jan? bakit girlfriend ka ba niya?" sabi niya sakin, bumalik na ko sa realidad,.

"ah hindi no, were just friends tsaka, schoolmate ko siya dati," sabi ko and buti nalang at nanjan na yung professor namin kaya tumino na lahat ng estudyante.

lecture...

explain....

.

.

"Okay, class dismiss" sabi nung prof, medyo easy easy lang yung lesson at di masyadong boring, unlike doon sa previous subject namin,

"oh, at kasama pala ni Loser ang pinahiya ni Prince Paul Dan kanina sa cafeteria, kawawa naman. huhuhu" sabi nung babaeng nasa harap namin, sila jea naman natulala.

"pabayaan mo na sila." bulong ni Jinnel.

"awe, kawawa naman kayo, bakit ayaw niyo ko labanan? takot ba kayo? huhuhu" masagot ko nga para matauhan na.

"oo takot kami sayo, mukha ka na kasing white lady jan sa puti ng mukha mo, pinanghilamos mo na yata ang isang sako ng harina, pero, yung mukha lang, yung leeg kasi maitim eh. hhahahaha. tara na girls," natatawa na kaming lahat pero siyempre di namin pinapahalata.

"excuse me." sabi ko sabay bangga dun sa babaeng di ko naman kilala, akala mo kung sino. mayabang. pwe!

wala namang nagawa yung babae, nagmaktol nalang doon sa classroom, yan ang nababagay sa mga mapanglait.

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon