XV

74 3 1
                                    

author's note: agarang update. hahaha. bored eh :) malapit na din pasukan. tatapusin ko na tong story :)))

mwagugsxzxsczx,

gelle

yung babae sa restaurant

habang paakyat ako ng stage hindi ko mapigilang mag isip. siya? siya ba yung nagtetext sakin?

nag date kami ni Dan sa isang restau sa taguig, at habang andoon kami may isang babaeng tingin ng tingin kay Dan, parang seductive look. kaya sinabi ko yun kay Dan at agad niya naman yun pinuntahan at kinaladkad palabas ng restau, ako namang si chismosa sinundan sila dan.

naguusap sila. mukhang seryoso. yung mukha ni Dan Galit. tapos yung babae parang inlove na inlove kay Dan.

umalis na ko ng restau habang umiiyak. ang tanga ko kasi bakit ko sila sinundan, alam kong hindi ako lolokohin ni Dan. sana tama ako.

"Ms. Cuevas?" bumalik ako sa daigdig ng marinig ko na tinatawag ako ng teacher at sinenyasan ako ng Go na sa speech ko. nakalimutan ko, dahil sa babaeng yun. saglit akong lumingon sa pwesto niya pero umalis na siya.

"uhm, good morning sa lahat ng nandito. sa mga teachers, sa mga co-graduates ko. at sa mga magulang na patuloy na sumusoporta sa mga anak nila through all these years." paninimula ko. lahat ng tao nakatutok at nakikinig sa bawat sasabihin ko, pero ako nakatingin lang kay Dan. nakangiti siya. proud siguro siya sakin.

"paano nga ba tayo magtatagumpay sa buhay? alam kong pagtapos ng ceremony na to ay mag uumpisa na tayong abutin ang mga pangarap natin. may mag aapply sa mga agencies at iba pa. pero sa pagtratrabaho nga lang ba tayo magtatagumpay?" huminga ako ng malalim bago ko ituloy ang susunod kong sasabihin.

"hindi, hindi lang tayo dapat sa pagtratrabaho dapat tayo magtagumpay. dapat magtagumpay din tayo sa pagiging mabuting ihemplo sa ibang taong nakapaligid satin. di natin kaylangang maging sikat at sobrang yaman para magtagumpay, dahil kung tayo ay naging mabuting estudyante sa paaralang ito at kung naging mabuting anak tayo sa magulang natin, matagumpay na tayo. kapag nagawa na natin ang mga ito, malapit na nating maabot ang ating mga pangarap. we can do this. we must be strong so that we can be able to conquer all the challenges in our lives. thank you, and congratulations sa ating lahat."

nagpalakpakan silang lahat. si mama, si Dan at mga bestfriends ko tumayo pa. kaya ginaya na ng lahat. bigla akong nangiti sa nakikita ko. alam kong masaya sila para saakin at flattered ako masyado.

kinindatan ako ni dan sabay thumbs-up kaya nag thumbs-up dib ako.

sinabitan na ko ng medalya at binigay na sakin ang diploma ko na.matagal ko ng pinapangarap. sa wakas at matutulungan ko na ang mama ko. para din to kay daddy.

"hoy beng, kanina ka pa diyan tulala" nakabalik ako sa mundo sa sinabi ni Lea, si kristine naman pinitik yung ilong ko.

"aray naman kristine" sabi ko.

"imagine ka kasi ng imagine eh. may problema ba?" sagot ni kristine sakin.

"wala to. kain na nga tayo!" sabi ko sakanila. natawa naman sila sakin.

"beng kakatapos lang natin kumain gutom ka nanaman? oh hindi mo alam na kumakain ka na kanina?" sabay tawa ng mga bestfriends ko. promise hindi ko talaga alam ang nangyayari sakin. yung babaeng yun kasi eh! ano bang meron ka at nagkakaganito ako! inis!

"may problema ba?" tanong ni Dan.

"w-wala to." sabi ko sabay iwas ng tingin.

tatanungin ko Dan kung sino talaga yung babaeng yun at kung anong meron sakanila. di naman masama yun diba?

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon