XVIII

87 6 5
                                    

A/N: hi :) salamat sa readers malapit na talaga tong matapos. keep on READING, COMMENTING AND VOTING guys! :)))))

xoxo :*

gelle<3

---------------------------------------

"babe, gising na. 3:00 pm na" naramdaman kong tinapik ako ni Dan sa balikat.

bumangon naman ako agad. medyo masakit yung ulo ko pero panandalian lang naman.

"uuwi na tayo bukas." napatingin ako kay Dan at napa iling, sign ng hindi pag sang-ayon.

"beng, hindi natin pwedeng takasan ang problema habang buhay, mas mahihirapan lang tayo. hindi ako bibitaw, pangako." napayakap lang ako kay Dan, hindi ako umiiyak pero nalulungkot talaga ako. at natatakot.

kumain lang kami sa isang reatau malapit sa resort. hindi ako masyadong kumain, busog pa ako sa pancakes na kinain ko kanina. pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad kami sa may beach.

"ang tagal na pala natin no" nakatingin si Dan sa malayo, nakangiti. kaya napangiti din ako, nakatingin ako sakanya.

"masaya kaba pag kasama ako?" biglang napalitan ng lungkot ang kaninang nakangiti kong labi.

"oo naman, hindi ako nagsisi na inistalk kita noon" napatingin siya sakin.

"wag mo kong iiwan ha" napahinto kami sa paglalakad at umupo kami sa buhangin. ang ganda ng view, parang paradise ang dating.

"oo, hindi kita iiwan" inakbayan niya ko. at sumandal ako sa balikat niya.

"kapag pinapili ka kung ako at ang pamilya mo piliin mo sila ha" tumingala ako para makita ang mukha niya nakatingin din pala siya sakin at nakangiti.

"salamat ha." ginulo niya ang buhok ko at nagtaka naman ako dun.

"para saan naman?" sabi ko. nakatingin ako sa dagat na kaharap ko ngayon.

"wala, ang swerte ko lang talaga sayo. kasi yung iba gusto sila ang piliin ng boyfriends nila incase na pagpiliin sila between sa parents nila eh."

"ano ka ba, mas importante ang family no. tsaka naniniwala ako na "if were meant to be, it will be"" nag quotation sign pa ko sa hangin.

"paano kung hindi tayo ang para sa isat isa?" nalungkot ako lalo sa sinabi niya.

"edi lets accept the fact, we can be friends pa naman eh. tsaka i-enjoy muna natin ang meron satin ngayon. wag muna natin pag usapan yang "what if hindi tayo para sa isat isa" thing" inalis ni Dan ang pagkaka-akbay niya sakin kaya umayos na din ako ng upo.

"mas okay ng maging handa. tsaka alam ko naman na tayo sa isat isa eh. pinaguusapan lang natin" nakangiti parin siya. hay Dan! napaka-optimistic mo talaga!

"napaka-positive mo naman, minsan dapat hindi palaging ganyan, dapat isipin mo din ang mga negative things na pwedeng mangyari dahil yun ang reality."

nakatingin kami ngayon sa dagat habang pinagmamasdan ang sunset.

"kaya nga pinag-usapan natin kanina ang "what if hindi tayo para sa isat isa" thing eh." nag quotation sign siya sa hangin.

"para maging ready tayo sa posibleng mangyari, pero kung ayaw mong pag usapan, ayos lang din. maging positive nalang tayo para may iisipin tayong masayang alala kapag dumating na ang sinasabi mong reality." dugtong niya. pagkatapos ng mga sinabi niyang yun ay tuluyan na ding lumubog ang araw.mapayapang araw. ngayon dapat magiging engaged sila Jasmine at Dan, kahapon kami umalis papunta dito at salamat walang tumutol sa gusto naming pansamantalang kaligayahan at freedom.

"tara na, lumubog na ang araw, balik na tayo sa resort, doon nalang tayong mag lakad lakad." pagyayaya ni Dan. tumango nalang ako atsaka kami umalis.

----------

"wow! ang ganda pala dito, parang nasa korea lang tayo ah!" ganito kasi yung nakikita ko sa movies at nababasa ko sa korean stories eh. punong puno ng ilaw at mga stall ng food, botique at iba pa. ang ganda talaga.

"gusto mo na ba dito tumira?" alam kong nagbibiro si Dan kaya naki ride nalang ako.

"oo! gustong gusto ko!" tumalon-talon pa ko na parang bata habang sinasabi yun.

"sige, pag naayos na natin ang lahat." sabi niya at tsaka ako iniwan. actually hindi niya ako iniwan, napako lang talaga ang mga paa ko at nauna siyang umalis.

"sabi mo yan Dan ah! yehey!" sabi ko tsaka siya hinabol. ng tumatalon at tumatawa. OA ko na ba?

marami kaming ginawa, kumain kami at namili ng mga gamit. pero konti lang para madaling bitbitin pag uwi namin sa manila.

"enjoy?" sabi niya sabay kagat at inom sa burger at softfrinks na binili namin sa isang stall.

"super! sana maulit to!" sabi ko naman. nakangiti ako pero agad.yung nawala ng hindi umimik si Dan alam kong kinakabahan din siya para bukas gaya ko, kaya hindi nalang kami nag salita hanggang sa matapos kami kumain.

"inaantok kanaba?" tanong niya.nandito na kami sa loob ng room. hindi pa ako inaantok pero tumango ako.

"tulog na tayo ha goodnight love, iloveyousomuch" sabi niya tsaka siya pumikit naiyak ako, siguro dahil baka ito na ang last naming pagkikita at pag-uusap, siguro ito na ang huli na sasabihan niya ko ng iloveyou, babe, love at kung anu-ano pang sweet words. mamimiss ko siya kung sakali.

lumabas ako dahil baka marinig ni Dan ang pag iyak ko. sa labas lang naman ako resort at hindi ako lalayo. gusto ko lang mapag isa.

"nakita ko na tong ganitong eksena sa movies eh. yung paghihiwalayin yung bida at yung boyfriend niya pero di nila maggawa yun dahil na realize nila na sila ang meant to be" nagsasalita akong mag-isa at di ko maiwasang umiyak. habang binabato ang mga batong nasa harapan ko papuntang kawalan.

"bakit pa kasi sakin nangyari to eh. sana hindi ako hiwalayan ng boyfriend ko" pinunasan ko ang mga luha ko para bumalik ng room ng makita ko si Dan sa harap ko at pinapanuod ang ka-dramahan ko.

tumakbo nalang papunta sa kanya at niyakap siya at umiyak ng malakas.

"gaya ng sa movies, dapat maging strong ka. dahil ikaw ang bida dito" sabi niya, medyo nanginginig ang boses niya.

"wag mo kong iiwan ha." sabi ko.

"hinding hindi, tara na. maaga pa tayo bukas" at sabay na nga kaming pumanik papunta sa room namin.

sana talaga di kami maghihiwalay.

tadhana maki join kanalang tutal sabi ni Dan ako Bida dito eh.

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon