XVII

73 4 2
                                    

author's note: another update ;) hahaha. vote and comment lang guys! konting push lang matatapos na din to! :)

mwahugsxzxcxz,

gelle

--------------------------

"takasan na natin to. kahit sandali"

paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang sinabi ni dan sakin. nakasakay ako sa kotse niya, di ko alam kung saan kami dadalhin ng mga gulong na ito.

"matulog ka muna, mahaba pa ang biyahe" sabi sakin ni Dan, lumipat ako sa backseat dahil inaantok na din talaga ako.

"saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya bago bumigay ang mga mata sa antok.

"sa lugar kung saan tayo malaya" sabi niya. pinikit ko na ang mata ko. umaasang kinabukasan ay magiging maganda at maayos ang lahat.

(now playing: Run Away by: Bruno Mars)

"gising na babe andito na tayo" naramdaman ko ang labi ni Dan sa forehead ko. dahilan ng pag-gising ko. tiningnan ko ang phone ko para tingnan ang oras. its 5:07 AM inaantok pa ko.

"nasaan tayo?" sabi ko sakanya. nakita ko na may binili siyang damit, unan at kumot. siguro binili niya yun nung tulog na tulog pa ako.

"Batangas. konti lang ang pumupunta sa resort na to kaya imposibleng makikita nila tayo." nakangiti niyang sabi.

nakakahawa yung ngiti niya kaya napangiti nadin ako.

"s-----" magpapasalamat sana ako kay Dan ng bigla niyang tinakpan yung bibig ko gamit ang pointing finger niya.

"bago ka magsalita, magtoothbrush ka muna. baho ng hininga mo eh. hahaha" sasapakin ko sana siya kaso biglang tumakbo kaya hinabol ko siya.

naghahabulan kami ngayon, ang saya. naramdaman ko ang freedom sa aming dalawa.

"Dan! tama na! grabe pagod at gutom na ko" sigaw ko, napa upo nalang akong bigla dahil sa pagpd at gutom.

"tara na nga" sabi niya. nabigla ako ng binuhat niya ako. naalala ko tuloy nung college pa kami. nung hindi ko namalayan yung steps ng hallway at si Dan ang umalalay sakin nun. hindi ko tuloy maiwasang mangiti.

"kinikilig ka nanaman sakin" sabi ni dan. hinampas ko nga.

"aray ko naman." sabi niya. pununta kami sa isang pancake house. malapit lang sa resort. walking distance lang kaya okay lang.

"isa pa!!!!" sabi ko kay Dan. nakangiti niya ko pibapanuod habang kumakain ng pancakes and pasta.

"tama na beng, naka tatlong pasta and 3 plates of pancakes na ang kinakain mo. ang takaw mo talaga" natawa nalang kaming dalawa.

pagkatapos namin kumain naglakad lakad muna kami bago magpahinga.

"ang ganda pala dito, paano mo naman nalaman ang lugar na to?" pagtatanong ko, sobrang ganda kasi ng lugar.

"di ko din alam. basta dati noong may problem ako dito ako pununta. once lang naman yun. bale pangalawang beses ko palang pumunta dito." pagpapaliwanag niya.

"ah. ok." sabi ko.

"tara na? nakakapagod ang byahe, pahinga na tayo?" biglang kunabog yung dibdib ko sa sinabi niya.

"wag kang mag-alala di tayo magtatabi. baka magka-anak tayo ng wala sa oras. hahaha"hinampas ko nanaman siya ng malakas.

"loko ka. tara na nga! inaantok na din ako!" magkahawak ang kamay namin papunta sa room namin.

di na kami nagkwentuhan pagpasok namin sa room. diretso tulog na kami. nakakapagod ang mga pangyayari. sana maging okay na ang lahat. alam kong maling talbuhan ang problema pero minsan kaylangan mo din ito para huminga kahit saglit.

kaylangan ko yun. ang huminga kahit sandali. para mapaghandaan ko din ang pagsubok na haharapin namin pagbalik ko.

sana maayos pa.

mahal ko si Dan.

MAHAL NA MAHAL.

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon