IV

152 11 4
                                    

Pagkagising ko ng umaga, nakangiti na agad ako, siyempre makikita ko nanaman si Dan, ganiti na ako dati pa, excited akong pumasok lagi dahil sakanya, siya ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay, pero noon, di niya pa ako napapansin, pero NOON naman yun eh, iba na ngayon, kasi NGAYON, friends na kami, at malapit na maging kami. hahhaa joke lang. hindi naman masamang mangarap diba?

bumangon na ko para makapag almusal. pababa palang ako si mommy agad ang nakita ko, siyempre kaming dalawa lang naman ang magkasama bukod sa mga maids namin. 2 lang naman sila.

"Good morning baby :)" bungad sakin ni mommy.

"Good morning din ma" sabi ko. nawala yung antok ko nung nakita ko yung Pancake at Coffee para sa breakfast, favorite kasi namin to ni Daddy tuwing breakfast eh, namiss ko tuloy si Papa :(

ang sarap talaga netong favorite namin, pagkatapos kong kumain ay pumanik na ako para mag toothbrush at gawin lahat ng seremonyas sa katawan.

pagtapos noon ay bumaba na agad ako ng maka alis na, medyo mabagal ako kumilos dahil dito sa half leshe at half lucky left foot ko.

"ma, alis na ako ha!" sabi ko, pero hinigit ako ni mama, at dahilan ng paghinto ko.

"baunin mo na to." binigay niya saakin yung chuckie na nasa ziplock, ang sweet ni mama, pero di ba parang childish masyado?

"ma, first year college na ko, nakakahiya naman kung chuckie pa ang ibabaon ko." pero biglang sumimangot si mama, sabagay, ngayon lang naman siya magiging sweet ng ganito tapos babalewalain ko pa, tsaka namiss ko din naman ang chuckie eh, all time favorite ko kasi to.

"sge na nga ma, namiss ko din kasi to eh. bye! alis na po ako!" sabi ko sabay alis na, ika ika parin ako maglakad, aish, baka maging sagabal pa ko sa mga bff ko neto. aish.

"ingat ka ha, wag magtatatakbo!" natawa naman ako dun.

"ma naman, hindi po ako first year high school, first year college na po ako, hahaha" sigaw ko kay mama, nasa labas na kasi ako, excited na ko pumasok, makikita ko na si Dan. omg.

Ako yung babaeng hindi easy to get at hindi din hard to get, average lang siguro, pero wala pa akong boyfriend, hindi ko pa kasi masyadong iniisip ang ibang boys na nagpaparamdam sakin dahil naka focus ako kay Dan, nasaktan ako noon, nung nalaman kong may nililigawan siya, pero nabalitaan ko nalang na hininto niya din kasi nalaman niyang may boyfriend yung girl, kawawa si.Dan, ang shunga naman nung girl. kung ako yun yes agad. hahahaha, syempre alangan naman na papakipot pa ko no, easy to get na ko sakanya. hahahaha.

hindi ko namalayan na malapit na kami sa school, kaya agad agad kong tinext si Jea para hindi na kami maghanapan, baka mas lalong sumakit yung paa ko kung sakali.

natatanaw ko si Dan sa bintana, dahilan para kiligin ako ng wala sa oras.

"Ma'am, si sir Dan yun diba? yung nag buhat sa inyo kahapon?" napansin din pala ni kuya ariel.

"ah oo siya nga po hihi," sabi ko, tapos tinigil naman ni kuya ariel yung kotse para makababa na ako.

"ako na manong, nandito na pala si mataba eh. hahaha. goodmorning, hatid na kita, sabi ni Jea parating ka na kaya hinintay na kita dito sa labas. tara na?" ang bilis naman niya, pero hayaan mo na kinikilig ako kahit marami nang tumitingin samin at kahit na pinagbubulungan at pinag uuspan na kami.

"oh saan tayo papunta? san mo ko dadalhin?" sabi ko.

"chill ka lang, alam na ng best friends mo to." sabi niya tsaka nakangiti.

"uy teka may klase tayo." sabi ko sakanya.

"may boring na orientation daw." sabi niya, mga hanggang lunch daw siguro yun.

nagpunta kami dito sa rooftop. wala naman dun sila jea? ano to? kaming dalawa lang? oemgi, kilig much. hahahaha.

kung para sakanya di ito date sakin oo, DATE ITO.

pagka-akyat namin nakita ko agad yung telang nakalatag at may payong pa, sa gilid din may basket. ang sweet naman, hahha, feeling ko boyfriend ko na siya.

"ito yung kapalit, sasamahan mo ko dito ngayon." sabi niya habang inaalalayan niya ko umupo.

"dahan dahan lang ha." sabi niya. sakto pala yung chuckie na baon ko dito.

"Oh ayan, dalawa kasi yung pinabaon sakin ni mommy eh, favorite ko yan! pero bigay ko na lang sayo yung isa." sabi ko. natawa nalang siya.

"chips ahoy? wow ha. hahahaha" natawa lang ako kasi yun yung dala niya, favorite niya yun alam ko, siyempre im stalking him diba? hahaha.

"yeah. so tara na? kain na tayo, hindi pa din ako nag bre-breakfast eh." sabi niya habang binubuksan niya yung chips ahoy. grabe inlove na ata ako dito sa nilalang na ito.

nagkwentuhan kami, nagtawanan.

Bzt. Bzt.

nagvibrate yung cellphone niya, at nakita kong may tumatawag..

A/N: thanks sa lahat ng nagbabasa mag comment lang kayo, suggest lang! :) wag na kayong mahiya. hahaha lol. basta im very thankful dahil naappreciate niyo tong story na to. keep on reading guys! <3

hugs and kisses. :*

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon