II

220 12 6
                                    

hindi ko namalayan na may tumabi saakin. siguro naman sila na yun, wala naman akong ibang kakilala sa school, syempre freshmen palang ako.

"Oh? bat ang bilis niyo mag-cr?" pero walang sumagot, pero alam ko naman na may katabi ako,.

"Sorry for what i have done kanina ha." parang familiar yung boses eh. pero teka? lalaki to ah? sino naman kaya? imposibleng si Dan naman to, kasi nga diba? ang sungit sungit niya sakin kanina?

inangat ko na yung ulo ko para makita ko kung sino yung kumakausap sakin, at nagulat ako, si Dan. pero bakit? diba masungit siya kanina? medyo gulo na ako.

"ok" sabi ko nalang. wala akong masabi eh.

"sorry na nga eh, bad trip na bad trip kasi ako kanina, tapos may nagsabi sakin na nag-aral sa school natin dati ng masama tungkol sayo, sabi pa inis-stalk mo ko, pero alam ko namang hindi totoo yun diba? sorry na ah. peace?" tapos nag peace sign pa siya. sabi ko na nga ba, bad trip lang to eh. galing ko talaga mag-investigate. hahahahaha.

ang gwapo talaga niya, napatulala ako sa kagwapuhan niya, hindi siya nakakasawang tingnan grabe. parang nabingi na nga ako kasi nakikita kong nagsasalita si Dan pero wala akong naririnig ang gwapo niya talaga.

"5...6...7...8...9...10, okay! friends na tayo beng ha! bye!" loko yun ah, nagbilang tapos sasabihing friends? may sira ata sa tuktom yun.

"Hoy Dan! anong sinasabi mong friends kahit wala pa akong sinasabi?" sigaw ko, patakbo na kasi siya paalis.

"sabi ko kasi diba after kong magbilang ng ten tapos hindi ka parin sumasagot friends na tayo? silence means yes! hahaha. bye!" aish! ang kulet parin! wala parin pala talagang pinag bago tong si dan! siya parin ang Dan na crush ko since elementary.

habang tumatakbo si Dan nagkasalubong pa niya sila jea, kristine at lea. kumaway pa ito sa kanila, at pagkatapos nun ay tumakbo papunta sakin ang friendships na parang kinikilig pa, alam ko namang crush rin nila si Dan pero sabi naman nila na sakin nalang daw yun, ramdam daw kasi nila na kami talaga para sa isat isa.

"Girl! ano na! kayo na ba? kung makangiti si papa dan abot moon ah!" sabi ni kristine.

"ano ba kayo, siyempre hindi no. friends lang kami. kayo talaga." pero sa totoo lang, ang saya saya ko, kasi kung kelan hindi ko na siya masyadong inis-stalk tsaka ganito, tsaka lang kami naging friends. destiny? kami na ba talaga? haha echos lang. alam kong hindi. pero hindi naman masamang umasa at mag assume diba? siyempre gusto ko na siya.

"pero pupunta din tayo jan. hahaha" sabi nilang tatlo. ang swerte ko talaga sa mga friends ko. :)

"tara na sa susundod na subject? baka ma-late nanaman tayo oh." sabi nila lea, tsaka kami tumawang lahat at tumayo na para makapunta sa next subject namin.

A/N: end of chapter one! ano nagustuhan niyo ba? hahaha. <3 by the way guys! lets support @MsRinodaeb gagawa daw po siya ng story! friend ko siya, so follow her na! at sama sama natin siyang suportahan sa kanyang gagawin ng story! SOON! :)))

comment, suggest and vote lang sa story na to! thanks! <3

hugs and kisses :*

I'm Stalking My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon